Adrian's POV
"Where are we going?" my beautiful girl asked me. Nasa loob kami ng sasakyan papuntang resort dito. Are you wondering why I knew this place? I was assigned here 5 years ago.
"Secret." she pouted. How cute. Kung di ko lang mapigilan sarili ko kanina ko pa sya hinalikan.
"Aww. Okay. Nagugutom ako Adrian." nakakunot na ang noo niya ngayon. Halatang gutom na gutom na nga.
"Gusto mo sa Jollibee tayo?" I asked as I tightly held her hand.
"Okay." malungkot ang boses niya na tila ba may malalim na iniisip siya. Gusto ko siyang tanungin pero mas gusto ko syang mapag-isa at makapag isip-isip na muna.
Pero alam ko na matutuwa sya sa lugar na pupuntahan namin.
I am making sure that this would gonna be a long night for the both of us.
She's mine.
Only mine.Cathy's POV
Malalim ang iniisip ko ngayon. Iniisip ko ang sakit ko. Naalala ko na bawal pala akong uminom ng liquor pero uminom ako last time. Kinakabahan ako sa magiging resulta ng pag-inom ko ng alak. At isa pa, di ko ininom ang gamot ko. Every meal akong tine-text ni Angela pero di ko na nire-replyan.
Kaylangan kong maging matatag. Kung mamamatay man ako sa takdang panahon, dapat ay handa ako para dito.
Napatingin ako kay Adrian na nagda-drive.
Kung kaya ko lang pahabain ang buhay ko para sayo. Para makasama lang kita. Siguro nga hanggang doon lang tayo. Siguro nga hindi talaga ako ang para sa'yo. Kailan ba ako magkakaroon ng lakas ng loob para aminin sa'yo ang tunay na karamdaman ko? Kailan? Kailan ba tayo ulit na magkakahiwalay? Ayaw ko. Ayaw ko. Pero parang wala na akong magagawa pa. Kung kukunin man ako ng poong maykapal, masakit man, pero ako ay magpapaalam.
"Hey. We are here." bumalik ako sa ulirat ng tinapik niya ako. Nilibot ko ng tingin ang paligid.
"Akala ko ba sa Jollibee tayo?..." tiningnan ko ang signage na nakasulat sa boundary "ba't nasa 'D Leonor' tayo?"
Ngumiti lang sya ng may kahulugan. Sa mga panahong ito, ayaw kong maging matamlay. Ayaw kong magsayang ni isang segundong kasama ko siya. Gusto kong ibuhos ang buong oras ko sa kanya habang kasama ko pa siya.
"I told you I planned things. Gutom na ba ang girlfriend ko? Don't worry honey. Didiretso naman tayo sa restaurant nila dito eh. At saka resort ito. May mga rides rin. Ayaw mo ba no'n? Makakasama mo ako? Ha? Masosolo mo na ako babe. You won't regret it. Promise."
Grabe maka girlfriend ah😑 Eh na announced na nga na fiancé nya ako eh. Di bale na nga.
"Ang pilyo mo rin no? Talagang kina-career mo na yang pagtaas-baba mo dyan sa kilay mong sobrang kapal. Hmp." panunuya ko kunwari sa kanya. Pero ang totoo, nakaka-atract rin yung mga kilay neto eh. Lalo na kapag nakakunot. Hihi.

YOU ARE READING
Way Back To His Love, Again
Romance"Noong mga musmos pa tayo, pasensya ka na at hindi na kita ulit natatandaan. Marami na kasi ang nagbago sayo noong muli tayong nagkita. Nag-iba ka. Pero nanatiling ganon parin ang nararamdaman ko sa'yo noon. At maswerte ako dahil sa lahat ng estado...