Fourth Set

1.3K 38 0
                                    

May dalawang pulang linya ang PT niya, positive.

"Buntis ako Thomas" saad niya pero hindi siya nakatingin sa akin. Pansin kong umiiyak na siya.

"Paano?" yun ang unang lumabas sa akin.

"Gago ka ba?!!! Tinatanong mo pa talaga kung paano? Malamang nagbunga yung nangyari sa atin" may galit na sagot niya sa akin. This time, nakatingin na siya sakin.

"Sorry!" niyakap ko siya at mas lalo siyang umiyak. "Hindi ko sinasadya, Ara"

Ito na ba yung sign na hinihingi ko.

Pinatahan ko siya pero hindi ko magawa kaya naman ang mama na niya ang gumawa nito.

Tinawag ako ni Daddy para sa usapang lalaki daw.

"Sir, I'm very sorry po. Kung idedemanda niyo po ako, handa po ako" paghingi ko ng despensa sa tatay ni Ara.

Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.

"Tito, hijo" pagtatama niya sakin. "Wala naman tayong magagawa, nandyan na yan"

"At ang magagawa na lang natin Anak ay itama yung pagkakamali niyo" suggest ni Daddy. Hindi siya galit sa nagawa ko.

"Sorry rin Dad, alam ko marami kang plano sakin" napatungo ako, nahihiya ako dahil nadissapoint ko siya.

"Ayos lang Anak, marami ka ng napatunayan and this time may gusto akong patunayan mo" tumingin ako kay Dad. "Maging mabuti kang tatay, papa at daddy sa magiging anak mo"

"Dad...."

"Kailangan nating itama 'yang pagkakamali niyo, kung kailangang pakasalan mo siya ngayon din Anak, gawin mo" suhestiyon ni Daddy.

"Pero ayaw ng anak ko" sagot ni Tito.

"Po?" ako.

"Alam naman nating wala kayong relasyon ni Ara diba? at yun ang dahilan niya. Hindi niyo mahal ang isa't isa at ayaw niyang maging hadlang siya sa gusto mo sa buhay" paliwanag niya.

"Pero kailangang maging ama ni Thomas sa baby niya" sagot ni Daddy.

"Magagawa mo namang maging isang mabuting ama sa baby niyo kahit hindi kayo kasal ng anak ko, diba?" tanong niya sakin.

"Pero Tito.." hindi pagsang-ayon ni Daddy.

"Mahirap pumasok sa sitwasyong walang kasiguraduhan at ayokong dumating ang panahon na isisi nila sa bata kung bakit hindi nila kasama ang totoong mahal nila" dagdag pa ni Tito.

"Dad, tama naman po si Tito eh" sagot ko. "Mahirap pong sumugal at malay niyo po sa mga araw na magkasama kami, matuto rin po naming mahalin ang isa't isa"

"Pero Thomas, hindi mo kasi naiintindihan. Ano na lang iisipin ng ibang tao? Huhusgahan nila kayo, tayo." tugon ni Daddy.

"Wala po akong pakialam sa kanila. Gustuhin ko man pong sundin ang utos niyo pero paano naman po si Ara. Ayoko naman pong pilitin siya at baka po makasama pa sa kanya and worst sa baby" pagpapaliwanag ko.

Maayos naming pinag-usapan ang lahat pati na rin ang magiging set-up namin.

"Mommy, Tita, can I talk to Ara po?" kung may boys talk kanina, sila nagka-girls talk naman.

Naintindihan siguro nila kaya pinayagan at iniwan nila kami sa sala.

"Ara" lumayo siya sakin. "Alam ko may sama ka ng loob sa akin pero alam mo rin naman diba? Na parehas nating hindi alam ang nangyari. Ngayon pa lang nagso-sorry na ako sayo at hindi naman yun sapat dahil nagbunga na ang isang gabi nating pagkakamali"

"Ara" hinawakan ko ang kamay niya. "Wag kang matakot sakin, hindi naman kita iiwanan. Hindi kita tatakbuhan"

Tumingin siya sa akin. Nakita ko na naman ang magaganda niyang mata na pumukaw sa akin ng gabing iyon. Ngunit iba ngayon, may halong lungkot ang mga mata niya.

"Paninindigan ko siya Ara, I will be the best father to our baby" tumulo na naman ang luha niya.

