Cadi’s POV:
Taeng July. Sobrang maulan. Sa Friday pa naman na yung Birthday ni Mareng Kaila. Ayy nako! Ayokong maexperience na mastranded sa UST! Hellooooo to Earth! First Year College, nasa P.Noval lang ang condo, NA-TRAP PA!? What the hell. That will be really really really weird.
Okay, 3pm na.. Hala! Sige ibuhos pa ang ulan! Putchaaaaaa! Ang taas na nga ng baha dito sa Beato. Jusko Lord!!! Anyare samen!!! Bakit hindi pa mag-suspend? Ano inaantay? Maging Mala-Hogwarts na naman ang UST? Kamon! Maya-maya , may nagtext sakin, galing sa Council ng Arki.
“Due to the continuous rainfall and flooding inside UST, classes in highschool, college and postgraduate levels are declared suspended from 3PM onwards today. - Office of the Secretary General. Please pass. Keep safe, Thomasians!”
Eh yung kasasabi ko lang na ayoko ma-trap sa UST? Eto, mukhang mangyayare na. -- YUN OH!!! Sa wakaaaaaaas! Kaso, shit na sa lahat ng shit! Hanggang tuhod na ang baha sa Beato! Kamooooon!
“Putangina naman! Badtrip! Shit! Total bullshit mga pre!!” – sigaw ni Jetro sa room. Okay guys, just so you know, okay na sya. He’s just taking meds, lalo na yung sandamakmak ang Iron content. HAHAHAHA!
Then, SHIT NGA TALAGA. Kaming dalawa lang pala ni Jetro sa tropa ang pumasok! Ano ba yan! Badtripan to the max!
“Cads! Pano to? May tsinelas ka?” – tanong ni Jetro sakin. Pucha badtrip naman!! Kung kelan sabay-sabay ang mga plates na pinapagawa at andaming quizzes, heto pa ulan na to. Kysssh!
“Wala akong dala fre! Pucha!” – sabi ko kay Jetro.
Mkaaaaaay. Nagdecide na kami ni Jetro na bumaba ng building. Shit!! Total shit! Anong klaseng iphone to. Napakabilis malowbatt! :[ Patay na naman ako nito kay Kiel. -_-
“Cadi! Patay na! Nagtext si Matt sakin, sira din daw LRT sa may bandang D.Jose, nagstuck up daw! Puta!” – hysterical? HAHAHA.
“Eh Jeep?” – suggestion ko. Hahaha!
“Di daw passable along Taft. Bullshit!” – sumisigaw na si Jetro. No choice na talaga. Baka magstay nalang kami sa UST.. – OH NO. AYOKO. A-YO-KO!
“Tangina Jetro! Dami pa nating plates at quizzes! Pano kung may pasok pa bukas!? Shit shit shit!” – sabi ko, yun talaga naiisip ko eh. Lapit na din kasi matapos ang July at hello Prelims na! Kelangan ko makahanap ng dagdag points eh! :[ Bakit ngayon pa umepal tong ulan na to!!
“Di tayo makakagawa dito ngayon. :[ siguro pwede naman madaliin yun Cads. Kaso, tama ka. May quizzes pa.” – sangayon naman si Jetro sakin. Hay nako, wala na talaga. Suko ako!
Nagpatila muna kami, okay! No choice eh.
Tik tok tik tok.. tik tok tik tok.. Okay, fast forward natin. -- 4pm na. Wala parin! Maulan parin.
Napapatingin ako kay Jetro, nakakatext pa sya. Buti pa sya may battery pa phone nya.
“Puta talaga! Andami pang gagawin! Naiiyak na ako!” – sabi ni Jetro. GAY MO FRE! Hahaha.
“Relax lang. Isip tayo paraan!” – sabi ko. Be positive. :D
Tapos may narinig kami sa likod namin..
“Oy! Sa may bandang Noval daw medyo mababa pa! Swerte naman nung mga nakadorm or condo dun!” – OH? Hindi pala ganito kataas ang baha sa Noval? Ayos!
“Alam ko na Cads!” – parang may bumukas na bumbilya sa tuktok ni Jetro. Tapos may pa snap-snap pa sya! Ano kaya yun?
“Ano yun?”
“Di ba sabi nila, sa Noval daw, mababa ang baha? Umuwi na tayo! Dun muna ako sa Tito ko mag-stay!” – sabi ni Jetro. WOW HA! INFAIR, MAY SENSE!
