Tenth Set

1.2K 41 3
                                    

"Jun, Ara. Mag-ingat kayo dito at kami ay aalis na" bilin ni Mama.

"Yes Ma, akong bahala sa buntis na 'to" sagot ni Kuya Jun. Pansin ko medyo blooming siya, posible kayang nagkabalikan na sila ni Ate Sia.

Ang daya naman,for the second time naunahan ako ni Kuya na magkaroon ng partner.

"Sige na nga basta Ara alagaan mo ang sarili mo lalo pa at wala si Thomas"

"Ma, nandito naman ako eh. Hindi niya kailangan si Torres" segunda ni Kuya.

"At bakit hindi? Si Thomas ang daddy ng baby niya,may karapatan siya" sagot naman ni Mama.

"Daddy siya, kapatid ako. May karapatan din ako" ayaw talaga patalo. Ginagalingan ni Kuya.

Nagpaalam na sila Mama kaya kami na lang ni Kuya.

"Maglinis ka sa kusina pati dito sa sala at nang kwarto. Magbabasketball lang ako" utos niya sakin.

"Kuya, isusumbong talaga kita kay Mama. Kaaalis lang nila inaalila mo na ako" sagot ko.

"Aba hoy buntis..."

"My name is Ara" masungit kong sagot.

"Aba hoy Ara may bisita kang dadating diba? What do you want? Ako pa maglinis eh hindi ko naman bisita ang dadating" may point naman siya pero---.

"Dati naman di ka ganyan ah. Tumira ka lang sa bansot na yun, naging tamad ka na"

"Maka-bansot ka naman Kuya, maglilinis na nga ako baka puro pambabash marinig ko sayo eh"

"Good girl"

Past 10am, dumating na ang mga house invader este ang bullies pala.

As usual puro chika at kwentuhan lang.

Ang dami kong nalaman.

Si Mika and Jeron official na.

Si Carol malapit na daw sagutin si Pao. Nagkasundo ang dalawang kalog.

Ang kambal happy sa kanilang respective partners.

Si Kim. Maitim pa rin. Hahaha joke. Wala pa rin daw siyang lovelife focus muna daw sa volleyball.

Chikahan all day lang kami hanggang gabi.

Dahil pupunta si Kuya sa Manila the next day, kila Mika na ako sumabay. Balak ko kasing gumala kila Tita Jane.

Busy silang lahat ng dumating ako, mabuti na lang hindi ako iniwan ni Tita Jane.

Ang dami na naman niyang tinuro sa akin.

"Kunsabagay, isama mo pala ang Kuya mo sa Sunday para makilala na agad niya si Thomas"

"May lakad po si Kuya sa Sunday eh baka po di na sila magkita" Ewan ko sa Kuya ko, tanggap na niyang buntis ako pero si Thomas, ayaw niya.

"Ganon ba? Dalhan mo na lang siya nitong niluto ko at baka magbago ang isip" natawa na lang kami ni Tita. Knowing Kuya Jun, hindi madaling magbago ang isip niya.

Tinulungan ko na lang si Tita sa paghahanda ng pagkain. Kung ano-ano pang napag-usapan namin tungkol kay Thomas.

Dumating ang lunch, wala akong nagawa kundi kainin ang nakahanda kahit medyo nahilo ako sa amoy dahil sa dami ng pagkain.

Ayoko namang magpakachoosy sa harap ni Mommy este Tita.

Nakipagmovie marathon din ako sa mga kapatid ni Thomas. Ang saya nilang kasama.

"Kung sakaling nandito si Thomas, siguro mas masaya" bulong ko.

"Ay oh si Ate Ara, tulala pero nakangiti. Si Kuya nasa isip mo 'no?" pang-aasar ni Thirdy.

No Reason To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon