Chapter 18 - The Kidy Tandem

12 0 0
                                        

Kris’ POV:

Yezzz! You’re reading right! Ako po ang POV ngayon! Hihi. =)

Kamusta naman ako? Maayos naman ako. Haha! Sobrang naststress lang ako sa mga nababalitaan ko kay Cadi. Ako ang tagabunyag ng lahat! AKO! Me, myself and I! hahaha!

When we we’re in HS, sobrang binebet na namin si Cadi kay Kiel. Pati nga family nya, bet din eh. But then, Cadi was really scared na mawala pati friendship. Sobrang praning kasi nitong babaeng to na hindi mo maintindihan kung ano plano sa mundo.

Si Kiel naman, sobrang pahalata na! As in. Andyan na yung hatid-sundo na si Cadi sa bahay, tapos sobrang sweet at PDA na nga eh, kaya lang, alam kasi sa school na BFF lang sila kaya hindi na-iissue. Wala eh, sobrang nganga.

Umamin na si Kiel before isang beses, inuman naming magbabarkada. Kaso that time wala si Cadi sa inuman kasi may practice pa sa Pep Squad..

** FLASHBACK

February 14, Friday.

Nung hapon, nagbigay ng flowers si Kiel kay Cadi. Tapos.. badtiming. Naiwan ni Cadi sa room yung bigay ni Kiel kasi nagmamadali sa practice ng Pep ang gaga. That moment na tinapon ng cleaners nung bulaklak na bigay ni Kiel, kitang-kita nya kasi usapan babalik ang boys after ng tune-up dito sa room, saktong nakita nya sa basurahan yung bigay nya.

Nanlata si Kiel. Pakiramdam ko parang gusto ng sapakan eh.

“Asan si Cadi?” – tanong ni Kiel sakin. Nanginginig yung kamay nya.

“EH, ano Kiel, wala si Cadi kasi may binago daw na steps sa Pep. Eh next week na yung laban nila interschool.”

“Ah ganun ba? Edi pwede pala ako uminom!”

Dumiretso na kami sa bahay nila Kobe.Sa bahay kasi nila Kobe merong karaoke tapos parang kubo style. Then dun kami uminom kasama namin nun sila Pats, Cherriane, ako, si Kiel tapos Tristan. Empi yung ininom nila tapos sagot lahat ni Kiel yung pulutan. May isaw, Betamax, adidas, kornik, pansit palabok, at kung anu-ano pa.

“Inuman naaaaaaaa~!” – sigaw ni Pats. Tapos game na game naman sa pulutan tong GF nyang si Cherriane. Hahah!

Diretso bukas si Kiel dun sa Empi e, saktong Biyernes naman kasi ngayon kaya parang ayos lang na inuman time at late na makauwi. Biglang kinanta yung Love Team ng Itchyworms, putcha tawanan kami  nila Pats eh. Siraulo kasi tong may birthday na si Kobe.

Di...di naman talaga

Tayo mag-sinta

Pero gusto nila

Kahit ayaw mo

Bagay raw tayo

Di naman totoo

Mga yakap mo

Pang-eksena lamang ito

Di mo lang alam

Na nababaliw na 'ko sa iyo

Di ko na yata kaya to

Ang aking lihim na pakay

Ay ang lahat na ito'y gawing tunay

Sana 'wag mo kong sisihin

Kung 'di ko kayang pigilin

Sabi mo na mahal mo ko

Ngunit 'di naman seryoso

Sana'y magkasingkulay

Ang drama at tunay na buhay ko

Ang tanging pag-asa ko

Ay nasa tambalang ito

Si...sinungaling ka

Kapag may tao

Ay nilalambing mo ako

Pero pag wala

Ay sumasama

Turing mo sakin

Ay parang hangin

Bitin na bitin

'Di nila alam

Na sa dulo ng tagpo

'Di na patok mga linya mo

Nag-iiba ang iyong asta

Hanggang sa susunod na eksena

Sana 'wag mo kong sisihin

Kung 'di ko kayang pigilin

Sabi mo na mahal mo ko

Ngunit 'di naman seryoso

Sana'y magkasingkulay

Ang drama at tunay na buhay ko

Ang tanging pag-asa ko

Ay nasa tambalang ito...

Bangenge na agad si Kiel eh, tapos maya-maya sumigaw si Gago..

“Hirap na hirap na ako! Putangina naman! Ano bang kelangan kong gawin pare!! Hahaha. Binigyan ko si Cadi ng bulaklak kanina sa room! Ayos pre! Anong ginawa? Tinapon yung flowers! Hahahahahaha. Ang tanga ko naman talaga. Ang tanga mo Gatchalian! Whoooouh! Iba katangahan ko! Maintain na maintain!”

Nagtawanan kami tapos vinideohan nila si Kiel habang lasing, parang interview.

“Gano mo kamahal si Cadi pare?” – tanong ni Tristan.

“Mahal na mahal na mahal na mahaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaal! Tanga lang talaga yun eh. Napaka.. napakamanhid ng putaa! Sobrang manhid. Di dapat mag architecture yun eh! Dapat mag anesthesiology yan! Bagay na bagay!”

Hagikgikan kaming lahat eh.

“Tawa kayo dyan mga bugok! Hahaha. Mahal ko naman yun e, si Cadi eh. Bobo lang! hahaha!”

Putcha hindi talaga mapigilan nila Kobe tumawa, as in konti nalang maibubuga na nila sa mukha ni Kiel yung  icedtea.

“Kung andito si Cadi, anong gagawin mo? Anong sasabihin mo sakanya?” – tanong ni Kobe habang nakarecord parin shempre.

“HAHAHAHA! Unang-una sa lahat, Cadi. Sobrang tanga at manhid mo. Bakit ganun? Hahaha. Uso? Ang kulit mo din eh no. hahaha. Mahal na mahal nga kita. Hahaha! Kobe wag kang tumawa! Hahaha. *sabay tagay* sarap mo sapakin Cadi! Muntik ka tumanga. Ay, mali, mas tanga pala ako. Hahaha! Sarap mo sakalin Cadi! Hayup. Manhid ka Batch!”

Maya-maya nagsuka na si Kiel. Mahina kasi talaga uminom yan eh. Hindi sya pala-inom.

Tawa kami ng tawa, as in tawa kung tawa. Di ko mainpinta mga mukha nila Cherriane at Pats eh. Si Tristan naman na taga hawak sa camera eh halos himatayin na kakatawa mga walangyang to.

“Pare ah, satin-satin lang tong aminan portion na to. Wag niyo ipagkakalat, kawawa naman. Hahahahaha! Pero pabluetooth ako mamaya Tristan!” – tawa pa si Kobe. Hahahahahaa.

Tapos after nung aminan portion na yun, mas naging intact ang tropa sa pang-aasar kina Kiel at Cadi. Tapos nagtataka nalang si Cadi buong taon namin ng HS.

Alam ko naman na may gusto din si Cadi kay Kiel, kaso sobrang walang courage magsalita. Iniisip ko, pano kung mapagod nalang bigla si Kiel? What if.. makakita nalang ng ibang babae si Kiel na mas magiging okay pala? Sayang naman ang Kidy Tandem. Hahahahah!

Sweetest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon