Nakababa na kami sa kotse ni Chino. Eto pala yung UST, ang laki naman nito. Di ko nga alam to eh. Kung di lang nagpumilit tong si Batch magtake dito eh. Nalaman ko nga lang to dahil kina Jude at Chino tapos sa UAAP.
“BATCH! Ang laki ng future school natin no?” – bulong sakin ni Cadi habang hinahanap namin yung room namin.
“oo nga e. Shet naman Batch. Malibot kaya natin to? Hehe..”
“Oo naman Batch! Hehe. – Papasa tayo ha? Ipagpray mo ko sa Math module hahaha!”
Dream school kasi ni Cadi ang UST. Ewan ko kung anong meron dito, but of course, maganda talaga ang quality dito tsaka maganda naman talaga sya.
“oo naman Batch. Haha! Tignan mo, alam ko yun yung building sa Arki eh, so bale dulo-dulo yung building ng Engineering at Arki no? hahaha. Sigaw ka lang, maririnig na kita eh hahaha!”
“Tangina mo ah. Namumuro ka na today!”
Hinampas nya ako tapos.. maya-maya pa, tinawag na kami. Akalain mo yun, magkatabi parin kami sa upuan.
Gatchalian, Gatmaitan.
Cadi’s POV:
Exaaaaaaaaaaam naaaaaa. Whouh! Inhale, exhale.. Cadi, kaya mo yan. Kayang-kaya mo yan! Papasa ka dyan. Andito ka na oh! Andyan na tayo! Kaya mo yan!
Habang nag-eexam kami, napapatingin ako sa paper ni Batch. Halos sabay lang pala kami ng sinasagutan. Maya-maya pa, nasa Math module na kami.. Pag tingin ko habang nagsasagot sa Math module. PUTANG EXAM TO. Puro sa x and y nakikita. -_- -- Ghh! Ano ba to. Bakit parang si Batch no sweat sakanya nung module na to, samantalang ako… O_______________________O NGANGA MODE ON.
Batch naman, pakopya ako!!!
So, I skipped sa Math Module first, sinagutan ko na yung mga alam ko. Though malaking percentage ang hinihingi sa math, babawi ako sa drawing exam.
Then natapos na nga ako. AY LORD, kayo na po ang bahala sakin sa Math Module. Please po!
“Okay guys, Drawing Module na. Paiwan yung mga Engineering, Architecture and CFAD ha.”
Natatakot na ako. Bigla akong pinagpawisan ng malamig. :(
“Time starts now.”
TANGINA. Ano idra-drawing ko!!!! Wala e, ang naisip ko lang.. Yung main building. Screw me. Bakit yun lang naisip ko. -_- Ay bahala na talaga! Kung papasa ako, kahit waiting or placement lang po Lord.
Sige, bahala na kung ano kalabasan ng drawing kooooo. >_<
Natapos ang USTET ng ganun-ganun lang. Mukha akong shungabels dun sa Math at Drawing module. Di ko alam kung dapat pa akong pumasa sa Architecture. Di ko nga alam kung may chance sa Accountancy. -_- LORD NAMAN.
Naunang lumabas sakin si Batch ng room. Hay buti pa sya, parang sure ball na pasado. Kainggit ka Batch!
Nung nakita na nya akong lumabas ng room, nasense nan yang wala ako sa mood.
“Cerealicous tayo Batch?”
I nodded. Alam nya talaga yung kelangan ko once na wala ako sa mood.
pumunta kami sa Cerealicious tapos dun kami nag-antay kay kuya Chino.
“Pano naman na yan Batch. :[ feeling ko walang chance eh.”
“Psh! Wag ka na mag-emote. I’m telling you, positive lang tayo ah. Papasa ka dyan. So, smile na!”
Yan naman talaga si Batch eh. Lakas makaboost up. Maya-maya dumating na si Kuya Chino. Habang pabalik kami sa sasakyan, naka-akbay sakin si Batch tapos hawak nya kamay ko at bumulong sya..
“sakay ka lang ha. Ako bahala sayo..”
Ghh, nakakahiya ako. Saming tatlo kasi nila kuya Chino at Jude, ako lang ang medyo tagilid. Si kuya Chino kasi, pasado agad, Mechanical Engineering pa course nya. Si Kuya Jude naman nasa scholarship ng volleyball. Hugot kasi sya ng UST eh. Tapos ako. NGANGABELS!
“Oh, Cadi.. kamusta exam?”
“No sweat kuya Chino! Pero, alam mo ha, mahirap yung Math module tapos hassle yung oras sa Drawing module!..” - Si Kiel yung sumagot sa tanong ni Kuya.
Tsaka teka nga? – SYA? NAHIRAPAN SA MATH MODULE? EH PARANG DUN SYA NO SWEAT. -_- hahaha. May maidahilan ka lang Batch!
“Ay ayos pala eh. Eh ikaw Cadi, what can you say?”
HUDASBARABAS! AYOKO NA. SUICIDE NA!
“Ah eh, hahaha! Taeng yan Kuya Chino, alam mo ba nauna pa syang nagpasa ng papel sakin? Tibay!
Nagreview siguro yan kagabi. Astig mo Batch!..”
Sya na naman sumalo sa tanong ni Kuya. Nako, wag lang syang makakahalata. -_-
“Ayos pala eh. But I’m telling you, make sure to pass Architecture or Accountancy. Kasi kung hindi ka papasa kahit placement.. Pretty sure di mo magugustuhan yung next destination na ipapatake ni dad sayo..”
He answered me looking at the mirror at with matching pailing-iling pa.
“Eh kuya, saan ba sya punta nyan if ever di umabot? Hahaha! Sa Iraq? Joke!”
“Gago. Hahaha! Siraulo ka. – pero seriously, mala-Iraq na sabugan ng utak sa math. -- Sa MAPUA. Oppps. Not just MAPUA ah, Mech Eng ka dun. Hindi biro Math dun. So, yeah. Goodluck talaga sayo..”
O_O JOKE BA TO? Eh sa Arki nga ng UST nahirapan ako, ililipat pa ako ng MAPUA? SUICIDE NA PO TALAGA. AS IN SUICIDE. T__________T
Natahimik yung paligid. Then nagvibrate phone ko..
1 Message received
Batch:
Hoy. Pusang gala. Kahit igapang kita, makapasa ka lang sa UST gagawin ko. Wag ka lang mapunta sa MAPUA!
O_O Ano nga bang meron sa MAPUA?
To: Batch
Eh, bakit? Ano meron sa MAPUA?
Batch:
Ang tanga mo din. Andun si Andrei. Paalala ko lang sayo. -________________-
Ay shit. Oo nga pala. Ang magaling na ex andun. :[ NO PLEASE! NOOOOO!
