Jetro’s POV:
Oh!? Nagugulat kayo no!? Di kayo nagkakamali, ako nga to! Si Jetro. Hehe! First time ko mag POV. Kakatense naman.
Oo nga pala, pakilala ako ulit ng maayos. Si Cadi kasi hindi ako pinakilala sainyo ng maayos eh! Bastos. Joke lang. :D
Ako si Jetro, Samuel Jetro Garchitorena. Haba ng pangalan ko eh no. Kala mo walang bukas magpangalan magulang ko. Medyo katangkaran naman ako, mga 5”8 ata ako eh. Ewan ko kung ano na ngayon.
Meron akong bagong tropa ngayon, yun nga si Cadi. Nakasabay ko lang naman sya magpasukat ng uniform sa Main bulding eh, tapos nabangga ko sya sa hallway nung palabas na ko ng room. Nagbaka sakali lang naman ako makipag-usap kasi mukha naming approachable si Cadi.
Magkwekwento ba ako ng tungkol sakin? Wag nalang muna? De joke lang.
Unang-una, hindi ko naman talaga balak mag-UST. Wala talaga sa plano ko yun kasi ang gusto ko talaga mangyare nun e mag-Ateneo ko or DLSU. Eh jusko, halos kasi lahat ng barkada ko, sa Ateneo at DLSU tapos ako lang nag-UST. Nag-HS ako sa Uno High school. Alam niyo ba yun? Shempre hinde. De joke lang. – UHS e karamihan mga chinese ang tao dun e. wala share ko lang, baka sakaling alam niyo sya. Hehe.
Nagkagirlfriend na ba si Jetro? – Oo. Hehe. Actually kami parin ngayon. Kaso,sobrang unstable naming dalawa. Hindi ko nga alam kung pano kami nun ngayon e, lalo na’t UST ako tapos sya, pagkakaalam ko Ateneo ngayon plan nya pero never had a chance to ask her kung saan nga ba talaga..
Matagal na kaming di nag-uusap nun. Halos 2 months na ang huli ata e yung Graduation. Grabe mga pre, May na oh. March kami grumaduate. Di ko alam kung buhay pa ba yun e.. ni ha ni ho, wala akong narinig sakanya. Di ko nga alam kung kami parin ba ngayon o kung single na ko e. sana man lang sinabi nya e no? para kahit pano informed ako.
Nung unang kita nga pala naming dalawa ni Cadi, yung sa elevator, nagkakamali po kayo. Hindi kami pareho ng condo, sa tito ko unit yung sa lugar nila Cadi at ang condo ko po ay sa may Taft. Oo, nagkakamali kayo ng inaakala. Hehe! Bunyagan portion na. – Sa Taft, bakit sa Taft? Nauna po kasi akong nag-entrance sa DLSU bago sa UST. Hopeless kasi ako sa Ateneo kasi nga ayaw pumayag ng nanay ko. Di ko alam bakit. Hehe. So nauna ang condo bago ang enrollment. Tangang bata.
Ang haba ng monologue ko. Sorry! Itong author nyo kasi eh, ang sipag magsulat. – going back, bakit pala ko napunta sa UST, maganda daw kasi ang Arki at CE dun. E since mas mataas ang tuition ng DLSU at nagtitipid kami, nagUST nalang ako since pasado din naman ako.
Maganda sa UST, pero mas bet ko talaga Ateneo. Sorry na. hehe.
Anong masasabi ko kay Cadi. – wala. Simple, maganda naman sya, makulet. Pero normal lang na babae. Wala, parang tropa lang.
Namimiss ko GF ko, as in miss na miss. Hindi ko alam pano ko sya i-cocontact since wala naman syang FB, Twitter or kahit anong social networking sites. Ang KJ ba? Oo kj talaga yun. CP naman nya hindi ko macontact. Every night nag-uusap na kami ni Cadi after nung sa nagkatext kami. Ayos naman kausap si Cadi, normal naman sya. Hahaha.
May bestfriend daw sya e, kasama daw nya sa Condo. Si ano nga bang pangalan nun? Si Kiel ba? Oo ata. Kiel. – pakiramdam ko kasi inlove dun si Cadi eh, kaso parang iniiwasan nya mainlove kasi nga parang feeling nya friendzone mode silang dalawa.
Wala namang mangyayare kung patuloy silang ganyan eh, kung walang mauunang umamin sakanila. Eh kung sa bagay, kung si Cadi ang mauunang umamin, hassle yun.
Teka nga, bakit ba nagshashare ako ng tungkol kay Cadi eh POV Ko to. Epal e no. hahaha.
Malapit na pasukan, June 3 na. ang bilis nga naman ng araw. Tapos ang nakakatuwa lang talaga, classmate ko si Cadi sa lahat ng subjects ultimo PE parehong slot. Hahaha! Destined oh. De joke lang!
Sa Condo..
“Hoy Jetro, anong oras out sa Lunes?” – tanong nung kasama ko sa condo, si Matt. Classmate ko si Matt sa UHS, tapos parang sya na yung bestfriend ko nung HS kaya ayun..
“Ah sa Lunes? – mga 5:30 – College Algeb bro. Bakit?”
“Nagtext sakin ex mo eh.”
O_O EX? May ex ba ako bukod dun sa GF ko ngayon?
“HA? Sinong EX?”
“Si baby mo..”
WTF. Break na pala kami? Tapos nauna pa nyang itext si Matt kesa sakin? Ang galing naman.
“EX? Teka, sinabi ba nyang break na kami?”
“Oo. Last graduation pa daw.”
O__________________________O NGANGA. Tangina? Break na pala kami? Single na ako ng 2 months? Ano to joke? Bakit sa lahat ng nagbreak, ako ang hindi naka-alam kung kelan, bakit kami nagbreak, ano dahilan. Alam mo yun? Kaumay!
“Bakit daw kami nagbreak?” – ang tanga ng tanong ko e no. parang nang-aasar lang.
“PUCHA. Ako ba boyfriend nun? Wala naman syang nasabing dahilan.”
“Eh bakit mo tinatanong kung ano oras off ko sa Lunes?”
“Ipag-memeet ko sana kayo. Pare, hindi ko expected na break na kayo. Nung nasa Uno pa tayo, parang hindi na kayo maghihiwalay eh..”
“Tanga! Hindi ko nga alam bakit at kung kelan kami nagbreak eh, ang clueless ko lang.”
Kumamot nalang sa ulo si Matt at nanuod ng porn. – Sorry! Yan talaga nangyare. Hahahahahahaha! Bastos eh no.
Kinabukasan..
Maaga akong nagising. Alam niyo ba yung set-up naming ni Cadi? Ako lagi yung nauunang magtext. Ako lagi yung nauunang mangulit. Minsan naiiisip ko, okay din palang maging GF si Cadi. Wala lang, share ko lang, bakit bawal na ba? Hahaha.
So then, nagskype kami ni Cadi nung 2pm. Plinano naming yung gagawin sa first day, tapos kung saan kami kakain. Parang sya na yung best buddy ko sa college eh no. ayos na din, cool naman si Cadi.
Teka nga, mabalik ako sa usapan natin, nangyare na ba sainyo yung nagbreak na pala kayo tapos hindi mo alam? Ang shit nun no.
