Fifth Set

1.4K 33 7
                                    

Nasa hospital kami ni Ara ngayon, sinamahan ko kasi siya sa check-up.

"Normal lang ang nararamdaman mo Ara, yung morning sickness plus ang pagiging antukin are part of your pregnancy kaya ikaw naman Daddy, alagaan mo si Mommy" napatawa naman si Ara.

"May nasabi ba akong mali?" tanong ni Doc Sara.

"Complicated po kasi ang situation namin Doc" depensa ko.

"Ah I understand" mukhang gets naman ni Doc. "By the way, Ara alagaan ang sarili and eat healthy, wag masyadong magpagod"

"Yes po Doc" magalang na sagot ni Ara.

"Bumalik kayo dito next month, dapat palaging magpacheck up" madami pa siyang binilin sa amin at after that ay umalis na kami.

"Ah Thomas pwede mo ba akong samahan?" request ni Ara.

"Saan naman?" pinagbukas ko siya ng pinto ng sasakyan.

"Pumayag ka muna" ano bang naiisip nito? Mukhang importante yung lakad niya.

"Saan nga kasi?" pag-ulit ko at pumasok na rin sa kotse

"Sa training ng dating teammates ko" pag-amin niya.

"At bakit naman tayo pupunta dun? Maglalaro ka ulit? Hindi naman ako papayag. Pumayag na nga akong mahirapan magback and forth from Manila to Pampanga, wag lang ikaw ang mapagod tapos babalik ka ulit sa volleyball" katwiran ko.

"Eh sino bang nagsabi sayo na babalik ako sa paglalaro?" naiirita niyang tanong.

"Ikaw. Ano sa tingin mo ang pwedeng dahilan kung bakit ka pupunta sa training niyo bukod sa magpadraft ulit. Ayoko Ara, mas uunahin ko ang safety niyo ni Baby" iritadong sagot ko.

"Bakit galit ka?" singhal niya.

"Eh paano ba naman? Mas uunahin mo pa yung team kesa kay Baby"mataas din ang boses ko sa pagsagot sa kanya.

"Gago ka naman pala eh" hinampas niya ako sa braso.

"Bat nanakit ka?" akmang gaganti palang ako pero...

"Ano gaganti ka?" pagbabanta niya sakin.

"Baliw hindi, ilalagay ko ang seatbelt mo" pero deep inside gusto kong gumanti.

"Kung hindi ka lang buntis" bulong ko.

"Anong sabi mo?" sungit talaga nitong buntis na 'to.

"Wala sabi ko uuwi na tayo" kung suplada siya, pwes may suplado side din ako.

"Dumaan nga kasi muna tayo sa gym" parang bata niyang request.

"When I say no, NO" pagtatapos ko at nagsimulang ang magdrive.

Hindi na siya nagpumilit at hindi na rin niya ako ginulo.

"Gutom ka na ba? Gusto mong daan tayo sa drive thru?" hindi siya sumagot. Ganito ba talaga kapag buntis, may pagka-abnormal.

Kahit di siya sumagot ay dumaan pa rin ako sa McDo.

Masyadong madami sa drive thru kaya mas pinili kong sa loob mag-order. Iniwan ko muna si Ara sa kotse.

Mas mabuti na rin siguro 'to dahil baka may makakita sa amin. Hindi pa kasi alam ng karamihan ang tungkol sa amin.

Pagkatapos kong mag-order ay bumalik na ako sa kotse.

"Bumalik ka nga dito sa harap Ara. Hindi mo ako driver,  ang gwapo ko namang driver" hindi niya pa rin ako pinansin at nanatili siya sa backseat. Napailing na lang ako.

"Moody talaga" inabot ko na lang sa kanya yung inorder ko kanina. Nagdrive na ulit ako habang kumakain.

"Hindi ka ba talaga kakain?" nakakabingi na dito sa kotse dahil kahit dalawa kami parang hangin lang ang kausap ko.

No Reason To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon