Chapter 25

2K 55 20
                                    

After 3 months

Cathy's POV

1 month.

1 month nang nawawala si  Adrian. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko noong naalala ko siya. Alam ko na.
Alam ko na ang trabaho niya.

Ang pumatay ng tao.

Flashback....

"Jagi, sandali lang naman ako doon eh. It's my business. Babalik din ako kaagad. I promise."

Nasa kwarto kami at kasalukuyang nagtatalo. Pupunta siya ng London para sa isang business but then makakasama niya si Christine?! The fvck! Iyong insecure na lintang iyon?

"Ayaw ko nga Adrian! Paano kung hindi kana makabalik? Adrian baka nakakalimutan mo na marami siyang kakampi doon! Hindi siya nag-iisa. At isa pa, bakit? Kilala mo ba lahat ng makakasama mo doon ha? Di'ba hindi? Ikaw na nga mismong nagsabi na kaya kayo pupunta para magkakilala kayo ng iba pang mga mafia boss! Hindi ako papayag Adrian. Hindi!"

"But Cathy I have to do this! Kailangan ko pang palaguin ang negosyo ko. Negosyo natin. Cathy alam mo namang trabaho ko na ito matagal na. Kaya kailangan kong gawin ito."

"Really? Wow! Just wow! Hindi ka naman ganyan noong nakilala kita noon ah? Bakit? Bakit ba nagbago ka? Paano kung sa'yo mangyari iyang mga pinang-gagagawa mo? Hah?! Paano Adrian?! Sabihin mo!"

He pulled me closer and kissed me deeply. Tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ayaw ko siyang mawala. Kahit sandali ayaw ko. Pakiramdam ko kung mawawala siya sa paningin ko, hindi ko na siya makikita pa ulit.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Sabihin mo yeobo*sob* paano na ako kapag mawala ka? *sob* mamumuhay ako mag-isa?*sob*"

"Hindi ako mawawala ng panghabangbuhay jagi. 2 days lang ako doon. 2 days. Kaya please? Let me go."

Way Back To His Love, AgainWhere stories live. Discover now