Twenty First Set

692 34 3
                                    

Walang kasiguraduhan si Thomas sa pag-alis niya. Kumuha lang siya ng ilang gamit sa bahay nila at umalis.

Walang nakakaalam kung saan siya nagpunta. Basta ang mahalaga sa kanya ay tuparin ang sinabi kay Ara.

"Hindi kita mahal at hindi na kita kailangan kaya umalis ka na sa buhay ko"

"Hindi kita mahal at hindi na kita kailangan kaya umalis ka na sa buhay ko"

"Hindi kita mahal at hindi na kita kailangan kaya umalis ka na sa buhay ko"

Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan. Umiiyak siya habang nagmamaneho dala na rin ng bigat at sakit na nararamdaman niya.

Walang pakialam sa maaring mangyari sa kanya.

"Daddy.."

Mabilis niyang kinabig ang manibela at pumreno.

Kamuntik na siyang makabangga.

Sumubsob siya sa manibela at doon umiyak.

"Daddy..."

Lumingon siya pero mag-isa lang siya sa sasakyan.

Naririnig niya ng boses ng isang bata na tinatawag siyang daddy.

Nagpakalayo-layo si Thomas. Sa lugar na wala gaanong nakakakilala sa kanya. Sa lugar na hindi kaagad siya makikita.

"Hijo, baguhan ka ba dito?" Nilingon niya ang isang matandang lalake.

"Opo, nagbabakasyon lang po" saka muli nitong itinuon ang paningin sa ilog na kaharap niya.

"Bakasyon para saan? Makapagrelax o makalimot" tanong ng lalake.

"Parehas po" walang emosyong sagot ni Thomas.

"Malalampasan mo din iyan Hijo, Tatay Lito pala" pagpapakilala ng lalake

"Thomas po" inabot niya ang kamay ng lalake

"Maiwan muna kita dito. Kami pala ang nakatira doon sa malapit na kubo na inupahan mo" tumango lang si Thomas at naiwan ulit mag-isa.

Tatlong buwan na siyang malayo sa pamilya, malayo kay Ara.

Wala siyang balita sa mga ito. Wala pa rin siyang balak bumalik.

Bago dumilim ay bumalik siya sa maliit na bahay na inupahan niya. Nagluto ng sarili niyang pagkain sa kalan, malayo sa kagamitan niya sa Manila. Buhay probinsya ang buhay niya dito.

Nagpahinga na rin pagkatapos pero nagising nang isang masamang panaginip.

Simula ng iwan niya si Ara at ang pamilya niya palagi siyang binabagabag ng isang bata.

Isang batang umiiyak katulad ng kwento ni Ara. May tumatawag rin sa kanya na Daddy pero dilim lang ang nakikita niya.

Paulit-ulit ito na halos araw-araw ay nanaginip siya kaya napagpasyahan niyang dalawin ang anak.

May bulaklak at nakasinding kandila sa puntod nito. Siguro ay may bumisita bago pa siya dumating.

"Miss mo na siguro si Daddy kaya palagi kang nasa panaginip ko. Binisita na kita, pasensiya na kung ngayon na lang ulit ako nakabalik. Alam mo naman diba na nasa malayo ako, na nagkaproblema kami ni Mommy mo...."

"Umiiyak ka din sa panaginip ko, ano bang ibig sabihin nun Baby Victoria? Ano bang gusto mong gawin ni Daddy? Nahihirapan na ako anak, nahihirapan ako sa tuwing umiiyak ka. Ano bang gusto mo? Iparamdam mo lang kay Daddy tapos pipilitin kong gawin.."

Nanatili muna siya at nagdasal para sa anak bago umalis.

Tinatanaw niya rin ang pamilya mula sa malayo. Hindi niya pa kayang bumalik lalo pa at nasasaktan pa rin siya.

No Reason To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon