Nineteenth Set

752 40 20
                                    

Lumipas ang tatlong buwan, nakakapag-adjust na ako sa sakit at lungkot na naramdaman ko nang mawala ang baby ko. Tatlong buwan na rin akong hindi binibisita ni Victoria sa panaginip. Nawawala na rin iyong batang umiiyak na palagi kong naririnig.

Tatlong buwan na simula nang mapagpasyahan kong bumangon. At tatlong buwan na rin simula nang iwan ako ni Thom.

Sinubukan kong hanapin siya nang minsang magpunta ako sa Manila pero hindi ko siya nakita. Nagulat pa nga sila Kath nang bumisita ako sa condo niya. Nagbabakasakali na nandoon siya.

Wala rin silang alam kung nasaan si Thomas. Ultimo basketball career niya ay iniwan niya.

Nasaan nga kaya siya? Naaalala kaya niya ako?

Pero bakit naman niya ako maalala eh sinaktan ko siya.

"Miss na kita Thomas" bulong ko bago bumangon sa kama. Binuksan ko ang bintana ng kwarto at bumungad ang maliwanag na sikat ng araw.

Panibagong araw ng pagbangon mo Ara.

Dinama ko ang simoy ng hangin bago pumasok sa banyo at naligo. Kailangan ko kasing pumunta sa Manila ngayon para bumisita sa anak ko.

"Aalis ka Anak?" Tanong ni Mama habang naghahanda ng pagkain.

"Opo, bibisita lang kay Victoria" sagot ko.

"Gusto mo ipahatid kita sa papa mo?"

"Nako wag na Ma, magcommute na lang ako. Babalik din po ako kaagad" nauna na akong kumain para makaabot ako sa biyahe.

Walang traffic kaya naging madali ang pagbyahe sa akin.

Bumili muna ako ng bulaklak at kandila bago dumiretso sa sementeryo.

"Magandang umaga baby ko" bati ko sa puntod niya.

"Namiss mo na si Mommy? Pasensiya na kung ngayon lang ulit ako nakadalaw. Birthday kasi ni Lolo mo kaya naging abala kami..."

"Kumusta ka na pala sa heaven? Hindi ka na nagpapakita sa panaginip ko. Pati pag-iyak mo hindi ko na naririnig. Namimiss ka na ni Mommy, Victoria.."

"Pati yung daddy mo namimiss ko na. Tatlong buwan na siyang hindi nagpapakita sa akin. Kasalanan ko naman kasi baby, nakita mo naman siguro na inaway ko siya. Galit siguro siya sa akin kaya nagtatago.."

"Baby ko, baka naman pwedeng humingi ng tulong sayo. Sabihin mo naman sa daddy mo na miss ko na siya, na gusto ko siyang makausap, na gusto kong magsorry sa kanya at bawiin lahat ng sinabi ko. Alam ko nasaktan ko siya kaya gusto ko humingi ng sorry at makabawi sa kanya sa paraang alam ko. At ikaw lang ang makakatulong sa akin, please baby, hanapin mo si Daddy mo. Sabihin mo sa kanya na gusto ko siya makita.."

"Alam ko na hindi dapat kami nagkaganito pero kasalanan ko nga diba kaya please baby, aasahan ko ang tulong mo. Para naman mabuo ko na rin ang pamilya natin.." Nakangiting sabi ko.

Sa pagkawala ni Thomas ay mas lalo kong napatunayan sa sarili ko na mahal ko na pala siya. Grabeng pagkamiss na ang nararamdaman ko sa kanya na dinadaan ko na lang sa hugot tweets ang pinagdadaanan ko. Sana maayos pa namin lahat.

"Sige baby, aalis na rin si Mommy. May pupuntahan pa kasi ako. Basta baby yung hiling ni Mommy wag mo kalimutan. Promise babalik ako dito na kasama siya kapag tinulungan mo ako. Mahal na mahal kita Victoria, bantayan mo kami palagi ni Daddy mo"

Tumayo na ako at umalis.

Lingid sa kaalaman ni Ara ang pagdating ng isang lalake sa pag-alis niya.












No Reason To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon