“ANO PO? MAGKASAMA KAMI SA IISANG CONDO?”
Sabay naming tanong ni Cadi kay Tito Rands.
“Since, pasado naman kayo pareho sa UST diba? – Tsaka para maturuan mo si Cadi sa math.”
O_O
“Seryoso po ba kayo dyan Tito Rands?”
“Mukha ba akong nagbibiro?”
“Eh ano. Hindi naman po sa ganun.. kaya lang tito Rands, ano.. Babae yung anak niyo.. tapos.. lalaki ako.. Isang condo? Kung ganun tito yung reason eh papakuha nalang ako kay Dad ng malapit na condo unit sa unit ni Cadi..”
“That decision is FINAL..”
Si Mama : O.O
Si Tita Jenna: O.o
Si kuya Chino: O_O -- ^_^
Si kuya Jude: ^_^ -- O_O—O_____O
Si kuya Kyle: ?__________?
Kami ni Caddy: O_________________________________O
Teka nga, ano ba to, joke? Asan ang camera? Ano to? VICTIM? O_O Tsaka bakit walang kumokontra bukod samin? Diba dapat mas pagkatiwalaan nila sa ganitong bagay sila Kris o kaya si Cherriane? Ano na bang nangyayare? Babaliktad na ba mundo? O_O
“Dad mo din naman ay sang-ayon sa decision na yan Kiel. So no worries. At may tiwala kami sayo, sainyo. Magkahiwalay naman room niyo eh, pero parang divider lang yung harang. patapos na gawin yung ayos ng condo unit niyo. Malilipatan nyo na sya by May.”
Problema ata to. Di ko alam kung matutuwa ako o mababaliw. -___- Eh putcha! Parang mag-asawa na kami ni Cadi nun eh.
Pssh. Wala naman na kaming magawa, decision nila yun! Ano ba to.
After the big announcement, kumain na kami at nagtawanan.. Then napansin ko si Batch dumiretso sa veranda ng 1st floor nila, then sinundan ko sya.
“HOY UNGAS! Ang pula mo ah! Parang nagkamenstruation yung mukha mo! Hahahahaha!”
Sinuntok nya lang ako sa braso. Tapos umakyat na sya sa kwarto nya.. Parang baliw lang? Sa tingin niyo, ano problema nun? May alam ba kayo? Kwentuhan niyo nga ako!
Cadi’s POV:
Dumiretso nalang ako sa room ko e, hindi ko carry yun! – KYAAAAAAAAAA~!!! Humarap ako bigla sa salamin, and WTH! SOBRANG PULA KO PO! Matic blush on!
May nagdoorbell sa room ko..
“Batch! Huy! Mag-usap nga tayo!”
Nakuuuuu hindi po pwede! Sobrang pula ko parin ngayon like tomato sauce! >o<
“Batch, ano kasi eh, mamaya nalang. May aasikasuhin ako eh..”
Palusot.com na naman po ako. Hahahaha!
“Bungol! Anong aasikasuhin mo dyan? Yung matic blush on mo? Haha dali na pasok ako! May ipapakita ako sayo..”
Binuksan ko na yung pinto.
“Bakit ba kase?”
Then may pinakita syang parang blueprint.
“Ano yan?”
“Yan yung blueprint ng condo. – ganito sya kalaki, 100 sqm, hati tayo sa kwarto yung divider nya ginawa na daw ng assistant ng Dad mo yung mga gamit dyan. Pati yung astig na divider. Andun na yung cabinet, study table and stuffs pati kama andun na din. – yung arrangement ng room eh yung para sa picture na pinakita mo kay Tito Rands dati. Yung may hagdan paakyat sa kama pero sa ilalim nung kama yung closet and study table. Tsaka… mukhang di mo naman ako mararape eh…”
HAHAHAHA. Rape your face! Hahaha. – grabe? Ginawa ni dad yung pinakita ko sakanya before? O_O this is cool.
“really? As in pareho? – Sige, tingin ko kung ganun kaganda yung condo, why not?”
“Tsaka Batch, no choice na tayo dyan no. sila na pala ni papa yung nagdecide eh. Sila mama nga walang alam dito. O_O hahaha! – so sa comfirmation of slots balak mo daanan?”
“Sure..”
So natapos na ang usapan at wala na kaming nagawa kundi.. PUMAYAG.
CONFIRMATION OF SLOTS SA UST
Kiel’s POV:
Ang aga naming nakadating ni Cadi dito. As in ang aga. So nag-ikot-ikot muna kami sa UST, kasi nga nung USTET diba umuwi kami agad. So, ayun.
Dumaan kami sa USTH, tapos tumambay sa may Field. Inikot talaga namin. Yung pag-kakaikot na ginawa naming eh nag-umpisa sa building nya, sa may Beato.
“Ang ganda ng building namin Batch! Inggit ka no? hahaha! Bleeh!” – sabi nya. -- Kapal ng mukha, kala mo kanya yung UST kung makayabang naman sa Building nya. Edi sige, sayo na yung bagong building. Saksak mo sa baga mo!
Tapos nung oras na yun, lakad. Tapos sakto, nagstart na yung comfirmation ng slots. – Maagang natapos si Batch kasi shempre parang first come first serve dito eh. Tapos inantay nalang nya ako sa may pavilion ng Engineering.
Natapos ako agad, pero shit dude. Andaming magandang dumaan sa mga mata ko. Nalimutan ko ata na may nag-aantay sakin sa Pavillion. HAHAHA. Isang malaking goodluck sakin dahil
Siguradong may mura na naman ako pagdating ko dun.
Maya-maya pagdating ko, andun na nga sya.. Sobrang nagmamaktol na. pagtingin ko sa phone ko, shit. 23 messages received. Tapos puro kanya lang.
Batch:
BUHAY KA PA BA? ANDAMING BABAE DYAN AH! -_- -- times 23 po yang message nay an. Flood. Ayos!
O_O problema naman netong babaeng to. Napakalabo! Hahahaha!
“Miss Gatmaitan!” – Sigaw ko sakanya.
Sumimangot pa sya. Sapakin ko to eh!
“OH! Enjoy na enjoy ka pala dyan sa Engineering eh! Sa tabi ng building nyo andaming CTHM! Ikaw na!” – tapos nakasimangot habang sinasabi yun. Anak ng selosa.
“Selos ka Batch?” – asar ko. Hahaha!
“Asa you Batch. Eww. Sayo? Selos? Never.”—paasar nyang sagot. Di pa umamin eh? Hahaha!
So there, we ate at KFC muna. No choice eh, gusto ng Diyosa sa KFC. Naglilihi sa Krushers.
After naming kumain ng lunch sa KFC, dumiretso na kami sa Condo na tutuluyan namin sa pasukan. Sa bahay namin ng Batch ko. – ANO SABE KO? Joke lang po. :D HAHAHA!
“Anong floor nga yun?” – tanong nya.
“8th daw eh. 811.” – sabi ko sakanya.
Pinidot na nya yung botton na 8 pero may humarang dun sa pinto. Lalaki eh, parang haggard na haggard din gaya namin. Hahaha! Buti umabot pa sya.
“6th ate papindot..” – sabi nung nakasabay namin sa elevator.
Pinidot na ni Batch yung sa 6th floor. Nakangiti naman yung lalaki kasi nga naman pinagbigyan ni Dragon. Haha joke lang.
Naunang bumaba yung lalaki, malamang no? kasi 6th nga sya eh, ang tanga ko na naman . hahaha!
Hinanap na namin yung unit namin dito. At.. nakita na nga namin ang 811.
Nakabukas yung condo kasi inaayos parin nung mga tauhan nila Papa at Tito. Medyo madumi pa eh, hindi pa ayos yung mga gamit, hindi pa din napipinturahan yung divider na sinasabi ni tito. Pero all in all, malaki sya. Isipin niyo naman, titira kami ni Batch dito na walang lalabas sa bulsa namin kundi kukurot lang kami sa pera ng mga magulang namin hahaha!
“Malaki din sya no? pwede na. maganda naman siguro yung gagamiting furnitures dito. Dad has a good taste in terms of interior design. I trust his creativity naman.” – ABA! AYOS KA HA!! Ba’t di ka nalang nagpasalamat no? Hindi yung andami mo pang sinasabi dyan. Hahaha!
After namin dun, umuwi na din kami sa Antipolo at saktong andyan na sundo namin na si Mang Ben.
