Chapter 16

2.4K 71 0
                                    

Cathy's POV

Hindi ako mapakali. Umalis kasi si Adrian ng hindi ako kinikibo.

Nagalit ko ba siya?

"Bes, punta tayo sa school gym?" tanong ni bes Alexa

Napanguso ako sa sinabi niya. "Gagawin natin doon?" tanong ko.

Pinapunta ko sila ni bes Mary dito para sana patawanin ako pero pagdating nila dito, puro ingay ang ginawa nila.

"Practice tayo. Rehearsal. Basta." sagot niya.

"Okay okay! Gusto ko iyan bes. Tara." excited na sabi ni bes Mary saka kinuha iyong mga gamit nila.

Naiwan akong naka-upo sa sofa.

"Oh? Bes? Ayaw mong sumama?" tanong ni bes Mary.

"Hindi pa ako nagpapa-alam kay Adrian. Ano ba kayo? Hahanapin ako no'n mamaya." sagot ko.

"Ayyiiee. Bakit? Ayaw mo bang magalit siya sa'yo?" bes Alexa

"Malamang!" sagot ko. 

Umakyat muna ako sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko at tinawagan siya. At kung minamalas ka nga naman, cannot be reach. 

Bumaba ako ng naka simangot. 

Isa lang ang ibig sabihin nito. Hindi ako makakasama sa kanila sa school!

"Oh?anyare sa mukha mo?Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang awra natin ngayon ah?" - bes Mary

"Tse!"sagot ko na ikinatawa lang nilang dalawa.

"Wala!Cannot be reach!Hindi ako pwdeng umalis dito." sabi ko kaya bigla silang natigilan sa kakatawa.

Naka-isip naman ako ng magandang ideya!

Magpapa-alam ako kay Max!

"Max?!" tanog ko.

"Bakit po Ms. Cathy?"

"Pwede mo ba akong ipagpaalam kay Adrian?Pupunta kasi sana kami ngayon sa school eh.Tapos, hindi pa ako nakakapag-paalam kay Adrian." sagot ko sa kanya.

"Ganun po ba?Sasamahan nalang po kita Ms.Cathy. Ako napo ang bahala sa inyo." 

Hindi na ako nagdalawang isip pa. 

*******************

"Oh?Pagod kana?" tanong ko kay bes Mary. Naka-upo na kasi siya ngayon sa sahig at hinihingal. 

"Tse!Tinatanong pa ba iyan?Bakit ikaw?Hindi ka naman kasi sumayaw eh!Tinitingnan mo lang kami!Dapat ikaw rin!!!" inis na sabi niya.

"Oo nga bes!Ang daya mo masyado!Ikaw naman kaya!!" bes Alexa. Pareho na sil ngayon na hinihingal.

"Tama po sila Ms. Cathy. Dapat kayo rin po!" tukso saakin ni Max. 

Pinagtutulungan na naman ako nila!

"Sige na nga."

Pu-mwesto na ako sa gitna at laking gulat ko kung ano ang ipina-tugtog ni bes Mary. Gusto ba niya talagang pahirapan ako?Eh, ang hirap ng sayaw na ito eh! 

"Mr, Mr," ng SNSD

"Goo bes!!WHooooo!Kaya mo iyan!" cheer ni bes Alexa. Pag ako nahimatay kapag sinayaw ito, makikita talaga nila.

*****
Hapon narin nang matapos na kami. Palabas na sana kami sa University ng nagkasalubong kami ni Teacher Leah.

"Good afternoon po teach Leah!" masiglang bati ko at ngumiti. Ngumiti rin ito pabalik.

Way Back To His Love, AgainWhere stories live. Discover now