Twenty Seventh Set

929 32 18
                                    

Sorry na po kaagad hahahaha. Ang late ko mag-update.

________________________________________________

Napahiga na lang si Ara sa sahig ng court kasama ang ilang teammates sa sobrang pagod sa evening training nila. Nagalit kasi si Coach Ramil sa sunod sunod nilang talo sa tune-up games.






"Team! Wag na tayo magpatalo next time. Kaloka si Coach, ubusan siya ng energy" pagod na pagod na sabi ni Tyang Aby.





Sandali naman tumayo si Ara at nagpunas ng pawis.





Kahit siya ay masakit na ang katawan sa kakahabol sa bola. Bagsak dito, takbo doon. Spike dito, habol doon.





"Shower na girls! Magdidinner pa!" Kaagad naman nagpulasan ang buong team at nagpaunahan sa shower room.





Tulala lang si Ara habang nasa isang tabi at naghihintay sa ilan pang kasamahan na di pa tapos mag-ayos. Paminsan minsan niya rin sinisilip ang phone niya. Umaasang magtetext si Thomas sa kanya.





"Ilang araw na 'yan Ate?" Tanong ni Kianna na mukhang walang balak makipagkulitan sa iba. Tumabi pa ito sa kanya at sumandal.





"Magtatatlo na ngayon" malungkot na sagot ni Ara. "Si Marck pala, kamusta na siya?"





"He's okay. Miss na miss na namin ang isa't isa. I'm planning na puntahan siya pero magpapaalam pa ako kila Coach"





Tanging pagtango lang ang naisagot ni Ara bago na naman silipin ang phone niya.





"Gusto mo Ate ako na tumawag kay Daddy namin?" Saglit na napatawa si Ara bago tumingin kay Kianna.





"Tulungan kita. MaDM limit na pero ifaflood ko si Daddy Thomas para puntahan ka. Napakamatampuhin niya"





"Thanks Kianna"





"No worries Ate. Alam ko naman na namimiss mo na siya kaya lang kahit ikaw ayaw magbaba ng pride para kausapin siya"





Tatawa tawa lang si Ara bago tumayo dahil sumesenyas na naman si Coach Ramil sa kanya.





Pagkatapos mag-team dinner ay nagkanya kanya na sila. Umuwi muna si Ara sa bagong bili niyang condo. Regalo ni Kuya Djun sa kanya, pambawi daw sa mga nagawa niya dati.





Nagbukas muna siya ng twitter at nag-iwan ng DM kay Thomas. Ni hindi pa rin nasi-seen ang mga message niya.





"I miss you Thom. Good night. I love you"






Nagpalit na siya ng pantulog. Hindi naman nagrereply ang chinitong iyon kaya itutulog na lamang niya ang pagkamiss dito.





Mabilis siyang dinalaw nang antok. Ilang minuto lamang yata ay nakatulog na siya.





Lingid sa kaalaman niya ay papunta na si Thomas sa condo niya. Talagang hindi ito tinigilan ni Kianna at ng buong team para kausapin na si Ara. Saka lamang napagtanto ni Thomas na ang immature niya para magtampo sa napakababaw na dahilan.





"Gising pa kaya 'yon?" Alas onse na at kadarating niya lang dahil sa matinding traffic.





Magdodoorbell pa lamang sana siya at tatawagan si Ara nang mapansin na hindi nakalock ang pinto ng condo unit nito.





No Reason To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon