Twenty Second Set

877 40 5
                                    

"Kelan ang alis niyo Kianna?" Nag-aya kasing magkita-kita ang team bago pa sila lumipad para sa training nila abroad.

Para saan?

Sa national team.

"Ewan ko nga Ate. Ang gulo kasi, nagkaroon pa yata ng changes" sagot niya.

"Nakakainis nga Ate eh! Dapat kasama ka doon!" Dagdag pa niya.

"Baliw! Hayaan mo na, tanggap ko naman. Hindi pa siguro ito ang tamang oras para maging parte ako ng national team"

"Hindi! Masyado kasi nilang tinitingnan yung past ng player. Grabe rin minsan makadiscriminate ng player. Hindi ba nila alam na minsan mas lumalakas ang isang athlete pagkatapos ng downfall nila!!" Gigil na sabi nito.

"Huy KKD! Maghunus-dili ka nga. Gigil na gigil ka" saway ni Kim sa kanya.

"Kasi naman Ate Kim! Dapat ikaw ang hindi kasama"

"Hala? Bakit ako?"

"Kasi ang gaganda namin sa team tapos included ka. Wala na, talo na" nabatukan siya ni Kim sa biro niya.

"Siraulo 'to! Hindi kita bibigyan ng bola"

"Eh di wag! Di naman ako ang papagalitan ni Coach Shaq" sabay belat niya.

Ganito talaga sila. Hindi pa rin nawawala ang kulitan nilang dalawa.

"Okay ka lang DaughterF?" Untag ni MotherF sa akin.

"Oo naman Mother"

"Hayaan mo na yung officials na hindi ka pinili. I-prove mo sa kanila na nagkamali sila" pagpapalakas niya ng loob ko.

"Hahaha okay lang ako Mother. Susuportahan ko ang national team natin basta pasalubong ko pagbalik"

"Hahaha sige, malay mo naman doon nagtatago ang baby boy mo. Iuuwi ko na siya dito"

"Nasa tabi-tabi lang iyon Ate Aby, nakita mo naman diba na nagpabigay siya ng bulaklak kay Ate Ara" pagsingit ni Dawn.

Napakagaling din kasi magtago ng pagong na iyon.

Nanood din yata siya ng game namin nung Finals kasi may kumalat sa twitter na nakita daw siya. Ewan ko kung maniniwala ako dahil baka fake news lang.

Napag-usapan pa namin ang ibang mga bagay. Napuno ng kulitan ang pagkikita namin.

Sa kabilang banda, si Thomas naman ay naghahanda nang makipagkita.

Makipagkita sa pamilya niya.

"KUYA!!" Napaatras ako sa sigawan nila Kath. Nagtatabaan yata sila ngayon.

"Namiss ka namin Kuya Sungit" at ginigil pa ni Mariella ang braso ko.

"Thomas, anak" niyakap ko si Mommy, naiiyak na siya.

"Namiss ko kayo Ma"

"Gumaganda ang katawan mo Anak ah, parang nakapag-workout ka sa lugar na tinataguan mo" natawa naman ako sa sinabi niya.

"Wala na nga akong makain Mommy" sinapak naman niya ng mahina ang tiyan ko.

"Bakit kasi di ka pa umuwi?! Pumasok na nga tayo sa loob at kumain"

"Uy mga Ate, hinay hinay naman sa pagkain" nahampas ako ni Kath sa biro ko.

"Kumain ka na lang Kuya, ang sarap ng luto ni Mommy eh"

"Kuya, bakit nga pala ayaw mong isama si Ate Ara dito sa lunch natin?" Nabato naman siya ng tissue ni Ella.

"Gusto ko kayong makasama"

No Reason To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon