Chapter 19 - First Day High!

11 0 0
                                    

Kiel’s POV:

Kaninang umaga bago umalis ng condo papuntang USTe, wala eh. Hangin lang po talaga ako. As in wala ni “Goodmorning” or “hi” man lang.

Nagbreakfast sya tapos kumatok lang sa divider ko. Mas maaga kasi klase nya eh, so nauna na syang umalis. Infairness. Consistent naman yang si Jetro sa pangungulit dyan kay Cadi. Hayaan ko na kaya sila? Baka nga naman mas okay kung ganun. Nakakapagod ka kaya.

Nung nasa classroom na ako, shete! Anong nangyare? Asan na yung mga magagandang babae na nakita ko kung confirmation ng slots? ANO TO? FISH KILL? O_O bakit wala? Karamihan naman ng may itsura samin, kaso hindi pasok sa taste ko. -_- wala ng pag-asa. Tapos lima lang silang babae sa room. NGANGA MODE.

Medyo may nakausap ako kanina, katabi ko kasi sya. Sya si Ate Myka. Mas matanda sya samin, 2nd course na nya tong Engineering. Pharmacy sya dati. Ang taba ng utak ni ate. Hehe. Tapos ayun, may naging kausap na ako, si Aper. – Jasper name nya eh, Aper nalang daw. Dapat silang dalawa kasabay ko sa lunch kaso may aasikasuhin pa daw si Myka tapos si Aper naman kausap yung HS friends nya. At ako? NGANGA.

Lunch break na. Creep. Ang sama ng araw na to ah. Loner all the way.

Tinext ko si Kris. Baka sakaling pwede kami magsabay ng lunch and usap saglit.

To: Kris

Kris. Sabay tayo maglunch. Andito ko sa Field.

Kris:

Sige Dude. OMW. See you..

Buti pa tong si Kris eh no. nakakausap ko pa kahit pano. Anak ng tinapa yung kasama ko sa bahay, kala mo anino ko eh. -_-

Dumating naman si Kris around 12:30pm. Shet? Nakashades? Init na init? Tapos nakacivilian pa kami pareho. Hahahahaha! First day palang naman kase pre! Hahaha. Kumain kami sa KFC. Tangina. Andaming tao ah, full slot ang mga upuan. Kaya nagtake out nalang kami at tumambay sa may field. Saktong medyo makulimlim naman eh tapos mas malapit sa building nya.

“Kamusta na kayo ni Cadi?” – habang umiinom ng krushers at kumukuha ng fries si Kris, sabay tanong ng ganun.

“Ayos naman sya.” – sagot ko.

“Ang tanong ko, kamusta KAYO. Ibig sabihin, kayong dalawa ang tanong ko Koyang!”

“Ah. Ayun, ayos naman ata.” – ATA? Di pa sure? Hahaha

“So. Parang hindi kayo okay?”

“okay naman kami nun Kris. Siguro paranoid lang ako, kasi hindi ako sanay na hindi kami nag-uusap ng matagal. Gaya neto, halos ilang linggo kaming di nagkibuan.”

“Eh bakit ba kasi hindi kayo nagkikibuan? Kinakausap mo naman ba?”

“Oo. Kaso, wala Kris eh. Parang hangin lang ako dun. Lipat na kaya ako ng Condo? Tingin mo?”

“Hay nako! Ikaw naman yari sa tatay mo sa gagawin mong yun eh. Hayaan mo nalang siguro. Sobrang dalas ba nila mag-usap ni Jetro?”

“oo naman dude. Araw-araw, minu-minuto, magkausap sila. Magkaskype pa. lahat nalang. Eh lalo na ngayon, classmates sila. Nganga pare.”

“Wala ka bang balak na umamin sa feelings mo?”

“HA?! ANONG FEELINGS?”

“Gago. Ako pa lokohin mo. Tsaka, halata naman. At eto pa. may video kami nung 3rd yr HS tayo na umaamin ka kay Cadi! Hahahaha. Kaya wag ka na magtago sakin.” --- O_O anong video? Ano to? Scandal? Bastos!!!!