"But, nag-aaral ka pa and athlete ka rin.Ano na lang ang sasabihin ng iba?" tanong niya.

"Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Ang gusto ko lang ay gawin ang dapat" sagot ko.

"At isa pa, ga-graduate na ako this April. Makapaghihintay naman ang basketball diba? Wag ka ng malungkot, hindi ko naman kayo pababayaan" pagpapagaan ko ng loob niya.

"Yung girlfriend mo, paano siya?" tanong niya."Oo, alam ko na may girlfriend ka"

"After nung nangyari sa atin, nawala na rin siya Ara" ako.

"Sorry, kasalanan ko pala" tugon niya.

"No, it's not your fault. Nagkakalabuan na kami dati, nanghingi siya ng space at hindi bumalik. Then when she found out na sinisira ko ang buhay ko, she came back. We argue and that night she told me na pag-uusapan daw namin yung samin sa ibang araw. Pumayag ako so we just enjoyed the party and yun ang dahilan kung bakit lasing na lasing ako that night" kwento ko.

"Tapos?"

"Hindi ko na namalayan na iba pala ang kasama ko sa kotse pati sa condo. My driver told me after the incident na hindi daw talaga si Arra ang kasama ko at ibang babae which is you. Nagtataka pa nga ako because si Paul ang nagdala sayo sa loob ng room pero hindi manlang niya napansin na ibang tao pala ang kasama namin" pagtuloy ko.

"Wala na kayo ngayon?" paninigurado ni Ara.

"Though wala pa naman official break up cause after the incident hindi na niya ako kinausap. Nalaman ko na nakarating sa kanya yung nangyari at alam mo ba kung sinong nagsabi?"

"Si Paul?" hula ni Ara.

"Oo, yung kaibigan ko na umagaw ng mahal ko" akala ko sa pelikula lang nangyayari ang ganon, yun pala pati sakin. Masakit dahil isa siya sa pinakamalapit kong kaibigan pero nagawa niyang agawin si Arra sa akin.

"Wag kang mag-alala, makakahanap ka rin ng babaeng mamahalin ka ng totoo. Yung taong nararapat sayo"saad ni Ara.

"Paano kung ikaw yun" biro ko kaya nahampas niya ako. "Joke lang"

"Baliw ka talaga, ni hindi nga natin kaibigan yung isa't isa at wala tayong love for each other" Ara.

"Then let's start again, Hi I'm Thomas Christopher Torres" inilahad ko ang kamay ko at tiningnan lang niya.

"Victonara Galang, Ara na lang" inabot niya yung kamay ko at ngumiti. "Ang corny, may ganito pa eh may nangyari na nga satin"

"Wag ka nang mag-alala, diba nga hindi kita tatakbuhan. I will accept my responsibility to our child" napangiti ulit siya. "Bakit?"

"Wala, I'm just surprised. I mean, hindi ko expected na ganito mo siya kadaling matatanggap"Ara.

"Hindi naman maaayos ang sitwasyong ito kung tatalikuran ko siya at wala naman siyang kasalanan in the first place" tugon ko.

Nag-usap pa kami ng mas matagal. Nalaman kong she's three weeks pregnant.

Sobrang natakot lang daw siyang ipaalam sa parents niya pati sa akin kaya natagalan ang pag-amin niya.

"Oh paano? Uuwi na kami hijo" paalam ni Tito.

"Ara kapag may kailangan ka just call or text me" bilin ko.

"Ayos Kuya, daddy na daddy"pang-aasar ni Kath.

"Babalik naman kami dito Thomas, pag-uusapan pa namin ang gagawin kasi nag-aaral ka pa so hindi pwedeng ikaw lang mag-alaga kay Ara. At hangga't maaari ayaw naming bumagsak ka dahil graduating ka na pala" segunda ni Tita.

"Hayaan mo Ara kapag nasettle na nitong anak ko lahat kami mismo ang pupunta sa inyo para sunduin ka" saad ni Mommy.

"Sige po" pumasok na sila sa sasakyan at umalis.

Kaya ko ba talagang maging best daddy sa magiging baby ko?

"Thomas, magbihis ka. We need to talk your coaches" utos ni Mommy.

Siguro mas mabuting ipaalam ko muna sa mga taong malalapit sa akin para mas madali akong makapag-adjust.

But, what if malaman ni Arra?

No Reason To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon