Kiel’s POV:
“Oo sige sa Monday ha!? Hehe! Oo, mang toots tayo! Oo, malapit lang sa UST yun, hindi tayo malalate nun! Hahaha! Oo nga! Sige, ay may ipapakita akong picture sayo! Hahaha. Tignan mo kung cute ha?”
Blah blah blah blah.
Tanginaaaa! Bakit ang tagal magpasukan! Ang tagal ng June 3! Ilang araw pa oh. Buryong-buryo na ako dito sa condo. Walang magawang tama e. etong si Cadi mula umaga, si Jetro na kausap. Nalimutan atang nag-eexist ako dito sa bahay.
Alam niyo yung feeling ko ngayon? Dalawang linggo na akong O.P dito sa condo. Dalawang linggo na akong mukhang tanga. -- Dump out ako sa mundo ni Cadi dahil dyan sa Jetro na yan. Swerte mo lang Cadi at mahal kita. – teka mali. Swerte mo lang Cadi, bestfriend kita. – Oo, hanggang dun lang naman eh.wala naman akong karapatan sa mundo nya.
Yung routine nya, gigising, kakain, manunuod, maghuhugas ng pinggan, maliligo, mag-oonline, chat, usap.. meryenda, kain, ligo, luto dinner, chat all night long. Ni hindi na ako kinakausap nito. Kakausapin lang ako kunyare kung ganito yung eksena..
“Asan yung kape na galing kay Kuya Chino?” – o kaya.. “Peram nga ballpen, may isusulat lang ako..” – o kaya, “Hoy dalian mo sa CR natatae na ako..”
-_- parang hindi talaga ako nag-eexist sa mundo nya.
Dumaan ang isang linggo at voala!
Bukas, pasukan na.
Ghhh. Goodluck sakin, wala pa ako gaanong kabatak dun, bahala na si Lord.
Nagstatus ako sa FB ko..
“Hi Guys. I still exist, just so you know..”
16 likes agad in 10 minutes.
Nagchat bigla si Kris. Yung batchmate namin ni Batch at taga UST din sa CFAD.
“See you tomorrow Dude. I miss your libre and stuffs.”
“Fuuuu. Libre lang? hahaha. T.T Ang sakit mo naman magsalita Kris. Haha! Saan tayo tomorrow?”
“Kayo ni Cadi, san ba balak niyo maglunch?”
“Nako. Hindi ko naman yan makakasama. May kasamang iba yan bukas. Yung new friend nya.”
“THE JETRO?”
“Alam mo din?”
“Yup. Hay. Nanghihinayang nga ako sainyong dalawa eh! Ikaw naman kasi bakit ayaw mo pa umamin.”
“Ako? Anong aaminin ko? HAHAHA. Joke time ka Kris ha.”
And yep. Hindi na nagreply si Kris. WTH people. Anong mali sakin bakit ayaw niyo ko kausapin hahaha!