“Anong video? Gago kayo ah”

Tapos pinakita nya sakin ang isang video.  Medyo luma na yung pagkakakuha pero, alam kong ako yun at pamilyar yung lugar. Sa bahay ata nila Kobe to.

O_O

O_O

BAHAY NILA KOBE? Eto ata yung nangyare nung nalasing ako eh?

Upon watching the shit video, oo nga. Yun nga yung panahon na bwiset na bwiset ako kay Cadi at umamin ako sa tropa? O_O di ko alam ginagawa ko dun pramis. Alam kong may sinasabi ko, pero di ko alam na ganun na pala ang mga sinasabi ko. Bwiset na yan!

“KANINO GALING YAN! SINONG NAGVIDEO NYAN! HAYUP!” – sigaw ko sakanya. Ahahaha

“Si Tristan! Hahaha. Siraulo ka, wag mo idedelete yan. Madami kaming copy nyan. Hahaha. – so ano? Ganito parin ba feelings mo kay Cadi?”

Natahimik ako. Shet, wala naman pala akong tinatago sa tropang sikreto. TANGINAANG HARD NYO SAKEN. Hahaha.

“Oo. Mahal padin, Kris. Kaso, alam mo yung feeling na, alam mong may kahati ka na sa oras nya? Yung di ka din sigurado sa mararamdaman nya pag-umamin ako? Lalo na ngayong there’s “THE JETRO”, tanga lang e no.”

“Minsan alam mo, hindi ko sinisisi sayo lahat, kasi unang-una, halata naman may feelings ka na sakanya, PAKIPOT PA TONG SI ATE NA WALANG ALAM. Walangjo.”

PAKIPOT? WALANG ALAM? WEH?

“What do you mean, Kris? May alam ba sya? May sinabi ba kayo?”

“Tara nga pare, mag-usap tayo nila Tristan mamaya.”

Kinontak nya si Tristan pati na din sila Pats, Cherriane at Kobe. Si Nico kasi, sobrang bilis ng pangyayare, lipad abroad si Gago. Kaya, heto, kami nalang natira.

Pero hindi sumasagot sila Pats, saktong si Tristan lang ang nakausap namin.

“Oh eto na si Tristan, i-loudspeak ko, wait.. – Hello Tristan!? Hello?”

“Oh Kris, bakit? *medyo maingay yung background* -- napatawag ka?”

“Nasan ka?”

“Nasa La Salle. Bakit?”

Oo nga pala, di ko nabanggit sainyo, MAYAMAN PO YANG SI TRISTAN. O_O NGANGA. Ede, ikaw na taga DLSU.

“Eh, kelangan ka ata makausap nitong si Heart broken/Forever Alone na si Kiel.”

“Ghh. Nice trip, Kris. Can I just call you back later? May EngCom ko ngayon. Major subject. Pakisabi sa tropang tangang si Kiel, umamin na.”

“Ah ganon? Sama mo friend ha. Napakabusy mo na. I can’t reach you. :D haha! Kita nalang tayo mamaya along Taft?”

“Sure. No worries. *Lezz go Tristan! Malalate na tayo, oh drinks mo!* -- k bye! See you later Kris.”

End call.

“Tangina! Padrinks-drinks  pa! dati ice tubig lang sya!” –  sabi ko! Haha.

“Loko. Hayaan mo na, mamaya yan kwentuhan na. Eh kasi naman, ang aga ng pasukan ng Lolo Tristan, TriSem eh. Feel na feel. Kamon.”

“Kelan sila nagstart pumasok?”

“May 27 pa ata. May LPEP pa nga ata. Ewan ko, di ako informed dyan!”

Napatanga kaming dalawa ni Kris sa pag-eenglish ni Tristan. Nung HS kasi kami, di gaanong umienglish yan eh, takte ngayon oh, may term na syang “Can I call you back later?” O_O IKAW NA PRE.

Sweetest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon