Chapter One:
“Oy Kiel! Bukas na entrance exam natin ah! – hahaha, ano nga ulit yung nilagay mo sa list mo?”
Kagabi pa sinabi sakin yan ni Cadi. Tae hanggang ngayon naaalala ko padin yan! – At ngayon? Entrance exam na namin talaga.
Entering into college is one of the hassle things in HS, andaming aayusing papeles, mga entrance shits na yan. Paguran sa pagpunta sa University na gusto mo. Ako pa naman yung tao na hassle free ang gusto.
Onga pala, ako si Kirsan Raiel Gatchalian. Nickname ko e Kiel. :D
Pikit. Gusto ko na matulog. GUSTO KO NA. Anakngtilapia naman e. – Shit. 3 am na. Hindi parin ako makatulog. -_-
Pikit ulit. Argh! Kelangan ko matulog. Entrance exam bukaaaas! Okay isa paaaa. PIKIIIIIIIIIIIIT.
Pag tingin ko sa orasan.. Shit umaga, na.. 6am na hindi pala ako nakatulog. Maganda yan! Lintek na USTET yan, bigla akong kinabahan.
Nang biglang may kumatok..
“Batch? Batch! HOY BATCH! Gising na!! Malalate na tayo pag di ka pa naligo oh! Anong oras naaa, pagong ka talaga!!”
Buuush. Ayan na si Batch. Sya si Cadi, Bakit Batch? – Ewan ko. Gusto nya lang daw. Haha. – Sya ang pinakabestfriend ko. Full name nya, Candice Ornella Gatmaitan. Cadi for short. May hand sign nga pala kami nyang si Batch. Yung parang sa My Amnesia Girl. Yung mag-aapir patalikod, oh, gets mo na? oo yan ngang naiisip mo. :D
To tell you seriously, MAINGAY YANG SI BATCH. Sobrang ingay.
Binuksan ko yung pinto habang nakasara yung mata ko. -_________________- Tangina naman, ba’t ganito, ngayon pa ako inantok!
*PAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAK!*
“ANG KUPAD MO TALAGA BATCH! Kagigising mo lang? Hoy Mister, paalala ko lang sayo ah, Antipolo tayo galing tapos punta pa natin eh UST! 6 na hoy, 9am ang exam natin. Dalian mo na maligo!”
Tinulak nya ako papuntang CR ng kwarto ko. Ayos ah? Makatulak. Bahay mo? – Tsaka, teka nga. UMAGA, SAMPAL AGAD? ANO YUN, ALMUSAL?
“Pwede ba Batch, lumayas ka nga muna dito sa kwarto ko. Umaga-umaga, talak ka ng talak eh! Yang bunganga mo, di na naman mapirme!!”
“Pssh! Mukha mo. Eh kung dinadalian mo na dyan diba? Nga pala, si Kuya Chino daw maghahatid satin sa UST ah.”
“Oo na, si Kuya Chino na. pero pwede baaaa! Lumabas ka na nga! Maliligo ako, tapos andito ka sa kwarto ko? Ayos ka din eh! Labas na!”
“Hihi. Ayoko! Manunuod muna ako ng TV sa room mo, tsaka, ang laki ng kwarto mo, may closet ka naman eh. Dun ka nalang sa closet mo magpapogi, antayin nalang kita dito..”
“Isa..”
“DALAWAAAAAAAAAAAA! Hahaha. Peram ako remote!”
“CANDICE ORNELLA GATMAITAN! LUMAYAS KA NGA DITO! MALILIGO NA AKO!!! Di ka makaintindi?”
“EH BAT KA SUMISIGAAAAAAAAAAW!!! Oo na! KIRSAN RAIEL GATCHALIAN! Full name din para intenseeee!”
Sinaraduhan ko na sya ng pinto. Tindi ng bibig eh. Minsan tong si Batch, nakakainis na eh. Sobrang ingay, sobrang bibo!
Naligo na ako at nagbihis. NagVneck ako na pula, actually gift to ni Batch nung Pasko last year. Then black pants and then Toms nalang na Gray. Pwede na to. Nagmamadali na eh. – AY! Yung dogtag na bigay ni Batch, suotin ko na nga. Ayos, para papogi. Joke lang syempre. Lumabas na ako ng kwarto, tapos bumaba para mag-agahan. Tapos yung mga tao sa sala, nakatingin sakin. Anong meron?
