Cadi’s POV:
Nagtext na si Jetro sakin. Garchitorena pala apelido nya? – So.. may tendency na makatabi ko sya sa cheating arrangement sa room if ever. Hehe!
Buong araw ko sya katext tapos nagkachat kami sa FB nung gabi after maglinis ng katawan. – Since si Batch ang toka sa hugas ng pinggan ngayon eh diretso na ako sa room at nakipagtext nalang kay Jetro.
Kanina habang kumakain kami ni Kiel..
** FLASHBACK
“Kain na Cadi”
Ang shit nito. Bakit Cadi nalang tawag nya sakin? HARSH MODE: ON.
“Okay Kiel.”
So habang kumakain kami, nagvibrate phone ko and nagreply ako agad.
Tapos naulit ng naulit yun habang kumakain kami..
“Hindi ba makaantay saglit yang katext mo? Sabihin mo kumakain ka!”
Ang sungit naman ni Koya! Hahaha. Tapos nagtext nga ako na saglit lang at kakain ako.
** END OF FLASHBACK
Sa tingin ko nga, good thing na nakilala ko si Jetro para kahit pano may iba naman akong makasama sa UST kasi for sure hindi ko naman lagi makakasama si Batch eh. Unang-una magkaiba kami ng course, pangalawa, hindi masyado swak yung sched naming dalawa para sa mga vacant.
Minsan naiiisip ko, what if si Jetro ay isang way ni God para hindi na ako lalong mainlove kay Kiel? Kasi diba, aminin niyo, lalo na sa mga readers na nainlove sa bestfriend, tapos hindi kayo sure kung sasapuhin kayo nung bestfriend nyo, parang hahanap nalang kayo ng way para hindi masira yung friendship diba? – Malay ba natin, si Jetro na pala talaga ang destined para sakin. Hahaha! – Ay ang landi ko, scratch that. Hahaha!
So nung gabi after ko nga maglinis ng katawan, kachat ko si Jetro sa FB..
“Cadi, if you don’t mind, medyo tinatamad na kasi ako magchat.”
O_O uhh. So, stop na agad? Okay fine. </////3 ang sakeeeet.
“Ah okay lang.. sige goodnight!”
“That’s not what I meant, can I call you? Para tuloy-tuloy usapan?”
O_O ---> ^______________^ akala ko naman hindi na kami mag-uusap. Hahaha!
So we started to talk around 9:30pm.. pinag-usapan naming kung bakit ba sa UST sya nag-aral, bakit Archi kinuha nya kung pasado naman sya sa CE. Tapos basta family matters and stuffs na alam niyo yun? Yung mga usapang for new friends, getting to know each other stage ba? Oo parang ganun.
Mga around 11:30pm, kinakatok ako ni Batch sa divider na matulog na daw ako. Pakielam mo baaaa. :”> moment ko to teh, pwede wag umeksena? Minsan lang eh. Charot.:”>
Ang cute kaya ng boses ni Jetro, ang gwapo. Lalaking-lalaki pero hindi sobrang laki. Hehe. Tapos, kanina nag-add na sya sakin sa FB super kilig to the bones. :””””””> Ayiiiie.:”>
Alam niyo ba yung feeling na may bago kang kakilala? Yung parang kung pwedeng buong araw mo sya kausapin, go lang? Yung tipong andami mong gustong malaman na kwento and stuffs. Hehe!
“Likes and dislikes tayo?” – sabi nya. Ano to segment? Hehe!
“Ikaw mauna Jetro! Haha! Ikaw nakaisip eh.”
“Hmm.. Sige. – So, umpisahan natin sa foods, I love kare-kare, putchero and pastas. Mahilig din ako sa coffee. Tapos medyo mahilig din ako sa mga nuts, kornik. Ganun hehe. -- Medyo marunong ako sumayaw pero palyado sa kanta. Haha. Gusto ko sa tao yung understanding. Sa babae, shempre gusto ko malambing, mahaba pasensya, appreciative, finds time to communicate din shempre. Artistic, simple sa porma, ayoko yung babaeng ang tagal magdecide. – ayoko din naman ng sobrang arte. At ayoko ng mayabang na tao, yung maangas na parang alam nya lahat pero walang kwenta yung utak, ang sarap ibenta. Hahaha! – Ayoko ng super choosy, tapos hindi naman yummy. Ay joke! Never mind sa yummy term. Ikaw naman! Ang haba ng sinabi ko a!”
