Cathy's POV
Iyon! Iyong salitang iyon ang lalong nagpadurog sa puso ko.
Kung nandito lang sina bes, malamang sinabihan na ako no'n ng
"Bes naman!2017 na ngayon!Move on na!"
"And by the way, It's getting late. We need to get going.Aayusin pa namin ang mga gamit niya because starting tomorrow, she is going to live with me in my house.."
Yung totoo, nagpapa-inggit ba sila?
"Thank you again for the dinner Mr. Grey and...." tumingin siya saakin kaya umiwas ako. "Ms. Ra."
Pagkatapos no'n ay tumayo na siya at inaya narin niya ang gf niya.
"Thank you Mr. Ruiz." - Adrian.
Tiningnan ko lang sila habang sila ay papalayo.
Nang masiguro kung nakalabas na sila ng gate, saka ko pinalabas ang mga namumuong luha na kanina pa gustong kumawala. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Na realize ko na hindi pa pala handa ang puso ko na limutan sya.
Kung alam niya lang kung gaano ako nasasaktan sa mga katagang binitawan niya kanina. Kung alam niya lang na mahal ko pa siya hanggang ngayon. Pero sabagay, wala na kami. Sya na mismo ang bumitaw at ayaw ko nang maghabol.
"It's okay.Just let it out.Pumasok ka nalang sa loob kapag okay kana. I'll be waiting you at my room." he kissed me in my forehead before he leaved. Tiningnan ko nalang sya habang naglalakad na sya palayo.
Naiwan akong nakatayo at parang walang buhay.
Napa-upo ako at umiyak ng umiyak.
Naaalala ko ang mga panahon kung kailan masaya pa kaming dalawa. Mga panahon kung kailan nagmamahalan pa kami ng parang wala ng bukas.
Ilang minuto akong nanatiling ganun ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Iyong mga kandila na nagsilbing ilaw kanina sa mesa ay wala na.
Parang relasyon lang namin. Parang kahapon lang masigla at maligaya pa, ngayon, wasak na wasak na.
Masakit.
Oo. Sobra.
Iyong mga katagang sinabi niya kanina, tumatak ng marahas sa isip ko. Lalo na sa puso ko.
Talagang wala ng kami. Talagang hindi na kayang ibalik ang nakaraan.
Patuloy parin ang pagbagsak ng ulan. Basang-basa narin ang buong katawan ko. Pero parang gusto ko pang manatiling ganito. Parang gusto ko munang hayaan at bigyan ng oras ang sarili ko kahit ngayon man lang.
Sila Max naman, nakatingin saakin at basa narin. Alam ko gusto nila akong lapitan pero hinayaan nalang nila ako.
"Ano bang nagawa ko para mangyari to sa buhayo ko?" tanong ko sa sarili ko habang umiiyak.
Max's POV
Gusto namin siyang lapitan at patahanin. Pero mukhang kailangan yata ni Ms.Cathy ng oras para ilabas niya lahat ng galit at sakit na nararamdaman niya.
Kahit kami ay basang-basa parin pero kailangan naming bantayan si Ms. Cathy. At baka kung ano pa ang pumasok sa isip niya.
Pag-ibig nga naman.
Adrian's POV
She's crying for Marlou.
I think she is really in love with him.
Iniiyakan niya si Marlou pero ako iniyakan niya ba noon?
Walang nakakaalam.
Lumalakas narin ang buhos ng ulan pero parang wala lang para sa kanya. Ganun ba niya kamahal talaga ang lalaking iyon?Para iyakan niya ng ganyan? Eh ako ba noon? Ganito kaya sya saakin noong mga panahong nagkalayo kaming dalawa?
But I won't leave her again like what Marlou did to her. I will protect her as much as I can. I will love her more than how much Marlou loves her.
I'm going to win her heart AGAIN

YOU ARE READING
Way Back To His Love, Again
Romance"Noong mga musmos pa tayo, pasensya ka na at hindi na kita ulit natatandaan. Marami na kasi ang nagbago sayo noong muli tayong nagkita. Nag-iba ka. Pero nanatiling ganon parin ang nararamdaman ko sa'yo noon. At maswerte ako dahil sa lahat ng estado...