Twenty Fourth Set

911 32 7
                                    

"Dito pala kayo nagtetraining?" Sabay silip ni Thomas sa labas ng gym.


"Oo, nakikipagtune up kasi kami minsan sa Spikers. Since students pa sila, F2 na lang nag-adjust"


"Wala bang boys diyan" natawa naman ako sa sinabi niya. Umaandar na naman ang pagiging seloso niya.

"Meron"

"Ara!"

"Hahahaha siyempre meron yung coaches namin"


"Given na iyon, what I mean is yung boys na pwedeng pumorma sayo diyan sa loob" medyo inis na sabi niya. Ang cute niya lalo kapag naiinis siya.


"Sus! Selos ka naman kaagad diyan"


"Mahirap na baka maagaw ka pa. May pumorma lang talaga sayo diyan di ako magdadalawang isip na bumalik dito sa gym at saktan iyong lalaking aagaw sayo" medyo kinilig naman ako sa sinabi nitong chinito sa harap ko.


"Wala iyan, nasa iyo na rin naman ang loyalty ko"


"Yan ang gusto ko sayo Ars" at nakipaghigh five pa siya sa akin.


"Sige na, pasok na ako sa loob. Ingat ka sa pagdadrive, text mo ako kapag nakarating ka na rin sa training niyo" tumango lang siya bago bumitaw sa kamay ko.


"Ingat ka sa training Ars, i-text mo ako pag natapos na kayo para malaman ko kung masusundo ba kita"


"Opo, Boss Thomas" paalis na ako nang abutin niya ulit ang kamay ko. Ngumuso siya kaya nagtaka ako.


"Anong hmm?" Sabay gaya ko sa kanya.


"Naman eee. Inaasar mo ba ako? Yung kiss ko? Wala manlang thank you kiss sa paghatid ko sayo? Pa-goodluck kiss sa training mo at training ko? Or good bye kiss kasi maghihiwalay muna tayo pansamantala" tinawanan ko naman siya sa pagkairita niya.


Pinasok ko ang ulo ko sa bintana ng kotse niya.


"Ingat ka Pogi" humalik ako sa magkabilang pisngi niya.


"Dito pa" sabay nguso ulit niya. Mabilis ko lang siyang hinalikan sa labi na kaagad nagpawala sa mata niya. Abot tenga ang ngiti ng chinitong ito.


"Ingat Ars" nagflying kiss pa siya bago umalis.


Sinundan ko ng tingin ang kotse niya bago ako pumasok sa gym.


"Ate Ara!!!!" Sigawan ng spikers bago nila ako dumugin.


"Grabe, namiss ka namin Ate!!" Di naman halata kay Aduke na nakayapos sa braso ko.


"Hi Ate Ara!!" Sinalubong pa ulit ako ng F2 family ko.



"Maka-ate naman kayo sakin"


"Saan ka ba nagsuot Ara? Aba! Wala ka manlang paramdam nitong nakaraan" pauna ni Ate Aby. Dinala ko muna sa bench ang gamit ko bago nakisabay sa pagwa-warm up.


"Nagbakasyon lang ako"


"Saan? Bakit di mo kami sinama? Ganyan ka na Ara! Nagsosolo ka na" may halong pagtatampo na sabi ni Kim.


"Di bagay sayo Ate Kim!" Entra ni Kianna. "Pero saan ka nga ba galing Ate?"


"Nagbakasyon nga. Ang kukulit niyo!"


"Asus! Ayaw pa magkwento. Simula ng pumasok ka sa gym na ito hindi mawala-wala iyang ngiti sa labi mo" sumimangot naman ako pero binatukan ako ni MotherF.


No Reason To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon