Cathy's POV
"Mabuti naman po at nagising na kayo. Pero parang kami po ang nagpagising sa inyo. Sige po at aalis muna kami." aalis na sana sila ng pigilan ko.
"Ahh, teka!! Si Adrian nga pala nasaan?"
Nagkatinginan silang tatlo saka nag-ngitian.
"Mukhang isa po kayong importanteng tao kay boss Ms. Cathy. Tiffany nga po pala."
"Oo nga po. Kaano-ano niyo po ba si boss?Ikaw lang po ang una naming nakita na binuhat ni boss. At ang mas nakakagulat, dito kapa po niya ipinasok sa kwarto niya. Iyong mga nakaka-one-night-stand niya nga po sa hotel lang niya dinad-----"
"Siya po si Samantha. Sammy for short. Just call her Sam to make shorter po. But by the way Ms. Cathy, may katotohanan po ang mga sinasabi nila. At saka, kanina kapa po hinihintay ni boss Adrian sa baba. Max nga po pala."
Sino ba iyang boss? Si Adrian ba iyan?
Sa pangalawang pagkakataon, tumahol na naman iyong aso. Lumapit doon si Sam sa may bintana ng kwarto "Fuck!!" mura niya.
"She's here." sabi ni Max tapos biglang tumingin saakin.
"Ms. Cathy, tayo na po. Makikilala niyo na po ang magiging karibal mo kay boss." sabi ni Max tapos nagsingitian ulit silang tatlo.
Karibal? KARIBAL?!! Kaano-anoko ba si Adrian para magkaroon ng karibal?!Kailan pa ako nagkaroon ng karibal?
*******
Pagbaba ko ng hagdan, wala akong ibang nakuha kundi ang lagkit na pagtingin nila saakin. Nila talaga. Tatlong lalaki at si Adrian."Ano bang mali?" mahinang bulong ko kay Tiffany.
"Iyang sapatos po na suot-suot niyo, nagkakahalaga po iyan ng 12M. At, kung hindi po ako nagkakamali, pumunta pa po si boss sa South Korea para bilhin iyan last month. Marami rin daw pong nagkakandarapa para sa sapatos na iyan. Models, actress, singers, and etc. Pero minalas sila dahil si boss ang naka-una. At sa inyo pa niya ibinigay. Napaka-swerte niyo po. Siguro po may gusto s--- Pasensya na po. Mukhang naparami po ata ang nasabi ko sa inyo."
Gustong-gusto ko talaga ang suot ko ngayon. Naka blue jeans tapos black dotted white long sleeve tapos naka 4 inch high heels.
Pinasuot lang ito saakin eh. Kaya, sinuot ko nalang rin. Hahaha.

YOU ARE READING
Way Back To His Love, Again
Romance"Noong mga musmos pa tayo, pasensya ka na at hindi na kita ulit natatandaan. Marami na kasi ang nagbago sayo noong muli tayong nagkita. Nag-iba ka. Pero nanatiling ganon parin ang nararamdaman ko sa'yo noon. At maswerte ako dahil sa lahat ng estado...