O_________O magkapareho po sila ni Kiel!? I swear to you, ganyan na ganyan ang ayaw ni Kiel. Nagkatalo lang sa foods, kasi diba ayaw ni Kiel yung gulay and mga nuts? Pag kumakain nga kami ng putchero, puro sabaw at saging lang kinukuha nun eh.
“Hmm. Ako naman, mahilig din ako sa kare-kare, putchero lalo na yung madaming petchay, tapos sinigang. Medyo mahilig ako sa maasim like mango na may bangoong. Hehe! – gusto ko din milktea and pizza. Hindi ako masyado mahilig sa chocolates, swear. Matagal ko kasi sila maubos. Hindi ko alam bakit. -_- hehe, gusto ko yung mga taong maeffort, sweet din syempre, mahabang pasensya kasi makulit ako. May utak naman kahit pano, palangiti. Number sakin ang lalaking may respeto sa babae. Ayoko ng mayabang tapos yung super kapal ng mukha. Hiya-hiya din! Hihi. Ayoko ng mga paasa and stuffs like that. Feeling gwapo sobrang ayoko nun. Hehehehe! Lalo na kung hindi naman makita yung bakas ng kagwapuhan! Hahaha! Okay ang bad ko, scratch that. :”> hehe..”
Tawa sya ng tawa sa part na hindi naman makita ang bakas ng kagwapuhan. Anak ng teteng, ang sexy nya tumawa ha! Then natapos kami mag-usap around 2am na! grabe ang tagal naming nag-usap! Parang walang bukas eh no?
Ang sarap tuloy matulog lalo na’t kinilig ka bago matulog. Hahaha!
Nagising na ako around 10am na! hala!
Then lumabas ako sa room, nagmumog at nakita ko si Kiel, nanunuod ng NBA.
“Hi Batch! Goodmorning po! Hehe sarap ng luto natin ah!”
O_O hindi ako pinansin. Anong nangyayare?
“Hoy sungit.”
Hindi ako pinapansin? Grabe ah. Sinapian na naman to.
Tapos. Ayun nagtext na pala si Jetro sakin, hehe!
Kiel’s POV:
Buong gabi ko naririnig yung hagikgik nung BRAKUDA. As in BUONG GABI. Capital para intense.
Shempre iisa lang naman ang room namin at divider lang ang pagitan. Bwiset ng sobra pre. Hindi ako naiinis kasi maingay sya eh, sanay naman na ako dun. Ang kinaiinis ko e yung may pakanta-kanta effect pa sya dun sa kausap nya. Tapos narinig ko pa yung..
“Garchitorena surname mo? Okaaaaay! Seatmaaaaaaaaaate! Hehehe!”
Sarap surugin sa pwesto nya eh! Parang gusto kong sabihin sakanya na..
“HOY ALAS-DIYES NA! LUMALANDI KA PARIN! May bukas paaa! *sabay batok*”
Kaya lang hindi eh, kinatok ko lang sya at sinabing..
“tulog na batch! May bukas pa.. goodnight..”
Putek! Hayup! Andami naman na makakaclose agad eh, bakit ganito naman!
Natapos yung usapan nila around 2am. Dun lang din ako natahimik sa term na.. “Tulog na tayo! Goodnight!” – durog na durog ako eh, as in DUROG. Daig pa paminta eh.
Nung umaga, epekto ata ng inis ko, kala ko maidadaan sa tulog ang lahat, HINDI PALA. May after shock! – maaga ako nagising at nagluto ako agad ng almusal. Kahit halos ako na gumawa lahat kagabi, tagaligpit ng kinainan, tapos nagrefill ng tubig sa ref, nagpunas ng lamesa, nagwalis sa sala, ako na lahat! Ako na!
Nagising sya aroung 10am na. sakto namang NBA na nun para hindi halatang naiinis ako sakanya, nanunuod ako kunyare.. WATTAPERPEK!
““Hi Batch! Goodmorning po! Hehe sarap ng luto natin ah!”
Snob. Ayos! One point!
“Hoy Sungit!”
Snob. Damn good actor Kiel! Very good. 2 points!
Then, nagbeep na phone nya and..
Yeah. Talo ako ulit. Magkausap na naman sila ni Jetro. -__________- Loser.