Sa grocery..
Kiel’s POV:
Grocery? – Pinaka-ayaw ko sa lahat. Ayoko yung nag-aantay ng matagal, yung nag-iikot-ikot ng matagal tapos may push cart pang kasama. Idagdag mo pa tong babaeng to na napakahirap mamili. Magdedecide nalang ng kulay na gusto, hirap na hirap pa. Parang kung mamili eh between life and death, ang tagal.
Bumili kami ng mga kulang pa sa condo gaya ng mga karne, hotdog, shampoo, sabon, toothpaste, gargle, lotion, napkin, tissue, conditioner, body scrub.. teka nga, cut that.. PARANG PANGBABAE LAHAT TO? Ano to, makikishare lang ako? Ayos ah. Lahat pink! Ang bait mo din Batch. -_-
Habang nagtutulak ako ng cart, naalala ko na naman yung kiss kaninang umaga. -_- Tangina naman kasi, akala ko talaga panaginip. Parang di pa kasi nagsisink in sa utak ko na magkasama na kami ni Batch sa isang bahay.
Ang bango talaga nitong babaeng to. Kala ko hindi nya ginagamit yung bigay ko sakanyang pabango eh.
Maya-maya, hindi ko namalayan kahit sobrang tagal.. nasa counter na kami. Ang tagal nya swear.
“2,780 po lahat Ma’am..”
“Pakicard muna..”
PUTANG MATA TO. Tingin ako ng tingin kay Batch. AYOKO NAAAAA!
“Yes? May dumi ba ko sa mukha?” – tanong nya.
“Oo, yung buo mong mukha ang kalat. Hahahahahaha!”
“I hate you SOBRA!!” – sabay hampas sakin.
“I love you SUPER..” – O_O
Shit, careless.
“Ayyyy. :”> I love you more! Pakiss nga Baby..” – ano to? Trip-trip? Lakas topak to ah. Bakit parang wala lang sakanya yung Baby at iloveyou na term?
“Sir! Ma’am! Grabe, bagay po kayo!”
“Gwapo ba ng boyfriend ko Miss? Hehe” – tanong pa ni Ungas dun sa Cashier.
“oo naman po Ma’am! Swerte niyo po sa isa’t-isa.”
“See baby? Swerte ka daw sakin sabi ni Ate oh! So treat me later ha! :”> “
“Oo na.” – ang cold ko tuloy. Kainis, hindi kasi ganito dapat eh.
“Natameme ka na naman Baby..”
“Ganda mo kasi Baby eh..” – ANONG SINABI KO? NAKIKIBABY NA DIN AKO? Wow.
“Nakakakilig naman si Sir! Yiiie.. :”> “ – asar pa nung bagger na kasama ni ate cashier.
ANONG PINAGGAGAGAWA NAMIN? Lakas makaBaby! San ba nanggagaling yung lakas ng loob? Hahaha! Ang kapal naming dalawa e no.
Nung pagtapos naming mamili ng gamit, nagmilktea muna kami bago umuwi sa condo.
*toot-toot*
“Hmm? May nagtext sakin.. Sino kaya to? Number lang oh..”
“Oh? Sino daw?”
“Hi Cadi! Si Jetro to. Sorry ngayon lang nakatext ha, kinda busy fixing my stuffs sa condo. Pasave nalang nung number ko. --- Ah.. Si Jetro pala Batch, yung kasama ko last time sa USTe. Yung classmate ko.”
Wuuush. Si Jetro. Jetro. Jetro. Ay nako! Matic blush on to eh, ngud-ngod ko kaya sa Milktea to.
“Mukha mo classmate, eh ba’t namumula ka dyan? Kinikilig ka lang eh.”
“Eh ano naman kung kinikilig? Hehehe!”
SARAP SUNGALNGALIN EH. Sapakin ko kaya to? Pagtapos akong gawing front boyfriend dun sa Supermarket kanina, ganito naman gagawin sakin? Ayos ah.
So magmula nung nagtext si Jetro sakanya, habang umiinom kami, nagtetext na sya. Tapos habang nasa taxi, nagtetext parin. Habang nag-aayos ng groceries, may katext parin sya at nangingiti pa. kabwiset!
“Hoy! Text ka ng text dyan, yung tubig sa CR umaapaw na!”
Tinignan lang nya ako tapos ngumiti,then pinatay na nya yung tubig sa CR.
Ganun routine nya buong araw. Pag narinig na nyang nagbeep yung phone nya, hala sige. Kahit naghihiwa ng sibuyas, reply parin.
Nung natapos na kaming magluto at nag-aantay nalang ng sinaing, nag-internet muna ako since nakawi-fi naman yung condo namin. FB nga muna ako para hindi mabwiset.
Pagpasok ko sa FB, tinignan ko kagad yung account ni Cadi.
“Cadi Gatmaitan is now friends with Jetro Garchitorena”
FRIENDS NA AGAD? O.o AGAD? Speed ah.
