Chapter 1

3.3K 92 0
                                    

Continuation....

Cathy's POV

Nga pala. Hindi pa ako nagpapakilala. Ako nga pala si Cathy Seo Ra. Isa akong college student ng JLE. Huwag niyo ng itanong iyong meaning nun. Maguguluhan rin kayo promise. Magkaklase kami nina bes. 

Siguro mga almost 15 years narin kaming magkakaibigan.

"Adri, pare, mukhang tutunawin mo na si Cathy diyan ah?" pang-aasar ni Mark na napatigil saakin at kina bes. Tiningnan ko si Mark. 

Iyong tingin na nagtatanong at parang walang narinig?

 "A-ano iyon?" tanong ko dito.

 Agad naman silang lahat nagtawanan. Ano bang nakakatawa?

 "Sobrang ganda niya lang kasi." mahinang sabi ni Adrian na nagpatahimik rin sa lahat. 

Nagkatinginan sila bes saakin. 

"Sabihin mo nga saamin bes, magkakilala ba kayo?" tanong ni bes Mary. Agad naman akong umiling-iling. 

Alam ko kung anong kulay mayroon ang pisngi ko ngayon. Kung hindi ako nagkakamali, kulay kamatis na ito.

"Nga pala bes. Ano nga pala ang plano mo ngayong birthday mo?" tanong ni bes Alexa. Tumigil ako sa pagsubo ng lecheflan. Yes. Lecheflan lang kinain ko kahit sobrang gutom ko na. Ayaw ko kasing ako ang mahuling matapos kumain. Talaga kasing ang bagal kong kumain eh. Ano pa bang magagawa ko? Eh, iyon na talaga ako.

 Leche!!

Tiningnan ko si Adrian at nahuling nakatingin rin siya saakin. Nagkatinginan kami mata sa mata. Pero kahit na ganon, hindi parin siya nag-iwas ng tingin. Ako nalang ang unang nag-iwas kasi pwedeng anytime ay matutunaw na ako. 

"Besss?Yohhhoooo!!!" pukaw saakin ni Alexa kasabay noon ang pag kaway-kaway niya sa mukha ko.

 "Ano bang plano mo?" tanong nito.

"Ewan ko lang. Mukhang hindi makaka-uwi niyan si mama eh." nasa abroad mama ko. May kapatid rin akong lalaki. Ako ang matanda. Iyong papa ko naman, nasa probinsiya namin kasama kapatid ko at nga iba ko pang kapamilya. 

Bakit ba Adrian? Bakit ba lumalakas ang tibok nitong puso kong loka kapag tumititig ka?

Way Back To His Love, AgainWhere stories live. Discover now