First Set

2.2K 29 0
                                    

Bakit nga ba may mga taong single? Takot lang ba silang masaktan at masaktan ng paulit-ulit. Natatakot sumugal dahil baka sa huli ay matapos rin ang iniingatang relasyon. Madissapoint dahil hindi nila matanggap na yung pinapangarap nilang mangyari ay hindi na matutupad.

O sadyang ayaw lang pumasok sa tinatawag nilang "Commitment"

Ako, sa sitwasyon ko, kaya siguro ayaw ko na munang pumasok sa isang relasyon ay dahil takot na akong magcommit lalo pa at masasaktan din lamang ako.

Mas pipiliin ko ng maging single muna. Walang abala, walang gastos sa tuwing monthsaries at anniversaries,at higit sa lahat malaya kong magagawa ang gusto ko. Walang sakit na mararamdaman basta malaya ka. Mae-enjoy mo ang buhay dahil wala kang inaalala.

"Whoooaaaahhh Party! Party" sigaw ng DJ kaya naman mas naging hyper pa lalo ang mga tao dito sa loob ng club.

Sayaw dito. Sayaw diyan. Basta lahat masaya at walang problema.

"Ara hindi ka pa ba lasing" tanong ni Mika. Kasama ko kasi ang bullies ngayon plus yung mga boyfie nila.

"Ano ka ba Mika? Tatlong bote pa lang nauubos ko lasing agad? Bakit hindi yung boyfriend mo ang tanungin mo?" sagot ko sabay nguso sa kinalalagyan ni Jeron. Kukuha lang daw ng drinks pero napapalibutan na ng mga babae.

"Don't mess with Mika Reyes" saad ni Daks at nagtungo sa kinaroroonan ni Jeron.

"Sino maghahatid sa'yo Ara?" tanong ni Kim. Kami na lang ang natitira dito sa table dahil busy na silang lahat sa dance floor.

"I can handle myself Kimmy"sagot ko at inaya rin siyang magsayaw.

Kami na lang dalawa ang single sa bullies pero tanggap namin yun. Si Kim wala pa lang matipuhan at ako ayoko pa talaga sa commitment. Di pa ako handang masaktan ulit.

Ine-enjoy namin ang sayawan nang bigla kong maramdaman ang hilo kaya sumaglit muna ako sa CR.

Nagretouch at nag-ayos ng sarili. Nakakarami na nga siguro ako ng inom, after three months ngayon na lang ulit ako nakatikim ng alak. Pinagbawal kasi ni Coach dahil on-going pa ang league.

Pero ngayong tapos na, bumabawi kami ng bullies. Lumabas na ako ng CR pero ramdam ko pa rin ang hilo.

"Oh Ma'am okay lang po kayo?" tanong ng isang waiter na nakasalo sa akin.

"Medyo tipsy lang ako Kuya, salamat po" humakbang ulit ako pero hilong-hilo na talaga ako.

"Mabuti pa po dalhin ko na kayo sa barkada niyo" alok niya pero agad kong pinigilan.

"Kuya patulong na lang po papuntang parking lot" ayoko rin namang mag-alala yung barkada sa akin plus pigilan ang saya nila.

"Alin po ba diyan ang sasakyan niyo?" mabuti na lang at mabait si Kuyang Waiter. Kilala na rin naman kami dito dahil kapag usapang bar sa kanila agad kami pumupunta.

"Dun sa red Kuya" siya na rin ang nagbukas ng pinto ng sasakyan at inalalayan ako papasok dito.

"Salamat po ulit"inabutan ko siya ng tip at nagpahinga muna sa sasakyan ko. Medyo iba ang amoy sa loob, siguro dahil na rin sa alak na nainom ko kaya pati pang-amoy ko naapektuhan.

Kinapa ko ang manibela dahil medyo tipsy at the same time inaantok na rin ako pero hindi ko mahanap. Wala pala ako sa driver's seat.

"Hindi ka pwedeng magdrive kung ganyan ang sitwasyon mo"bulong ng isip ko kaya sa halip na magdrive pauwi ng condo ko ay binuksan ko na lang ang radio at umidlip.

Naalimpungatan ako dahil parang may gumagalaw. Ang ganda pa naman ng panaginip ko, naputol lang.

"Nahihilo talaga ako" bulong ko na naman sa isip ko dahil pati paligid ko tila gumagalaw din.

No Reason To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon