Twelfth Set

1.3K 40 6
                                    

Sa mga nakalipas na araw, sunod sunod na magagandang balita ang natanggap namin.

Unahin na natin ang magandang performance ni Thomas sa PBA team. Ang galing din kasi ng tandem nila ni Jeron.

Pangalawa, pumasok na sa finals ang iniwan kong team. Luckily waiting na lang sila sa makakalaban.

Pangatlo, trabahong galing sa iba't ibang sports magazines na gustong ifeature ang mga nangyari sa amin ni Thomas.

Pang-apat, ang away-bati at ang hindi mabilang na surprises ni Thomas sakin. Alam na yata nang halos lahat na nililigawan na niya ako.

Panglima, nagpa-ultrasound na kami at nalaman na rin namin ang gender ng baby namin.

And its a baby....















Girl.

Naging busy din kami sa shoots at interviews para sa isang magazine. Nakalimutan na nga namin pumunta sa check up nung nakaraang araw. Mabuti na lang nainform kami ni Doc na wag umabsent sa susunod na check ups.

"Mas maganda siguro kung sa kanan yung crib para malapit sa bintana. Maliwanag pa sa umaga" binuhat naman ni Thomas yung crib siyempre alangan akong magbuhat.

"Eh paano yung kama? Saan ipupwesto?"

"Dito na lang sa kaliwa para medyo malapit. Tapos yung small cabinet doon na lang sa tabi nung crib para di mahirapan sa baby" todo hila. Buhat. Hakot naman si Thomas.

Iniwan ko muna siya para ipagtimpla ng juice. Simula kasi kaninang umaga ay busy na kami sa pag-aayos ng baby room.

"Here. Magpahinga ka muna" naupo siya sa kama at nagmeryenda. Ako na lang nagpunas ng pawis niya.

"Sa likod pa" demand niya. Pinagbigyan ko na tutal mas madami naman siyang nagawa sakin.

"Oh dito pa" binato ko yung towel sa kanya.

"Abusado!!"

"Sus mahahawakan mo na nga yung abs ko ayaw mo pa" pang-aasar pa niya.

"Abs your face" at binelatan ko siya.

"Anong oras pala game nila Mika?"

"4pm pa daw. Sa Araneta, why?"

"You want to watch live?" Saad ni Thomas.

"Wala naman tayong ticket and for sure ubos na yun. Magkalaban pa naman sila ni Valdez" Ewan ko nga rin, pati sa league outside UAAP nagtatagpo pa din sila.

"Eh paano kung sabihin kong may ticket ako" nilingon ko si Thomas.

"Seryoso?!" Tinaas-taas pa niya ang kilay niya. "Yeeessss. Maliligo na ako para umabot tayo" excited kong tugon sa kanya.

"Hep hep" awat niya.

"Hooray" naparoll eyes na lang si Thomas. Oo na, alam ko namang waley yun.

"Di pa tayo tapos dito. Nasa kwarto ko pa yung ibang ililipat"

"Oo nga pala pero baka pwedeng bukas naman. Excited na kasi akong makita ulit yung team eh" saad ko.

"Oh sige. Tara sama ka muna sakin" hinila niya ako papunta sa kwarto niya. "Manonood tayo pero you need to wear this"

Sinipat ko yung maternity dress na hawak niya. Not bad naman.

"Hmmm sige na nga" kinuha ko na at lumabas ng kwarto niya.

Mag-aalas tres na ng makaalis kami. One hour travel is not bad naman siguro para makaabot sa laban nila.

Di naman kami pinagkaguluhan since may mga guards. At siguro naiintindihan din naman nila yung sitwasyon ko.

No Reason To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon