Seventh Set

1.8K 41 12
                                    


"And after training, ihahatid kita sa dating dorm niyo kasi kailangan ko pang ipa-check yung thesis ko for finalization. Kapag natapos ko kaagad, I will text you para sunduin ka. I will try my very best na makasabay ka maglunch" kanina pa siya dada ng dada dito sa loob ng kotse. Isasama niya kasi ako sa La Salle dahil wala akong kasama sa condo niya. Kaya ko naman pero talagang mapilit siya.

"Nakikinig ka ba?" tanong niya.

"Oo naman" nag-aalinlangang sagot ko.

"You are not good in lying Ars" iiling-iling pa siya.

"Eh kasi naman simula pa lang ng byahe puro ka na bilin. Kaya ko naman sarili ko Thom"

"Mas mabuti na yung palagi mo akong kasama or may magbantay manlang sayo, ayoko ng maulit ang nangyari nung nakaraan" kasi naman bigla na lang akong nahihilo tapos palagi ng masama ang pakiramdam ko. Sabi ng doktor parte daw talaga ito, pero grabe naman itong part na ito.

"Mag-iingat na ako, promise" parang bata kong sagot.

"Sinabi mo na rin yan sakin dati pero anong nangyari" sinermonan niya lang ako. Okay lang sanay naman ako hahaha.

"Sila na ba?"

"Ang alam ko nabuntis niya"

"Eh bakit ang sweet nila kung wala lang yan"

"Baka naman bitter lang yung dati at hindi matanggap na may bago na"

Rinig na rinig ko ang bulungan habang naglalakad kami ni Thomas.

"Ano ba alisin mo nga yan!!" takpan ba naman yung mga tenga ko.

"Focus on walking, hindi yung nakikinig ka sa kanila" napansin pala niya. Ngayon ko lang nalaman na dumadami na rin pala ang chismosa dito sa Taft, akala ko dati teammates ko lang.

"How can I focus kung nandyan 'yang kamay mo? Mukha akong alien, ano ba?" tatawa-tawa naman siya bago inalis ang kamay niya.

"Ang cute mo namang alien" hayan na naman siya sa mga hirit niya.

"Che" magkasabay lang kaming naglakad pero hindi pa rin talaga tumitigil yung mga chikadora.

"May problema ba tayo?" nagulat ako nang biglang tumigil si Thomas sa paglalakad at hinarap yung ilang estudyante.

"Oh ngayon hindi kayo makapagsalita. At pwede wag niyo kaming pagchismisan cause you know nothing" ma-awtoridad at seryoso niyang saad.

"Wag mo na silang patulan" pigil ko. Tumingin lang siya sa akin at muling ibinalik ang atensyon sa kausap niya.

"Kung wala kayong magawa, pwes wag kayong manggulo sa mga taong hindi niyo kilala" hinila na ako ni Thomas palayo at hanggang sa gym ay naging tahimik siya.

Pinapanood ko lang sila habang nagwa-warm up. Seryoso pa rin siya.

Kung bakit kasi pinatulan pa niya yung mga taong yun?

"Uy wag ka nang ano diyan" saway ko sa kanya.

"What?" masungit na tanong niya.

"Yan wag ka nang ganyan. Bahala ka baka pagalitan ka ni Coach kapag naka-affect yan sa performance mo. Smile ka na" tumahimik lang siya.

"Smile na kasi" pilit ko.

"Daddy Thomas, magsmile ka na kasi" pang-aasar ng teammates niya.

"Ay oh baby si Daddy ayaw magsmile" sumbong ko sa baby namin.

"Oo na" nagsmile naman siya at pinagtawanan namin siya. "Bakit?"

"Ang pangit kapag pilit hahaha" natawa na rin siya sa kalokohan niya. "Sige na nga, magtraining ka na"

No Reason To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon