Cathy's POV
"Sasama ka talaga?" tanong ko kay Adrian. Ngayon ang alis namin papunta sa New York. Doon gaganapin ang first concert namin. Hindi ba pwedeng sa Pilipinas nalang?
"Yup. I'm coming too. I don't want to lost you in my own eyes."
Possessive na ba iyon?
Haha ang cute niya lang tingnan. Parang batang gustong sumama para makabili lang ng candy. Pero natatakot rin ako.
Hindi ko alam kung bakit."May trabaho ka Adri. Hindi ka pwedeng mag skip. Alam mo ba iyon?" tanong ko.
"Oo alam ko. Masisisi mo ba ako kung sobra kitang minahal noon hanggang ngayon? kaya ayaw kitang mawala sa paningin ko."
Hindi naman bago ito pero parang kinikilig ako na ewan. Nginitian ko nalang siya. "Sige. Ikaw masusunod."
Tinungo ko ulit ang closet at kumuha ng damit na dadalhin ni Adrian.
Adrian's's POV
Ayaw ko siyang mawala sa paningin ko dahil alam kong mawala lang siya sa mga mata ko maaring hindi ko na siya makita pa.
Skip sa trabaho ko?
Kung alam mo lang ang trabaho ko Cathy. Tiyak na ikawiwindang ng mundo mo. Hindi ko muna sasabihin sa'yo dahil baka iwan mo ULIT ako. Saka ko na sasabihin kapag naikasal na tayo. Sa ganoon, matatali ka na saakin at hindi mo na ako maiiwan pa.
Palaging may nagmamasid sa kapaligiran kaya hindi pwedeng hindi ako sumama. Isasama ko rin sina Max at iba pa. Pina-iwan ko sina Sam.
Kahapon sa event namin, alam kong may taong nakamasid saamin mula sa malayo. Or should I say na nasa di kalayuan lang ito. Hindi rin ako nagpakalat ng mga guards sa bahay para malito ko sila. Kung akala nila na wala akong balak at wala akong kaalam-alam, nagkakamali sila.
Isang maling galaw lang ang gawin nila sa pag-aari ko, makikita nila ang tunay kong pagkatao.
Someone's POV
"Ano na ang balita sa pinapagawa ko sayo kahapon?" I asked one of my mens.
"Masaya lahat ng taong nandodoon. Wala ring nakabantay na guards kaya nakalapit ako sa may gate nila at doon ako pumwesto."
Hindi siya nagpakalat ng guards? Oh poor Adrian. Hindi niya ba alam ang mga ginagawa namin? Magugulat siya kapag nalaman niya. Nagsisimula palang kami Adrian.
Gagawin namin ang lahat maibagsak ka lang.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang babae.
"Ang plastic ng Cathy na iyan kuya. Napaka-plastic niya."
Gigil na saad nito saka umupo sa tabi harap ko."Relax little sis. Engaged na naman kayo kaya wala kang dapat ipag-alala."
"Pero kuya, palaging tulala si Marlou. Kahit hindi pa niya sabihin, alam kong si Cathy ang nasa isip niya."
"Little sis, don't you worry okay? The game is starting. And I'm going to drag Cathy."
Takang-taka siyang tumingin saakin."Ku-kuya, your not going to do it won't you?"
I smirked.
****
Cathy's POVNagising ako dahil may tumatapik sa pisngi ko. Pagmulat ko, si Adrian lang pala.
"Wae?" (Why)
"We're here honey. Let's go."
Hawak-hawak niya ang kamay ko habang bumababa kami sa eroplano. Gabi na pala. Ni hindi ko man lang namalayan. "Adrian, anong oras na ba? Nasaan sina unnie?"
"Nauna na sila pababa. Uhmm, 7:48 pm. Doon nalang tayo dumeretso sa hotel ko. Doon nadin tayo mag dinner."
"May hotel ka dito? Kung sabagay, bilyonaryo ka nga naman eh. Pero nagulat lang ako. Gaano ka ba kayaman? I mean, anong trabaho mo?" tanong ko sa kanya noong nakababa na kami sa eroplano.
"My work? Do you really wanna know?"
"Ofcour----"
"Maknae where here!" Medyo may kalakasang sabi ni unnie kaya nakakuha kami ng atensyon. May mga guards na lumapit saakin para harangin iyong mga fans na kumukuha ng litrato at videos. Isinuot saakin ni Adrian ang shades kaya parang mas lalong umingay ang paligid. Meron naring mga media. Nagulat ang lahat ng nilapitan ko ang mga taong pilit na umaabot saakin at nakipag-kamay ako dito. Game na game ako sa mga ganito. Kaya nakisali narin sina Unnie. Picture here, picture there, picture everywhere. Nakakaaliw ang mga mukha nila.
"I'm inviting you all to come to our concert at Madison Square Garden. Tomorrow at 5:00 PM. Lovelots guys!! Express III loves all of you so much!" Magiliw kong sabi saka nag bow na at naglakad na palayo sa lugar na iyon. Mabait talaga ako lalo na sa mga fans. Marunong akong tumanaw ng utang na loob eh.
Pero teka, hindi na natuloy ni Adrian iyong sasabihin niya sana kanina.Ano ba talagang trabaho niya?
YOU ARE READING
Way Back To His Love, Again
Romance"Noong mga musmos pa tayo, pasensya ka na at hindi na kita ulit natatandaan. Marami na kasi ang nagbago sayo noong muli tayong nagkita. Nag-iba ka. Pero nanatiling ganon parin ang nararamdaman ko sa'yo noon. At maswerte ako dahil sa lahat ng estado...