Cadi’s POV:
Paglabas naming sa Mcdo, sobrang init. Di ko kaya yung ganun kainit. Grabe. Hanggang sa napasigaw si Kaila.
“Hala Jetro! Dumudugo ilong mo!”
“Ha? Ano daw?”
At boom, nagcollapse si Jetro. Ang init na pala nya, taas ng lagnat nya.
“Hala! Dalin na natin sya sa USTH!” –sigaw na naman ni Mond.
Pag dating naming ng USTH, sobrang nanginginig na kaming tatlong babae, binuhat ni Batch si Jetro, tapos inalalayan nalang ni Mond. Saktong may dumating agad na responde, buti nalang alerto din sila.
“Nyeta, kaya pala nananamlay si Jetro kanina pa sa room eh!” – sigaw ni Mond sa ER.
“Ano ba kayo, halos isang buwan ng dinadaing ni Jetro na lagi syang nanlalata!” – sabat naman ni Kaila.
“Ano kayo ng pasyente?” – tanong nurse samin.
“Kaklase nya po kami..” – sabi ni Kaila.
“Paki-fill up naman tong information sheet para in case alam namin. Sino pinaka-close nya dito?”
Nagtinginan sakin yung apat, like hello!?
“Siya po.” – sabay turo sakin ni Mond.
Napakagago. Kainis.
Edi shempre, ano pa bang magagawa ko? Edi sige! Fill up parin, may mga ibang bagay ako na hindi alam gaya ng blood type, address nila, contact number ng parents nya. Hay nako. Bakit kasi ako patinuro nitong mga to.
“Okay na po nurse.”
Maya-maya sumegway na si Kiel.
“Batch, una na ako. Balitaan mo nalang ako sa condo mamaya tungkol kay Jetro. May quiz pa kasi eh.”
“Sige Batch. Goodluck. Salamat din!”
Umalis na si Batch nun, then, after ko mag-fill up ng form, binigyan kami ng excuse letter nung nurse na nag-assist samin!
“HALA! Grabe mag-one na pala! Patay tayo nito.” – sabi ni Michelle.
Nag-paalam na kami sa nurse tapos binigay naming contact details namin, just in case. Tapos.. Hala sige! Karipas kami agad sa kotse ni Mond, buti nalang talaga dala nya to, kundi, matinding lakaran kami. Hahahaha!
Pagpasok namin ng kotse..
“Pano kaya to? Sana maging okay na si Jetro..” – sabi ni Kaila na medyo worried parin.
“Magiging okay din yun. I-uupdate naman siguro ng USTH yung parents niya.” – sabi ni Mond.
Nakatulala lang si Michelle, maya-maya nagtext. Kala mo may kakilala sa pamilya ni Jetro kung makaentra ng ganun eh. HAHAHAHA. Charot.
Pagdating namin ng room, sakto! Kasabay lang namin yung prof! hahaha. Shempre, bungad agad dito, yung attendance.
Hala sige, discuss lang Ma’am. Tapos sobrang worried ni Michelle kay Jetro, paulit-ulit syang tumitingin sa phone nya, baka sakaling mag-update sakanya.
Natapos yung isang subject, paulit-ulit parin yung ginagawa ni Michelle. Parang sobrang importante nung katext eh, kumukunot pa yung noo. HAHAHAHA. Baka siguro inaantay nya si Jetro magtext. Tapos, heto na..Dumating na yung last prof namin. English. Eh puchat, may surprise quiz pala.
“Asan pala si Gatchitorena?” – sabi nung Prof.
“Nasa USTH pa ma’am.” – Sabi ni Michelle.
