Cadi’s POV:
“AH! Oo, naaalala kita! Ikaw nga yung lalaki sa elevator! Hehe!” – sabi ko kay Jetro.
Nangiti naman sya sakin kasi atleast may kilala na kami pareho sa UST at classmates kami.
After nun umikot pa kami sa loob ng Main building since new students naman kami eh pinayagan kami na mag-ikot kahit dun sa may parang Gallery sa loob.
Nung malapit na kami sa palabas ng Main building..
“Nga pala, pasave naman ng number mo”
Kinuha ko yung phone nya at nilagay ko number ko.
“Thanks! Nga pala Cadi, tanghali na. sabay na tayo maglunch?” – tanong nya.
“Ay! Shit! I’m so dead! Anong oras na?”
“12:30 na. Ang init nga oh. Kain muna tayo?”
“Ayyyy! Nako! Patay talaga! Hindi pwede Jetro eh, kasi ano. May nag-aantay sakin sa labas ng Main building. Tsaka.. *looks on my phone* DEAD TALAGA! Patay pa phone ko dahil low batt.”
“Sino nag-aantay sayo?”
“Bestfriend.”
“Babae o lalaki?”
“Lalaki..”
“FOUL! Hahaha! Friendzone mode ka ah!”
“Grabe!? Maka-foul ka dyan ah! Shit, patay talaga magagalit yun ng sobra!”
“Di naman siguro. Bestfriend mo yun eh, hahaha! Pero wag mo i-friendzone si Kuya. Wawa naman eh..”
“Siraulo ka talaga Jetro! Hahaha”
Saktong nasa labas na kami ng Main Building at hinampas ko si Jetro para may remembrance. Hahaha!
And guess what I saw..
Si Batch nasa mismong tapat ng Main Building, nag-aantay. Walang payong o silong man lang kasi sobrang tanga ko sa lugar, kaya sabi ko whatever happens, mag-antay sya sa tapat ng main building, gusto ko as in yung tapat ng may mga doors.
And I saw him, nakakunot na noo. I don’t know how to approach him. Hayayayay!
“Hey Batch!” – pasmile kunyare para kahit pano eh alam niyo na, ahem. :”>
“Tangina, dumating ka pa!!!!! Ang bait mong babae ka!” – Damn it. Galit talaga sya sakin. As in GALIT.
“Hey! Wait, can I explain?” – sabi ko.
“I’m giving you 30 seconds to explain. Time starts now..”
“hey wait! Bakit 30 secs lang?”
“29, 28.. 27..”
“okay! Fine! Classmate ko yung kasama ko kanina, I saw him earlier sa main dun sa sukatan ng uniforms and that’s it. Sya yung nakasabay natin once sa elevator, yung lalaking inipit yung kamay sa elevator para makahabol? Yah that’s him. Done.”
Ang lame ng excuse ko though totoo naman na dahil kay Jetro kaya ako medyo natagalan sa loob. Nakooo. Patay na po. -_____-
“Pucha Cadi. Dahil lang sa may nakita kang classmate mo sa pasukan halos malimutan mong tanghali na at init na init ako dito sa tapat ng Main? Batch! Sana sa field nalang tayo nagkita para may silong naman ako. Awa-awa din minsan pag may time ha?”
Nag-walkout si Batch. :[ Sorry na Batch! Hindi ko naman sinasadyaaaa! :[
Pero shempre, kung ako nga naman ang mag-iintay ng ganun katagal tapos sobrang init, baka ganun din ako, o mas malala pa! :P hehe!
