Cadi’s POV:
3 days na kaming di nag-uusap ni Kiel. Shit naman. Si Kris pala yung babaeng nakashades na nakita namin ni Jetro. :[ Grabe po. Hindi ko kinaya yung sinabi ni Kiel. Siguro sobrang napuno na sya sakin.
Di sya dito sa condo nagstay for that 2 nights. June 7 na ngayon. Katatapos lang ng Freshman Walk.
Sobrang di ako nagsasalita sa room ngayon after the incident samin ni Kiel. Balita ko kay Tristan daw sya nagstay the last few nights. Sobrang di ata kayang makisama sakin ni Kiel. Napuno ko na pala sya sa nangyare. Sorry. Si Jetro ba kaselos-selos?
(A/N: AY HINDE! HINDI NAKAKASELOS YUNG BUONG ARAW KAYO MAGKASAMA EH!)
Anyway..
So ngayon Thomasian Freshman Walk na. -_- Hay nako. Ang inet! Kaines! Parang di bagay get up ko dito. Nakayellow ako na shirt and black jeans and rubbershoes na white. Sayang naman kasi hindi ko nagagamit. Ano ba meron sa freshman walk? Eto yung nakayellow kaming lahat na freshies tapos sabay-sabay papasok sa Arc of the Centuries tapos may paniniwala yung mga thomasians na bawal kang lumabas dun kahit joke lang kasi hindi ka makakagraduate ng UST or madedebar ka. Sa wakas nabinyagan na kami. :”>
“PUTANGINAAAAAAAA! ANG INET!! Sagad!” – sigaw ni Mond habang nasa pila kami! Ang init. :(
“Wag ka ngang maingay dyan! Sobra ka eh! May kausap po kaya ako sa phone kaya pwede wag maingay!” – talak din ni Michelle.
Ano, talakan all day long? Sige push niyo yan.
“Asan pala si Jetro?” – biglang tanong ni Kaila. Oo nga no?
Hindi namin sya kasama sa Freshman Walk? He missed half of his life! Kaloka!
“HOY CADI!” – ay! Si Jetro nasa likod pala.
Biglang kumapit naman sakanya si Michelle. O_O ano to? Jowa mo teh? Sayo ba?
“Jetro! Kanina pa kita hinahanap! Hay kala ko san ka na napunta eh!”- sabay sandal ni Michelle sa Biceps ni Jetro. Hay nako.
“I won’t get lost. Can you please back off? Nananakit ako ng babae. So get lost.” – O_O taray mo Jetro ha! Di ko kinaya yung PLEASE BACK OFF MO! Bang!
“HAHAHAHAHAHAHA! Ayan! Arte mo kase!” – asar pa ni Mond.
“Hi Cadi. Alis tayo maya. May papakita ako sayo.”
“HA? Ano yun?”
“Basta. :D”
“Okay.”
Sabay hinawakan yung kamay ko at binitbit yung bag ko.
Ano pong nangyayare? Bilis ng phasing ah. -_- Tapos naglakad kami ni Jetro with the feeling na parang kinakaladkad na nya ako.
“Aray ko naman Jetro! Saglit nga! Bakit ba? Anyare?”
“Ayoko kasi kasama si Michelle. Naiirita ako sakanya. Bilisan mo nga maglakad!”
“Nakakainis ka! Saglit lang!”
And then, after nung sa Freshman walk, hinugot na naman po ako ni Jetro. -_- sarap manapak ah! Sumosobra ka na! kanina ka pa sa field!!!
“Let’s go on a date.” – habang hawak yung kamay ko at bag ko. O_O anong date!??
“Date ka dyan! ASA!”
“Bukas. 7pm sharp.’
“What the.” – sabay alis at di ko na po nakita ang Garchitorrena. -_-
“Magdadate kayo? Bukas?” – Takang-takang tanong ni Mond.
“Ewan ko dun! Sarap sapakin. Nauulol na naman.”