Chapter 12 - Di bale ng seloso, atleast SERYOSO.

12 0 0
                                        

Kiel’s POV:

Ayos tong babaeng to ah, sabi nya sakin kanina palabas na sya ng main building, aba! Tirik na tirik na araw andito parin ako sa tapat ng Main. Ayos talaga! Tinetext ko na at lahat, wala padin. -_- Nung tinatawagan ko sya cannot be reached na phone nya. Imposible naming mawalan sya ng signal dun, ano yun, dead spot sa loob?

Maya-maya, nakita ko na ang babaeng adik sa skinny jeans at flat shoes. – Andyan na si Batch..

With a GUY.

ASDFGHJKLFGIKDEKMFMEKFNWNFNFSRFHGVRHCGIJO!!!! At tumatawa-tawa pa talaga ah!! Ang saya mo din Cadi! – Ako tong halos matusta sa araw kakahintay tapos may patawa-tawa ka pa kasama ibang lalaki? USO BA YAN?asdfghjkl

Naghiwalay sila ng way kasi si Cadi papunta nga sakin, yung kasama nya papuntang P.Noval. Anak ng tinapa. Anak ng!!

“Hey Batch!”

Hey mo mukha mo! Tagaktak na pawis ko Dre! Tapos nagawa mo pang mag-hey hey dyan! Ayos ka din talagang Cadi ka!

“Tangina, dumating ka pa!!!!! Ang bait mong babae ka!” – sabi ko, as in sumigaw na ako. Alam niyo yung halos mastroke ka na sa init ng panahon tapos dadagdagan pa init ng ulo mo! Pucha! Kabwiset!

“Hey! Wait, can I explain?”

“I’m giving you 30 seconds to explain. Time starts now..”

“hey wait! Bakit 30 secs lang?”

“29, 28.. 27..”

“okay! Fine! Classmate ko yung kasama ko kanina, I saw him earlier sa main dun sa sukatan ng uniforms and that’s it. Sya yung nakasabay natin once sa elevator, yung lalaking inipit yung kamay sa elevator para makahabol? Yah that’s him. Done.”

“Pucha Cadi. Dahil lang sa may nakita kang classmate mo sa pasukan halos malimutan mong tanghali na at init na init ako dito sa tapat ng Main? Batch! Sana sa field nalang tayo nagkita para may silong naman ako. Awa-awa din minsan pag may time ha?”

Iniwan ko sya dun ng nakatayo. Sobrang nabwiset ako sa dahilan nya. Ang shit lang. halos 45 minutes ba ang pagpapasukat ng uniform? Ha? Ayos ah. Chikka-chikka din? Tangna. Ako kanina halos 10 minutes lang natapos ko na lahat ng gagawin sa Main! Eto may nakasabay lang na classmate, nganga na!

Ako din naman ah, may nakasabay din akong classmates ko, pero hindi ako ganito katagal! At take note, sya pa mismo nagsabi na sa main building kami magkita kasi SAGLIT LANG DAW SYA. SAGLIT ANG TERM. Nahiya naman ang 45 minutes sa saglit mo.

Nanggigil ako ng sobra, parang gusto kong batukan!

Habang walk-out king ako, shempre habol din sya. :D hahahaha! – abnormal eh no.

“Sorry naman na Batch, nadala lang ako kasi isipin mo naman, of all people, parang kacondo pa natin sya, tapos kaklase ko pa. oh diba? Take the opportunity na may makilalang ibang tao just in case diba. Sorry na.”

“Sana man lang nagtext ka. Hindi yung nagmumukha akong tanga kaka-antay sayo dun.”

“Nacut load ko eh”

ANG SHIT MO TALAGA! Kelan pa nacut ng load ang nakaplan! SABIHIN NIYO SAKIN! KABABAYAD LANG NYAN KAHAPON! IMPOSIBLENG MAPUTULAN SYA! TANGINAAAAAA!!!! Papalagpasin ko na eh, biglang eentra ng ganun!

“Ah. Nacucut pala ang load ng nakaplan?okay..” – walk out na talaga ako. Di ko na sya inantay.

Grabe guys! Sainyo gawin yun, di kayo maiinis? Iniwan ko na sya dun. Bahala syang pumunta sa condo mag-isa.

Saktong andun na si Mang Ben sa lobby ng condo namin tapos andun na rin yung mga gamit. Tinulungan na nya akong mag-akyat ng gamit. Andito na lahat, mga gamit ni Batch, tapos mga gamit ko. Kasi magstay na kami dito until pasukan par aba maging pamilyar kami sa lugar.

Nung naakyat na namin ni Mang Ben yung mga gamit..

“Asan pala si Ma’am Cadi, sir?”

“Wala. Ewan ko dun..”

Umalis na si Mang Ben tapos nag-ayos na ako sa condo. Infainess ha, maganda yung pagkakagawa sa condo. – color black yung kitchen and dining area. Tapos sa salas, may malaking window dun kung saan kitang-kita mo ang manila. Ganda din ng mga kulay na ginamit pinag-isipan talaga.

Sa kwarto namin, may CR na din na extension sa kwarto at may pinto pa na para labas e malapit sa kusina. Ang hirap i-explain pramis. Hahaha.

Maya-maya, may nagdoorbell na sa unit. Andito na siguro si Batch. Sinilip ko sya sa silipan sa may pinto., sya nga.

Binuksan ko na yung pinto tapos naupo ako sa sala.

“Oh. Sorry na.”

“Ano yan? Suhol?”

“No. peace offering..”

“Pareho lang yun.”

“Whatever. Ang hirap mo ligawan! Kainis.”

Nagdala sya ng Magnum tapos Big Mac meal ng Mcdo. :”> Ang saraaap!

Nung tatayo ako para mag-CR..

Niyakap nya ako..

“Batch. Sorry naman if I didn’t text you ng mas maaga. I didn’t mean that. Sorry. Regarding dun sa classmate ko, nagkahingian lang kami ng contacts then chika for a while. Sorry na po..”

Bakit hindi kita matiis Candice Ornella Gatmaitaaaan! Nakakainis.

Then naglunch na kami at bati na kami. :D hehe!

Habang nag-aayos na kami ng gamit, medyo nawala na yung inis ko sakanya, nag-aasaran na kami ulit tapos ayun na nagplantsa na sya ng mga damit namin na pang-alis.

Nung gabi hati kami sa luto, sya sa ulam ako sa saing. Burot ako eh, hindi ako masyado marunong magluto. Hahaha!

“Oh Batch, dito sa taas yung mga noodles ah, tapos yung mga delata andito sa pangalawang cabinet. Yung sa pasta noodles, dito sa counter. Inayos ko na din yung sa microwave at sa coffee maker ah, may 3-in-1 na kape dyan kasi alam kong ayaw mo ng mapait. Oo nga pala, yung asukal, tsaka asin wag kang tanga please ha, nilagyan ko na ng indication kung  asukal o asin. Okay?”

Blah blah blah blah. Hindi ko mamememorize yan kaya pwede baaaaaa. -________-

Kaya ayun, habang kumakain kami ang tahimik lang nya. Hindi ko alam kung bakit. Alam niyo ba kung bakit? Share niyo nga.

Sweetest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon