Chapter 31

570 13 0
                                    

Cathy's POV

"Adrian, it's getting late na. Gutom na ang GIRLFRIEND mo!!" bagot na sabi ko sa kanya habang nakapulupot ang kamay ko sa braso niya.

Palabas na kami ngayon ng hotel at ewan ko kung saan kami dadalhin ng mga paa ni Adrian.

"Eto na nga diba. Papunta na tayo sa restaurant. Wag ka ngang atat. Makakakain ka rin." Nakakunot noong sagot niya saakin.

"Galit ka ba? Ha?" suyo ko sa kanya at idinikit pa ang katawan ko sa katawan niya.

"Ewan ko sa'yo. Papunta na nga tayo don diba?" sabi niya sabay irap saakin.

Ang tray ah. Parang siya yong nireregla at di ako. Langya!

"Hoy Adrian Shin Grey, baka nakakalimutan mo? Hindi ka nanligaw at dine-retso mo na ako. Nagpa engagement party ka nga ng hindi ko alam at napaghandaan eh! Ngayon na naging tayo na at gutom ako ay saka naman na magagalit ka? Diba obligasyon mo naman yun? Ha? Ha? Ikaw ang lalaki dito diba? At saka the way into a women's heart is her stomach! Tandaan mo ya-----"

I didn't able to finished my words when he face me up and pressed his lips into mine.

"Oo na oo na. Papakainin naman kita eh. Kailan ba kita ginutom? Sakto naman ang pagpapakain ko sa'yo diba? Ang baboy mo na nga eh. Akala mo di ko naaalala ha? Na 4x a day ka nga kumain minsan eh." hinawakan ko ang kamay niya at nagpatuloy ulit sa paglalakad.

"Oo na nga kasi. Alam mo, bilisan nalang natin para makakain na kaagad ako " makulit kong saad sa kanya at hinila na siya sa paglalakad.

Antipatiko.

"Akala ko ba sa restaurant tayo? Eh bakit parang nasa garden na tayo?" Nilibot ko ang pangingin ko sa buong paligid. Mabulaklak. Sobra.

"Relax okay? Makakakain karin maya-maya."

Relax naman kasi ako. Natatakot lang ako na baka may biglang may kalaban na sumulpot dito at mapatay pa kaming dalawa.

"Okay." tipid na sagot ko. Biglang nag ring ang phone niya at nag excuse sya at sinagot yon.

Naglakad-lakad pa ako at nilibot ang lugar na iyon. Namamangha ako dahil merong tulips at roses sa lugar na to.

"Just walk straight in the red carpet. Wait me there honey."

Anong pakulo na naman ba ito?

Simunod ko nalang ang ti-next niya. Meron akong nakitang ilaw kaya naglakad pa ako ng kaunti para masilayan ito.

Nakita ko doon ang red carpet na sinasabi niya. Nakalagay sa bawat gilid ng mahabang red carpet ang  mga kandilang nakapaloob sa mga bote.

My jaw dropped because of what I have seen.

This place is very romantic.

Dahan-dahan kong nilakad ang red carpet. Hindi ko man inaamin pero nae-excite ako na makapunta sa dulo ng red carpet. Ngayon ko lang napansin ang mga petals ng roses na dinadaanan ko.

Mahaba-haba rin ang nilakad ko at pagdating ko sa dulo, merong pulang kurtina.

Napa buga ako ng hangin. "Ano ba 'yan. Baka mamaya may lalakarin pa akong hagdanan dito. Ang daming daldal. Pa intense eh."

Hinabi ko ang pulang kurtina at napa awang ang bibig ko sa nakikita ko.

A table for two. Nasa gitna ng mesa ang puting kandila na may halong kulay pula. Red. Almost all of the things here are red. Maliban nga lang sa baso at sa mga utensils.

Meron ring mini stage at merong tumutugtog doon. Halos completo rin ang mga music instruments nila. The mini stage was white and red. Namalayan ko nalang ang sarili ko na nakangiti at papalapit sa kanila.

Way Back To His Love, AgainWhere stories live. Discover now