Continuation...
Cathy's POV
Ayon nga.
Sinamahan niya nga ako. Mga ilang minuto rin ang lumipas ng magsalita siya.
"Hatid nalang kaya kita sa inyo? Mag gagabi na eh." napatingin ako sa kanya.
OMO! Concern ba siya?
Feeling na ako masyado.
"Hindi. Huwag na. Mag-aantay nalang ako dito ng jeep."
Oo jeep nga. Eh sa ayaw ko sa taxi eh. Nasusuka ako.
"No. I insist." sabi niya at hinawakan ako sa kamay. Uso pa pala ang gentleman ngayon mga bes? Nasa harapan ko na oh!
At saka, may kunting spark akong naramdaman noong hinawakan niya ako sa kamay. Nakakakiliti. Haha.
Huminto kami sa harap ng sasakyan niya.
"Teka sandali." sabi ko.
"Why?Are you okay? Is there something wrong?" nag-aalalang tanong niya.
"Ano kasi....pwede bang paki-off nalang ng aircon? Nasusuka kasi ako eh. Parang gusto ko munang lumanghap ng sariwang hangin. Kung pwede lang naman." nahihiyang sabi ko na ikinatawa lang niya ng bahagya.
"Kunting bagay. Okay. Just get in." sabi niya at binuksan na ang pinto.
Hindi na ako nag-inarte pa.
*******
Habang nagba-biyahe kami, binigay ko sa kanya ang address ng subdivision ko.Mahirap na baka mawala. Tahimik lang kaming bumabiyahe ng magsalita siya sawakas
"Cathy, pwede bang humingi ng pabor?" napatingin ako sa kanya pero ang pansin niya ay nakatuon sa kalsada.
"Sure what it is?" tanong ko.
"I would like to introduce you to my mom and dad as my girlfriend."
"Okay lang ano ka ba? Girl frie--. Teka nga. Paki-ulit nga nang sinabi mo? Parang nabingi kasi ako eh."
Ano raw ulit sabi niya?Whaaa!! This is just a dreaammm!!
YOU ARE READING
Way Back To His Love, Again
Romance"Noong mga musmos pa tayo, pasensya ka na at hindi na kita ulit natatandaan. Marami na kasi ang nagbago sayo noong muli tayong nagkita. Nag-iba ka. Pero nanatiling ganon parin ang nararamdaman ko sa'yo noon. At maswerte ako dahil sa lahat ng estado...