Cadi’s POV:
“Bakit ka sad?” – tanong ni Jetro.
“Wala.”
“Cadi? Something wrong?”
“Nah.”
“order mo?”
“bahala ka na.”
TANGINA! BWISET NA BWISET AKO! WALA AKONG TULOG! BORLOG NA BORLOG AKO NGAYON ALAM NYO BA YOOOOOON!!!
** FLASHBACK
6pm kahapon.
Yey! Nakauwi din. :”> Ugh, I miss my bed, I miss my laptop, I miss the aircon ng condo. I miss Batch. :”> Asan na kaya sya?
Yeah, I felt guilty tuloy sa term ni Jetro na “Friendzone” sakanya. Hehe. Kaya here, ipagluluto ko sya for dinner. He requested last week for my Carbonarra eh, saktong meron pa namang mga ingredients! Yes!
Nagluto ako ng bongga! Yung may mga bacon pa. :D hehehe! Naku, saraaaaaap!
Tinext ko sya..
“Batch ko! :) what time ka po uuwi? Sorry sa halos 3 weeks na walang pansinan. :) imissyou.”
Sent.
Mga around 7pm, nag-antay parin ako. Baka naman kasi umattend sya ng mass sa UST. Okay nuod muna.
Around 9pm, tinatawagan ko.. Cannot be reached na sya. I tried to call Kris, kaso cannot be reached din. :[ hay nako.
NagFB ako, mga 10:30pm, naisip ko bigla si Jetro, baka sakaling gising pa. Aayain ko sana magskype. Kaso eto naman isa, hindi nagrereply. -_-
Sa loob ng halos 3 weeks na hindi naming pagpapansinan, hindi ko talaga alam anong mali kong nagawa. Isipin mo yun, gigising ka nalang na hindi ka nya pinapansin. Mas importante pa yung panunuod ng NBA kesa kausapin ako.
Di ako sanay ng ganito, pero nakatagal ako. Namimiss ko na si Batch, sa loob gn 3 weeks na magkasama kami dito sa condo, wala naman syang ginagawa. Oo, andito yung point na sya yung nagluluto. Ang lagi ko lang naririnig sakanya e yung “Kain na” – or “sino maghuhugas ng pinggan?” or – “Cadi, may tumatawag sayo, dalian mo sa CR.”
Never ko na narinig yung term na “BATCH” after nung nag-uusap kami ni Jetro ng matagal. :[ Siguro.. nagseselos sya kay Jetro? Kasi siguro iniisip nyamay new friend na ako or whatsoever. :3 seloso talaga kahit kelan. Ang tanga ko naman kasi, bakit hindi ko napansin na nagseselos na pala sya, or hindi man lang ako nagtanong bakit hindi na nya ako kinakausap. -_- TANGA KA CADI!
12 na. haaay, di ako makatulog. Naiisip ko, baka wala syang dalang susi. Ni hindi man lang ako tinext or update man lang. nakakatampo. Haaay, di kaya gumaganti sakin to?
Nag-hintay parin ako, andito lang ako sa salas, nilalamig na ako kaya binababaan ko temp ng aircon. :[ natatakot ako. Hay. Batch, asan ka na ba?
Namimiss ko yung back hug ni Batch sakin, yung biglang mangingiliti sa tagiliran tapos.. susuntukin ko sya sa braso. Hay, asan na ba sya!!! Naiinis na ako. <///3
Umabot ng 4am, di na ako nakatulog. Ay saklap. May pasok pa ako mamaya, hala sige tetext ko na nga lang si Jetro. :[
To: Jetro
SAMUEL JETRO GARCHITORENA.
And yes, he called me up around 5 am and asked kung gusto ko magbreakfast kami. Nasayang lang niluto ko. Dalhin ko nalang sa school. Hay! Bahala na. inis na inis ako ngayon!
5:20am, nagkita kami ni Jetro sa Jollibee sa Tayuman.
Ni hindi kami masyado nga-uusap. Wala po talaga ako sa mood. :[