Chapter 20 - Cadi's First Day

11 0 0
                                    

Cadi’s POV:

Maaga ang first class ko mga teh, 7am! Aba? Eh ang lapit ko lang kaya sa USTe, kaya GO NA KUNG GO! :”>

Nagkita kami ni Jetro sa Pav ng Beato. Medyo late sya nakarating kasi traffic daw. Eh pano natraffic eh taga condo lang naming sya diba? NGANGA!

“Uy. *hingal* sorry late! Traffic kasi sa may Pa-Lacson. Pucha. Amoy pawis agad!” – sabi ni Jetro.

Eeeeh. :”> OKAY LANG! ANG BANGO.. Hmmmm. Amoy.. amoy.. amoy KIEL? O_O Tsaka bakit to nakacivilian? O_O

“Eh? Traffic? Pa-Lacson? San ka galing? Tsaka bakit ka nakacivilian?”

“Sa Condo ko. Pucha talaga. Ang hassle ng LRT. Tanginaa! – civilian? Bakit? Pwede naman e. ikaw kasi excited mag-uniform.” – sabay pagpag ng damit para kunyare hindi mashado nalukot. -_-

O_O Clueless mga teh, LRT? Ano daaaaaw? Ah okay. Sige ako na excited.

“San ka ba nagcocondo? Hindi ba dito sa condo din namin?”

“Creep. Hinde. Haha. Condo ng tito ko yang sa malapit sa USTe. Pero sa may Taft talaga ako. DLSU dapat ako, remember?”

Oh. OPEN MOUTH TALAGA WITH SUPER TULO LAWAY PA. NGANGABELS! Ang buo kong akala, taga dun lang sya samin. Natawa nalang sya sakin kasi alam ko talaga dun mismo samin e. nahihiya nga ako lumabas ng condo kasi baka makasalubong ko sya.ANG FEELING KO TEH HA!

So, there, first subject.. WOW. Architecture Drafting agad? EXCITED LANG? Hehe. Ang saya kasi, ang bait nung prof namin, tapos todo kwento sya sa mga basics, mga kung pano magdrawing ng magandang building, mga lettering and stuffs. Cute! I love this course na.

Then, lunch break na. :”> Mga 10:30 natapos eh, next class pa namin eh 1 so.. mahaba-habang vacant ituuuuu! >.< buti nalang kasama ko si Jetro.

“Oy! Ano na Manang Cadi? Sa Mang tootz tayo?”

Medyo 11:30 na kami pumunta ng Mang Tootz, kasi siguradong mamayang around 12, sobrang dami na agad. -_- Natawa ako sa pagkakapronounce ng Z. feel na feel?  So ayun, P.Noval. buti wala pa masyado tao. Sabi kasi sakin nila kuya Chino, medyo madaming kumakain dito kasi nga mura. So there,  order kami. Then sabi ko, tikman nya yung bananarama! Ay grabe. Nung natikman na nya,umoder pa ng 5. -_- kakainin daw nya mamaya sa room. :D

Out of nowhere, nagtanong ang lolo Jetro.

“Nga pala Cadi, musta si Friendzone?”

O_O Sinong friendzone?

“Sino? Friendzone? Ano daw?”

“Tungaw. Si Kiel. Yung BEST FRIEND MO na naka-automatic FRIENDZONE SA SYSTEM MO!”

“Grabe ka ah. Ang hard mo dun. Hahaha. Well, si Kiel? Ano ba bago? Actually wala eh.ni hindi nga kami nag-uusap sa condo, parang wala eh. Parang hangin lang sya sa bahay.”

“Tangek! Baka naman inaantay ka nyang maunang kumausap sakanya?”

“Di naman kami nag-away or whatsoever. Pero, hello to earth people. Sya tong biglang tahimik nalang na naabutan kong nanunuod nalang ng NBA na ang ganda-ganda ng bati ko, hindi na ako kinausap that day. Then sunod-sunod na!! kainis kaya!”

“Nagpapamiss lang yun.”

“Miss his face.”

“Eh ba’t parang okay ka na? di mo na sya love?”

