Fifteenth Set

926 30 8
                                    

"Mama kamusta na po si Ara?"

"Ganon pa rin Thomas. Matamlay, malungkot, minsan na nga lang kumain tapos sobrang konti pa. Nag-aalala na nga ako at baka siya naman ang magkasakit"

"Pakisabi na lang po na dadalaw ako diyan bukas. Aasikasuhin ko lang po yung sa condo at ang game namin"

"Desidido ka na ba talagang ibenta ang condo mo Thomas?"

"Opo, kada pumupunta po ako dito naalala ko lang lahat"

"Pero diyan kayo nagsimula ni Ara"

"Pero dito din po natapos ang buhay ng baby namin at kung iuuwi ko si Ara dito baka maalala rin niya ang nangyari"

"Kung yan ang desisyon mo ako ay hindi na tututol. Mag-ingat ka diyan Anak"

"Opo Ma, pakibantayan po muna si Ara"

Inayos ko na ang mga gamit namin dito sa condo ko. Pati na rin ang kwarto ni Baby Victoria ay nailigpit ko na.

"Sigurado ka na ba talaga, Thomas?" Inabutan ako ng can beer ni Kuya pero tinanggihan ko.

"Oo, para kahit papaano makapagsimula na akong kalimutan ang lahat"

"Alam mo hindi mo naman kailangan kalimutan lahat, isantabi mo yung malulungkot, masasakit tapos isipin mo lang ang masasaya niyong memories dito"

"Mahirap Kuya, sobrang hirap. Nagsisimula na ang lahat eh, ready na ako sa lahat pero nangyari pa yun" may panghihinayang sa boses ko.

"Wala naman tayong dapat sisihin at palagi mong tandaan na hindi dapat ipinagdadamot ang buhay sa nagbigay sayo ng buhay. Marahil malungkot tayo sa pagkawala ng first baby niyo pero isipin na lang natin na masaya siya sa taas. Masaya na siya"

"Pero sana mas napasaya ko siya Kuya" naluluha kong saad. Inakbayan ako ni Kuya at tumingin kami sa malayo.

"Bakit hindi mo simulan kay Ara ang lahat? Idaan mo kay Ara ang pagpapasaya na gusto mong ibigay sa baby niyo"

"Alam mo namang ipinagtatabuyan na ako ni Ara diba?"

FLASHBACK...

"Ara kumain ka na" nasa harap kami ng hapag-kainan pero tulala lang siya.

Ang lungkot niya.

Ang lungkot lungkot niya.

Maputla ang labi, pugto ang mata at malayo sa Ara na nakikita ko dito sa condo na makulit at palagi akong inaasar. Palagi akong inaaway.

"Ara kumain ka na, please"

"Ayoko"

"Please!"

"Ayoko nga"

"Tulungan mo naman ang sarili mo Ara, alam ko masakit at mahirap tanggapin pero kailangan nating bumangon Ara!"

"Ayoko nga!!! Ayokong tanggapin na wala na siya, ayoko ang salitang wala na ang baby ko na nasa loob ko ng limang buwan. Hindi ko matanggap ang nangyari Thomas" sagot niya at nagsimula na namang umiyak.

"Pero wala na talaga, kinuha na siya sa atin"

"Kung ikaw ang dali mong bumitaw sa anak natin pwes ako hindi. Masakit sa akin Thomas!!!. Sobrang sakit kasi nasa akin siya. Ako dapat ang mas nag-ingat sa kanya pero wala eh. Napabayaan ko" umiiyak na saad niya

"Wag mo na kasing sisihin ang sarili mo" niyakap ko siya at pinigil ang pag-iyak. Kailangan kong maging mas malakas at matibay sa harap ni Ara.

"Kasalanan ko. Nagpagod ako, nagpastress ako sa trabaho, nakalimutan ko siya kaya iniwan niya tayo. Kasalanan ko lahat"

No Reason To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon