Fourteenth Set

1.2K 38 9
                                    

Nasa kalagitnaan kami ng byahe ng biglang sumakit ang tiyan ni Ara.

"Dumaan muna tayo sa hospital,masakit ang tiyan ko"

"Thomas!!"

"Thomas!!"

"Thomas!! Bakit ba tawa ka ng tawa? Kainis 'to"

"Sabi ko naman sayo diba hinay-hinay sa pagkain"

"Eh masarap nga kasi pero seryoso sumasakit ang tiyan ko"

"Lagot ka kay Doc Sia, kinakabagan ka na naman yata" Dumaan kami sa isang bukas na mall.

"Gago sabi ko sa hospital"

"Ilabas mo na yan Ara" natatawang saad ko. Inalalayan ko siya palabas ng sasakyan at naghanap ng comfort room.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas din siya.

"Success?"

"Gago!!! Nasobrahan yata ang kain ko plus tawa pa ako ng tawa kanina" sagot ni Ara.

"Nahiya ka pang umamin sa akin" pang-aasar ko.

"Loko wala naman talagang lumabas. Tara na nga baka mahuli tayo sa shoot" Pinagpahinga ko na lang muna siya sa sasakyan dahil for sure puyatan kami mamaya.

Mag-aalas dose na ng madaling araw nang matapos kami.

Ala una na kami nakauwi.

"Thom, kinain mo ba yung yogurt dito sa ref?" Napalunok naman ako.

"Yata?" Sagot ko pero kinain ko talaga.

"Anong yata ka diyan? Kakainin ko pa naman sana"

"Gutom ka na naman ba?"

"Craving lang" with that word alam ko na ang gagawin ko.

"I'll be back before two,ilan ba gusto niyo ng baby ko?"

"Okay na siguro yung three pero sobrahan mo na rin para sa next days" bilin niya.

Kaagad akong bumili at inaabot ka nga naman ng kamalasan walang stock sa malapit na convenience store.

Bago mag-alas dos ay nakabalik na ako pero tulog na siya sa sofa.

Nilagay ko na lang sa ref ang yogurt niya at ginising siya.

"Ara, Ars lipat ka na sa kwarto mo"

"Hmmm" sagot lang niya.

"Lipat ka na, mas komportable dun" tumatango-tango siya pero nakapikit pa din.

Wala na akong nagawa kundi buhatin siya papunta sa kwarto niya.

"Morning na pero matutulog pa lang ako, tayo. Good mornight baby girl, Daddy loves you. Ganon din sayo Ara, I love you" hinalikan ko ang baby bump at noo niya. Inayos ang kumot niya bago lumabas ng kwarto niya.

The next day.....

"Bumangon ka na diyan, bili mo ko ng mangga. Bilis na" ginigising ko ngayon si Thomas.

Aba napakatulog mantika.

"Hmmm tawagan mo na lang si Cienne" sagot niya.

"Hoy bastos ka ah. Dinadamay mo pa yung kaibigan ko dito"

"Diba nga sabi mo hugis mangga yun" agad ko siyang hinampas ng unan. Napakadaldal eh.

"Bumangon ka na diyan. Bilisan mo na" utos ko at pinipilit siyang bumangon.

"Ayoko pa, its too early" Nga naman, 5:30 am pa lang.

"Thomas naman eh" hinila-hila ko pa siya nang biglang maalis yung kumot niya.

No Reason To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon