Jetro’s POV:
Anak ng tinapa tong bata na to, ibubuko pa ako kay Cadi. Leche! Ano? Ganyanan? Bistuhan ng harap-harapan? Sarap manapak eh! Kung wala lang ako dextrose dito, patay talaga tong bata na to sakin. Maya-maya, bumalik na ang maldita.
“Nahatid ko na sila ATE CADI.” – emphasized ang ATE CADI. Ba’t hindi mo pa ini-spell para kumpleto pambabadtrip mo sakin? Kamon!
“Anong problema mo Sandra? Bakit bigla-bigla kang gumaganun? Ano? Sinapian ka ba?” – sabi ko sabay bato ng unan.
“Wala naman. It’s just that, I like her for you. May boyfriend na ba sya?” – aba. At talagang niyakap pa yung unan imbis na ibalik sakin! Nako! Pasalamat ka talaga!
“Meron ng boyfriend yun!” – sinabi ko nalang na meron para hindi na masyadong umepal to.
“Psssh! Kainis naman kuya eeh! Ang bagal-bagal mo kase! TORPE! Ang cute kaya ni Ate Cadi, she’s like a nerdy type of girl pero sossy. Uhhh, I miss those moments na may girlfriend ka kuyaaaaa. >.<” – epal nito. Sabihin ko kayang si Michelle GF ko? Baka magpakamatay na to. Haha!
“Actually, alam mo Sandra, andun talaga yung gf ko kanina e. kasama nila ate Cadi mo. Kaya medyo dyahe nung sinabi mong nagtatampo ko kay Cadi, baka isipin nung gf ko, may gusto ko kay Cadi, naku patay ako dun pag nagkataon.” – galing ko umarte! Kala mo totoo e! hihihi! Baka magwala to. :DDD
“REALLY? Sino? O_O” – laki ng mata ah! Windang na windang ka ata Bata?!! Hahaha.
“Si.. Michelle.”
Sandra: O__________O – T_______________T
Ako: ^__________^
“Grabe!!!! Akala ko ba ayaw mo dun!? Akala ko ba sabi mo naiirita ka kay Michelle!!! Bakit sya yung GF MO! WALA KANG TASTE KUYA HA!!!!” – sobrang galit? Hahaha. May pinagdadaanan? HAHAHA.
“Eh, hindi ko naman nasabi sayo agad kasi, alam mo na. baka magalit ka din sakin. Di ko din akalain eh. Kaya pala may kasabihan sila no? – WAG KA MAGSASALITA NG TAPOS.” Tsaka yung “The more you HATE, the more you LOVE.” Totoo pala yun talaga!”– lakas ko mang-asar eh no. hahaha!
“Alam mo kuya, they just say those sayings kasi, HINDI NILA KAYANG PANINDIGAN YUNG MGA SINASABI NILA! May pasabi-sabi ka pang “Grabe yang si Michelle, kung makakapit sakin, akala mo linta..” – OH ANO KA NGAYON! Ghhhh. Busog na busog ka!? Nakain mo lahat ng sinabi mo!!!” – halos sabunutan nya ako sa inis nya. HAHAHAHAHA!
Maya-maya, dumating na si Doc James. :D
“Kuya James oh, tignan mo naman yung si Bunso. Ayaw na ako kausapin.”
“Oh? Bakit daw?” – takang-taka na tanong din ni Kuya.
“Eh kasi GF ko na si Michelle, ayaw nya tanggapin.” – teka guys! Konting-konti nalang hahagalpak na ako sa itsura nitong kapatid ko! Hahahaha!
“SERYOSO KA DYAN?” – halos maibuga ni kuya James yung iced-tea na iniinom nya. HAHAHAHA. Isa pa to e. Ayaw man lang sumakay. Kinindatan ko sya para sign na, joke lang. :3
“Ayyyy!? Oo nga pala! Nasabi mo na sakin yun last week diba?” – segwey ni Kuya James. HAHAHAHA!
“Ay hinde!!! Di ko sya bet! Hindi ko sya feel! Tsaka kuya Jetro, wag mo nga akong inuuto. Alam kong hindi papasa sa taste mo yun. Di ka mahilig sa mga mas matangkad pa ata sayo!” – O_O oo nga, alam nya. Si Michelle kasi halos kaheight ko na. Player yun nung HS sila sa Volleyball kaya matangkad din talaga sya. HAHAHA.
“Alam mo Sandra, nag-iiba talaga ang taste ng tao. Dati, mas trip ko yung mga medyo petite at medyo mas mataas ako, ngayon mas gusto ko na yung kaheight ko.” – sabay imagine kunyare. HAHAHAHAHAHA! Napakalaughtrip nitong ginagawa ko sa kapatid ko, para ko syang tinotorture. Hahahaha!
