Cathy's POV
Matagal-tagal rin silang nag-usap.
Mga tatlong oras rin yata.
At hindi pa ako makaka-uwi dahil kapag ginawa ko iyon, makakarinig nanaman ako ng salitang "KJ."
Ewan ko ba. Nilalamig nako dito eh. Wala pa akong makausap.Para na akong stuff toy dito sa kina-uupuan ko. Walang pumapansin saakin .Alangan naman kausapin ko sarili ko?Cellphone ko?
Hindi ko na talaga kinaya kaya kinausap ko na si bes Alexa.
Dahil alam kong ang hirap paki-usapan ni bes Mary.
Pero bago ko pa siya naka-usap, biglang...
"Hey are you okay? Looks like you're not feeling well."
Whaaaa!!!
Pakiramdam ko mas lalong bumigat pakiramdam ko. Lalo na at tumahimik si bes Mary kakatawa at napatingn silang lahat saakin.
"Bes, mauna na ako. Hindi ko na kaya eh. Nilalamig na talaga ako." sabi ko at niligpit ang mga gamit ko.
"I'll go with you." sabi ni Adrian at tumayo narin ano bang problema nitong taong ito?May saltik ba ito?
"Ano?Naku.Huwag na.Okay lang ako.Makaka-uwi pa naman ako eh."

YOU ARE READING
Way Back To His Love, Again
Roman d'amour"Noong mga musmos pa tayo, pasensya ka na at hindi na kita ulit natatandaan. Marami na kasi ang nagbago sayo noong muli tayong nagkita. Nag-iba ka. Pero nanatiling ganon parin ang nararamdaman ko sa'yo noon. At maswerte ako dahil sa lahat ng estado...