“ANG GRABE MO DUN. Puro ka pambubuko eh no!”

“Aminin mo nga,mahal mo ba talaga si Kiel?”

Nasamid ako people. Pengeng number. :D

“Ahem! Aheeeem! Ahem!! Ahem! Aheeeeeeem! Hayup ka! Aheeem! Loko ka! *inom tubig* sobra ka dun Jetro ah. Mahal ampuuuuta. – penge nga number, may naka-alala sakin! Hahaha”

“Nagpapaniwala ka pa dun e no. number 11.”

“HARD MO TALAGA JETRO. Pinag-isipan mo yung number na yun no para saktong K=11?”

“Kapal mo. Bakit, bawal na ba 11 sa Pilipinas ngayon? Tsaka bakit parang inis na inis ka pa kay Kiel? Ano ba ginawa sayo nun?”

“Wala. Parang.. basta!”

“Basta nalang kasi ayaw mo mag-explain? TAMAD.”

Tumayo na kami ni Jetro, kasi dumadami na yung tao. Pero bumili pa ng ice candy si Jetro.

“Ano na Manang? San na tayo? 1 pa klase naten eh.”

HARD NI JETRO HA. Bakit Manang? Mukha ba akong manang?

Dumiretso kami malapit sa field, yung mga upuan dun.

“Wait! Hey! Si Kiel yun oh!”

“San?” – sabay ngata ng ice candy.

“Kain ka kasi ng kain dyan eh! AYun oh!”

“Ah. Yun! Kita ko na. may kasama syang babae?”

“OH MY GOD. Sino yan?”

“Aba ewan ko sayo. Diba BESTFRIEND MO SYA! Dapat alam mo kung sino mga friends nya.”

“Eh nakashades yung girl eh! PANO KO MAKIKILALA!!!”

“EH BAKIT MO KO SINISIGAWAN! Peste! – edi lapitan mo..”

“Ayoko. Nahihiya ako. :[ baka makasira ako sa moment nila.”

“Bahala ka. Mala-NBI ka dyan pag dating ng panahon. Ikaw din..” – kumagat naman ngayon sa bananarama nyang binili kanina. Ang freak nito!

Napatingin nalang ako sa paa ko. :[ Ang wasted ko naman talaga oo. -_- hay nako!

“Ay drama! Ayoko sa lahat yung madrama eh! First day na first day oh, emote agad! Tss. Baka tropa niyo lang yun. Napaka-TH mo ah, parang kayo naman! Feeling nito.”

“Ewan ko sayo. Kaimbyerna -_-“

Umalis na kami at tumambay sa may bandang room.

May new friends naman na ako dito. Si Michelle, Kaila at Monds. Baka sila yung kasabay naming kumain bukas ni Jetro. :D

“Uy, diba sabay kayo pumasok? Boyfriend mo sya?” – tanong nitongsi Kaila. Tsimaks agad!

“Ah. Si Cadi? Girlfriend? Eh hindi nga ako pinanpansin nyan eh, buti nalang pumayag sya kanina sumabay sakin pumasok. Ang hard nun pre.” –  sabay suntok sa dibdib. Siraulo talaga nitong si Jetro. O.O pinagsasabi nito!

“So, may something sainyo?” – tanong naman ni Mich. Push mo yan teh,push it more!

“Hmmm. Secret. :D” – sabay alis sa pwesto namin papuntang CR.

Susundan ko sana sya kaso..

Hinatak ako nila Monds. Siraulo talaga yun. Papasok na daw prof namin, ay nako!

Then ayun, yung class namin was the boring  Contextual Salvation History. Walang katorya-torya. Nabagot ako. Si Jetro nga muntik na matulog. Tapos last class namin was  College Alegbra. NGANGA. Haha joke! Magaling yung prof naming yun kaya mas nagegets ko agad. Si Jetro puro ngiti eh, gets na gets nya kasi yung topic. Natapos class namin ng 5:30 at NGANGA TEH. Andami agad HM. :[

Freaky first day. Wazzup!?

Sweetest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon