FINALE

1.2K 29 7
                                    

"Ready ka na Ara?" Nilingon naman ni Ara ang mama niya na kapapasok lamang sa kwarto kung saan siya inaayusan kanina.



"Ma"


"Oh. Wag kang iiyak masisira 'yang make-up" Nilapitan siya nito at niyakap.



"Ibibigay ko na sayo ang korona na pinakamagandang bride na nakita ko. Akala ko dati ako na 'yon" biro ng Mama niya.



"Ma, thank you. Sa lahat lahat po, salamat"



"Walang anuman Anak. Magulang mo ako kaya ko ginawa iyang pinagpapasalamat mo"



"Basta Mama, salamat po"



"Itong bunso ko, dati rati patakbo takbo ka lang sa bahay, tatago kapag papaluin ko at uuwing umiiyak kapag inaway ng mga pinsan mo. Ngayon, ikakasal ka na" Ngumiti lamang si Ara bago yumakap sa bewang ng mama niya.



"Maging mabuti kang asawa kay Thomas ah. Maging mabuting magulang sa a---"



"Ara!!" Sigaw ni Mika na nagtatakbo pa papasok habang buhat ang baby ko.



"Pinaiyak ni Kim, natakot yata kay Dora" natawa na lang ako sa sinabi ni Mika bago niya iabot sa akin ang anak ko na tumahan naman kaagad.


Akala ko dati ay kukunin ulit siya sa akin. Na matutulad sa nangyari kay Victoria pero ang lakas ng kapit niya sa akin.


Akala ko ay mawawala ulit ang baby ko dahil sa nakita kong dugo noong katatapos lamang namin magtraining at alam kong napagod ako. Para akong binuhusan nang malamig na tubig nung makita ko ang mapulang dugo sa suot kong underwear. Nagpadala kaagad ako sa ospital at mas lalo akong kinabahan at natakot hindi lamang para sa kalagayan ko kundi sa kalagayan ng magiging baby namin ni Thomas na noon ay paalis ng bansa.



Naranasan ko muli yung pinagdaanan ko kay Victoria. Nahilo ako at sumakit ang tiyan. Mas lalong dumami ang dugong lumalabas sa akin kaya halos mawalan na rin ako ng lakas.



Himala kong masasabi ang nangyari dahil naging maayos kami. Walang nangyaring masama sa akin at sa baby. Mas naging hands-on si Thomas pati ang mga nasa paligid namin sa pag-aalaga sa akin at dumating na nga yung araw na nanganak ako.



Isang healthy baby boy.


Sinunod namin siya sa pangalan ni Thomas bilang iyon ang request niya. Malaking pasasalamat ko sa mga tumulong sa amin pati na rin kay Victoria na alam kong binantayan ang kapatid niya at hanggang ngayon ay ginaguide kami.



"Nakatulog agad Ara, akin na muna at mamaya nandyan na ang sasakyang susundo sa atin"



Binigay ko muna ang baby ko kay Mama para siya ang magbuhat dito. Ilang minuto pa ay pumasok si Papa para sabihin na dumating na ang sundo namin.


Maraming tao sa simbahan pagdating namin. Halos lahat ay kakilala ko at naging kaibigan namin ni Thomas.


Kumusta na kaya ang isang iyon? Kinakabahan din kaya siya katulad ko?



"Bumaba na tayo Anak" Pag-aya ni Papa sa akin. Nasa loob na lahat, ang anak namin ay buhat daw ni Mommy Jane sa loob.


"This is it Ara" bulong ko sa isip ko at pumuwesto sa labas ng pinto sa simbahan.


Pagbukas pa lamang ay namangha na ako. Isang hakbang pa lamang ay naluluha na ako. Sinabayan pa ng wedding song namin na mas lalong nagpaganda ng moment na ito.



No Reason To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon