Continuation...
Cathy's POV
Habang naglalakad kami sa kinaroroonan nila, bigla akong napatigil ng makita ko silang nagtatawanan. Iyong gf niya, abot tenga ang bunganga kakatawa. Sarap pasukan ng kahoy eh.
Flashback 2 years ago...
/Nasa park kami noon ni Marlou. Kumakain ng ice cream. Naka-isip ako noon ng magandang ideya para tumawa naman rin itong isang ito.
Habang malalim ang iniisip niya, nagkaroon ako ng tsansa na lagyan ng ice cream ang mukha niya."Arrgghh!!!Cathy! Bakit mo iyon ginawa?!!" Naiinis na sabi niya saakin na tinawanan ko lang. Sobra ako noon natawa sa reaksiyon niya. Halos lalabas na ang puso ko kakatawa. "Tss. Tumigil ka nga. Alligator mouth ka talaga. Ang lakas mong tumawa. Itigil mo nga iyan. Ang laki pa ng bunganga mo.! Tss."
End of flashback.
Parang kailan lang. Kami pa ang magkasama at nagkakatuwaan. Pero ngayon?.....
sirang-sira na.
Bumalik ako sa katinuan ko.
"Nga pala Adrian, why are they here?"
"They are one of our business partners.....
Waeyo? Are you afraid?"Napatigil ako sa paglalakad. Nasa likuran ko siya habang sinasabi iyon.
Lumapit siya saakin at hinawakan ang kamay ko."Don't be afraid. I'm here. I will help you to forget him." tapos sabay kaming naglakad patungo sa kanila.
****
"So Mr. Ruiz, how was your business going?" tanong ni Adrian sa kanya. Habang ako, patuloy lang sa pagsubo ng pagkain."Well, as you see. My business is doing good Mr. Grey. And thanks to my fiancé for being my inspiration."
Nagpantig ang tenga ko ng narinig ko iyon. Tiningnan ko ang naging reaksyon ng gf niya. Nakangiti na ito ngayon. Yong ngiting aabot na hanggang tenga 😑
[\ Ang sarap mong hambalusin!\]
" So kailan ang kasal?" - Adrian
Nakangiti lang silang dalawa. At si Marlou naman, eto parang wala kaming pinagsamahan dalawa.
"We are planning it pa Mr. Grey."
"Well, Mr. Ruiz, dalian niyo. Baka mauna pa kami ni Cathy sa inyo." pagkatapos na sabihin iyon ni Adian ay ngumiti siya. Ngumiti naman si Marlou. Iyong ngiting plastik. Alam na alam ko iyon. Iyong mga paborito niya kabisadong-kabisado ko.
"Don't worry Mr. Grey. We are getting married as soon as possible."
My heart broke into pieces.

YOU ARE READING
Way Back To His Love, Again
Romance"Noong mga musmos pa tayo, pasensya ka na at hindi na kita ulit natatandaan. Marami na kasi ang nagbago sayo noong muli tayong nagkita. Nag-iba ka. Pero nanatiling ganon parin ang nararamdaman ko sa'yo noon. At maswerte ako dahil sa lahat ng estado...