Eighteenth Set

660 31 2
                                    

Sa pag-alis sa lugar ni Thomas, naiwang nagtataka ang kaibigan at pamilya nito.

"Ara? What happened?" Tanong na kaibigan nitong si Mika. Wala rin naman silang nakuhang sagot dito.

"Anak? Ayos ka lang ba? Pinag-alala mo kami" niyakap siya ng magulang niya at doon mas lalong bumuhos ang kaninang tinatagong emosyon.

Nanghihina siya sa mga nangyari sa kanila ni Thomas, ni Victoria at lahat pati sa sarili niya.

Nanghihina siya.

"Ara? ARA!!"

"Anak!!"

Kasabay ng pagpatak ng tubig ulan sa kanyang maamong mukha ay ang pagpikit ng mga mata niya.

Hindi rin nakaligtas ang isang imahe ng bata sa di kalayuan na nakangiting kumakaway sa kanya.

Ilang saglit pa ay nagdilim ang paligid niya.













(MagkakaPOV na si Ara!!)










"Tita! Gising na po yata si Ara!" Rinig kong sabi ni Mika.

Ang labo ng paningin ko. Sobrang liwanag pa ng kwarto na nakakasilaw sa mata ko.

"Anak. Anak si Mama 'to, kumusta pakiramdam mo" tanong sa akin ni Mama. Hindi ko ito kwarto, nasaan na naman ba ako?

"Oh! Wag ka munang bumangon" pigil ni Papa at nakita ko ang isang mahabang swero sa tabi ko.

Hay. Nasa ospital ka na naman Ara.

Inikot ko ang paningin ko.

Wala siya.

Wala siya dito.

Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto. Napangiti ako pero napalitan kaagad ito.

"Kumusta pakiramdam mo Ara?" Tanong ng doktor. Umiling lang ako at hindi nagsalita.

"Nawalan ka ng malay kagabi dahil siguro sa gutom, pagod at panghihina na naramdaman mo. Dagdagan mo pa ng masamang panahon. As of now, hintayin muna natin ang results ng tests mo. Then after that we will discharge you" pagbabalita ng doktor.

"Wala po ba kayong irereseta na gamot or anything kay Ara?" Pagsingit ni Kuya sa usapan.

"Wala naman, nagsleeping pills ka pala. Hinay hinay lang sa dosage okay? Wag sanayin ang sarili sa ganoon, you'll get better Ara"

Umalis din siya pagkatapos akong tingnan. Nagpaalam na rin sila Mika dahil may training pa daw.

"Gusto mo kumain?" Tumango lang ako kay Mama.

Pinaghanda niya ako ng pagkain at akmang susubuan pa ako pero kinuha ko ang kutsara at tinidor sa kamay niya.

"Good thing your eating na Ara" saad ni Ate Sia. Pilit lang akong ngumiti at tumuloy sa pagkain.

Dumaan ang mahabang oras at heto palabas na kami ng ospital pero ni anino niya hindi ko nakita.

"Hindi kita mahal at hindi na kita kailangan kaya umalis ka na sa buhay ko"

"Hindi kita mahal at hindi na kita kailangan kaya umalis ka na sa buhay ko"

"Hindi kita mahal at hindi na kita kailangan kaya umalis ka na sa buhay ko"

Mabilis kong pinahid ang luha sa pisngi ko at pumasok sa sasakyan.

"Are you okay Ara?" Tanong ni Kuya at tango lang ang sagot ko.

No Reason To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon