Jetro’s POV:
Halos isang buwan na din ang nakakalipas, ewan ko ba parang biglang naging ilap sakin si Cadi. Mula nung nag-anniversary sila ni Kiel, ayun na, dun na nagsimula yun. Medyo nakakapanibago nung una shempre kasi, alam niyo naman ako, si Cadi lang naman kinukulit ko sa room, tapos ngayon ang kasama ko nalang lagi si Michelle.
Si Michelle, epal lang talaga minsan. Nagkataon lang kasi na crush nya ako kaya siguro ganun talaga umasta. – Pano ko nalaman? Inamin nya sakin. Medyo awkward after the day na umamin sya, pero that was the day na nagstart kaming maging close. Asaran kasi, tapos napansin nyang hindi na masyadong nagdididikit si Cadi sakin. Ako nga din nagtataka.
McDo Lunchbreak.
Maaga kasi kaming pinalabas nung prof kasi may seminar daw. Anong buwan na ba ngayon? JULY. Oo, yung huling update kasi June pa. Wala namang nangyare nung June eh.. Eto lang..
** FLASHBACK
June 28
Wow, ang aga ng pasok ko ngayon. Tapos ang aga ko din, maya-maya, dumating na si Cadi.. Actually, kaya kami maaga, kasi may quiz mamaya sa Algebra, papaturo sila sakin.
“Hi Jetro.” – sabay upo sa tapat ko.
“Uy. Aga ah.”
“Onga e. Sila Michelle?”
“Obviously, wala pa sila. – Anong page nga daw yung pinaseatwork satin last time?”
“271.”
“Ah okay.”
Nagsulat na ng notes si Cadi, tapos hindi na ako kinibo. Shit, ang tahimik.. Andito kami sa Pavillion malapit sa Beato, dito kasi antayan. Nung pagkatapos talaga nung Anniversary ni Cadi at Kiel, hindi na ako tinext nito, ni missedcall wala. Pag sa room, ngingiti lang. Di ko talaga alam naging problema. Tapos nun, madalas ko ng nakikita na sinusundo ni Kiel si Cadi. “Ah siguro nililigawan na ni Kiel si Cadi..” – yan yung nasa isip ko, kaya ako na din mismo, umiwas. Pero, tae. Pano ba kami mag-iiwasan! Hello? Groupmate ko sya palagi. Sa lahat, groupmates kami.
Umabot sa punto na nangulit ako ng nangulit dahil gusto ko sya kausapin bakit ganun na sya sakin, pero binababaan nya ako ng phone. Nagmessage ako sa facebook, ang sakit dun e ni isang reply wala. Nagpost ako sa wall nya, pero di nya pinapansin. Tangina! Lahat ng nagwallpost sakanya, nilike nya o kaya naman magcocomment, pero ano? Yung sakin kamusta? Parang di nakita. Imposibleng di nya mabasa yun, unang-una mag-aappear sa notif nya yun. GRABE.
Di ko natiis, sakto pa namang wala pa sila Michelle, nilakasan ko na loob ko.
“Ah, ano.. Cadi, may problema ba tayo?”
“wala.” – ang cold.
“Bakit parang iniiwasan mo ko?”
“Iwas? Wala yun sa bokabularyo ko.”
“Eh ano to?”
“Ballpen.”
O_O AY TANGA. HAWAK KO KASI YUNG BALLPEN.
“Naaalala mo pa to Cadi? – bigay mo sakin tong ballpen na to sa AD1 natin”
“Oo nga. May Cadi pa ngang nakalagay dyan eh.”
“Hmm? Asan?”
“Eto oh..” – tinuro yung sabitan mismo yung pen, may nakaengrave pala na “Cadi08 :)”
“Ahhh. Akin na talaga to?”
Tumango lang sya. Para bang hindi sya interesadong kausapin ako.
“Kamusta pala kayo ni Kiel?”
“Hmmm. Kami? Okay naman. Smooth sailing pa. hehe”
Ayan. Dyan sya ginanahan magkwento. Leche! Sarap idukdok.