Chapter 10

2.2K 76 0
                                    

Cathy's POV

Agad akong nilapitan ni Adrian.

 "Hi." bati niya saakin. Pero ang totoo, naiilang talaga ako.

"A-Adrian, masyado ng---"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng yakapin niya ako ng sobrang higpit. Gusto ko sana siyang tanungin kung ano ang nangyayari ng sinenyasan ako ni Tiffany na yakapin siya pabalik. Unti-unti kong inilapat ang mga kamay ko sa likod niya. 

"Hey, what's wrong?" bulong ko sa kanya. 

Grabe. Ang tangkad niya pala. Imagine, naka high heels na nga ako, hanggang tainga niya lang parin ako. 

"Nothing. I just missed you...."

"Making fun with me huh?..." natatawa kong tanong. Pero sa totoo lang, hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap niya. Isama mo pa iyong mga salitang ibinigkas niya. 

"No I'm not baby...."

"BABY???!!!" malakas na sabi ng mga tao na nandoon. 

"Baby??" tinig ng isang babae. 

Umayos na si Adrian at hinawakan ako sa magkabilang balikat at tiningnan ako ng diretso sa mata. Napakunot naman ang noo ko. 

"B-bakit??" ngiti nya lang ang isinukli niya saakin.

Sa isang iglap, naakbayan na niya ako. 

"Adrian Grey.....sino siya?" tanong ulit nong babae. 

"She's my girlfriend Christine. Slash my baby." sagot ni Adrian. 

"How Adrian, how? I mean, I'm your fiancé...W---"

"Ganyan ka na ba ka desperada para makuha ako Christine?" napatingin ako sa kanya. Madilim ang mukha niya at nakakunot na ang noo. Parang anytime ay lalamon at papatay sya nga tao.

"Adrian...." bulong ko sa kanya. 

"You know the consequences if this happened right?" tanong noong babae habang galit na nakatingin saakin. Hindi ko gusto ang paraan ng pagtitig niya. Parang gusto niya akong sugurin, sampalin at awayin pero di niya magawa dahil nasa tabi ko si Adrian.

"And you..." turo nito saakin.

"Touch her and there will be a war Christine. You don't know me well." saad ni Adrian at biglang itinago ako sa likuran niya. Naguguluhan ako sa mga nangyayari sa kanila.

Umurap ang babae at inis na tumalikod ito.

"Sino ba iyon?" mahinang sabi ko.

"Christine Soo. The daughter of my father's business partner."
Ahh. Siya pala yong babaeng tinutukoy niya. Pero infairness, maganda sya ah? Pero mukang mataray at suplada eh.

"Come on. Let's have a dinner. Our visitors are waiting in the garden baby." Hinila na niya ulit ako patungong garden.

"Visitors??" tanong ko. Sino naman kaya iyon?

"Yeah. Marlou and his girlfriend."

Marlou??

Oh god, why them again?!

Way Back To His Love, AgainWhere stories live. Discover now