7 months later
Cathy's POV
"Ms. Cathy you can't force your self! Your body is not like others'! If you can't have your limitations, you can die with just one snap! My ghad!" umalingawngaw ang boses ni Angela.
Remember my nerdy fangirl? She's a doctor now. And as what did you read, may malubhang sakit nga ako. Ang alam niya lang ay ang pagtatrabaho ko bilang CEO ng kompanya ni Adrian. Hindi niya alam na pumapatay ako ng tao kung kailan ko gusto.
"What wrong with you Angela?! Can you just tell me honestly kung ano ang sakit ko?" tanong ko habang nakaupo at sya naman ay nakatayo at pinagsasabihan ako.
"You have a heart disease Ms. Cathy for Pete's sake! And as far as I know, lalala pa yan pag 'di mo naiwasan ang mga gawain mo. You don't want to die won't you?" naiiyak na sya habang sinasabi niya ang mga katagang yun.
"I don't want to. Okay? Don't over think too much dear. May gamot naman dito diba? I'm sure na maagapan ko pa ito as soon as possible. I promise." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Okay okay. For now bibigyan muna kita ng mga maintenance mo. Make sure to drink it 3 times a day. Don't forget. I am going to remind you every meal for you to remember. Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang sakit na to pero pwede rin namang sa stress and depression lang. But, may plano ka bang sabihin ito?"
I plastic a laugh.
"Ikaw naman. Masyado mong sineseryoso ang usapan Angela. Relax okay? Gagaling naman ako eh."
"I hope so. Basta if ever na sumikip dibdib mo or you feel something unease, just go to my house, clinic or just call me, okay?" tumango-tango lang ako kasabay non ang paglapag ng mga results ng tests ko kanina.
Wondering why napunta ako rito? Dinalaw niya kasi ako kanina sa company tapos napansin niyang namumutla raw ako kaya hinila na niya ako papuntang hospital na pinagta-trabahuan niya. Of course sa fire exit kami dumaan. Maraming tao sa lobby eh.
Hinatid niya ako sa parking lot at nagpaalam na ako sa kanya.
Imbes na umuwi ako at magpahinga, bumili ako ng mga inumin. Plano kong maglasing ngayon. Gusto kong mapag-isa. Tinungo ko ang hilltop dala-dala ang mga bote ng alak na iinumin ko. Wala akong pakealam kung may makakakilala saakin o kung merong mga paparazzi na nakasunod saakin. Gusto kong kalimutan ang mga problema ko at maging masaya kahit sobrang sandali lang.
Dahil VIP ako dito, libre akong umakyat sa rooftop at sinabing ako lang ang magiging tao doon at huwag ng magpapaakyat ng iba.
"Hanggang kailan ba ako maghihintay sa'yo Adrian?!!!!!!!" Sigaw ko matapos ang apat na lagukan ng alak. Ngayong gabi ay magpapadala ako sa imosyon ko. Ilalabas ko lahat ng dapat kong ilabas.
"Sinabihan na kita diba?!!! Sinabi ko na ayaw kong pumunta ka do'n pero nagmatigas ka!! Ano?!! Nasan kana ngayon?!!! Babalikan mo pa ba ako?!!! Mahal mo pa ba ako?" Sa mga huling kataga doon ay napaos ako ng biglaan.
Mas lalo ko pang binilisan ang paglagok ko ng alak na parang matutumba na ako sa tama nito.
Umiiyak narin ako dahil naaalala ko na ang mga panahon na magkasama pa kami. Mga masasayang panahon na pinagsaluhan namin. Mga nakangiting mukha niya ang nasa utak ko at wala ng iba. Miss na miss ko na sya. Sobrang sobra.
"Nasaan ka na yeobo? Malapit na akong mapagod sa kakahintay sa'yo. Babalikan mo pa ba kaya ako? Babalikan mo pa ba ang babaeng minahal mo?Maaalala mo pa kaya ako? Ako to." Mas lalo pang lumakas ang hikbi ko.
Natatakot ako na baka di na niya ako maalala pa. Natatakot ako na baka hanggang doon lang kami. Pero kung yun man ang mangyayari, kailangan kong ihanda ang sarili ko. Lalo na ngayong may sakit na ako.
Pero pinapangako ko, bago ako mamamatay ay una kong ililibing sa hukay si Christine at Nield. Akala nila di ko alam ang mga kilos nilang tahimik pero palpak nga lang.
"Uuugggghhhhh!!!!! Adrian!!! Miss na miss na kita! Mahal na mahal kita!!!! Huhuhu!!! Hanggang kaya ko, hihintayin kita! Pero kapag napagod na ako ay wala na akong magagawa pa." sigaw ko ulit at saka tinungo ang lamesa kung saan nakalagay ang mga alak na binuksan ko na kanina. Kumuha ulit ako ng isa at nilagok yun.
Pumikit ako at nakatingala sa mga bituin sa kalangitan habang para na akong matutumba.
Nangangarap ako na makasama ulit kita.
Biglang may kumuha ng bote sa kamay ko.
"Tang ina! Ba't ka ba nakekealam?!" sigaw ko sa kanya pero natigil ako ng makilala ko kung sino siya.
"I'm sorry Mark. I'm sorry. Nabigla lang ako. Hindi ko sinasadya." sabay pahid ko sa mga luha ko.
"It's okay. Apology accepted. I understand you. But I think you're already drunk. Come on. Let's go." seryoso ang mukha niya na para bang galit siya na ewan.
"Why are you here? You came here alone, so you can leave here with yourself. No need to drag me. I can go home on my own. If you don't want here, then leave. I won't force you to stay. Tss." Mas lalo akong naiiyak na nandito siya ngayon. Mas lalo kong binabalikan ng tanaw ang mga ala-ala naming dalawa.
Biglang nag itim ang mukha niya at ganun nalang ang gulat ko ng bigla niya akong hinawakan sa braso ng mahigpit at hinila palapit sa kanya. Parang madudurog ang buto ko sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.
"Mark it hurts." napaiyak nalang ako sa ginawa niya.
"Don't push me in my limits woman. I hate being rejected. So your coming with me whether you like it or not. No one can say no to me. Understand?!" galit na sigaw niya. Para akong nilamon ng takot sa paraan ng pagsigaw nya. Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig at nawala na ang pagkalasing ko.
"Why? What can you do? What will change if I go with you? Maaalala mo na ba ulit ako?! Babalikan mo na ba ako? Babalik ka na ba saakin?! Ha?! Mamahalin mo pa ba kaya ako gaya ng pagmamahal mo saakin noon?"
Para akong binunutan ng tinik matapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Doon ko nalang na realize ang mga binitawan kong salita. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko kaya nakuha ko ang pagkakataon na alisin ang pagkakahawak niya sa braso ko.
Tumalikod na ako at umalis na. Nagmadali akong naglakad papuntang elavator ngunit bago pa ito nagsara ay may kamay na humarang dito.
Ng makapasok na siya ay bigla niya nalang akong hinila at hinalikan ng sobrang diin. Nakapulupot sa bewang ko ang dalawa niyang kamay na sobrang higpit. Napapikit ako at dinama ang mga sandaling yon. I put my hands on his nape and respond to his kisses as the elevator closed.

YOU ARE READING
Way Back To His Love, Again
Romance"Noong mga musmos pa tayo, pasensya ka na at hindi na kita ulit natatandaan. Marami na kasi ang nagbago sayo noong muli tayong nagkita. Nag-iba ka. Pero nanatiling ganon parin ang nararamdaman ko sa'yo noon. At maswerte ako dahil sa lahat ng estado...