Chapter 20

2.1K 64 0
                                    

Cathy's POV

Is it real?

Siya iyong taong sinukuan ko? Kung kailan na sumuko na ako sa kakahanap sa kanya saka ko siya nakita. Akala ko hindi ko na siya makikita pa.

Siya si Gab-Gab? Hinanap niya ako? Ang saya ko. Hindi ko maisip na si Adrian at si Gab-Gab ay iisa. 

Paano nangyari ito?

"Maknae, naiiyak ka na. Ito tissue oh." agad kong kinuha ang inabot saakin ni unnie Trisha. Naglakad rin papalapit saamin sina bes Alexa at bes Mary.

Hindi ko pa nga nasasabi, magkakilala sina bes at unnies.

"Bes, ganda ng love story niyo. Para lang akong nanunuod ng drama." - Alexa

"Oo nga. Road to forever na iyan." - Mary

"Cath-Cath,....."

Tumulo ang luha ko ng tinawag niya ako sa call sign namin.

Gab-Gab at Cath-Cath.

"Alam ko nabigla ka. Alam ko na hindi mo na ako natatandaan pa. Sa tagal ng panahon na iyon, maaalala mo pa ba iyon? Eh, makakalimutin ka eh. Haha." natawa ang karamihan sa sinabi niya. Totoo, makakalimutin talaga ako. Talagang alam niya iyon. Kami iyong palaging magkasama noong mga bata pa kami.

Ang sarap balikan noong mga araw na sabay pa kaming kumain. Halos hindi niya mabitawan ang kamay ko dahil gusto niya na kami ang laging magkasama at ayaw niya akong mawala sa paningin niya.

Kapag merong batang lalaki na nangungulit saakin sasabihan niya na "Get your fucking hands off to my property dude. She's off limits."

Possessive in short. Seloso pa.

"Pero kahit pa araw-araw kong ipaalala sayo ang nakaraan natin hindi ako mapapagod. Hanggang sa maalala mo ang masaya nating nakaraan. Naaala mo pa ba noon? Noong sabay tayong nakikinig ng radyo kapag sabado at linngo. Nakikinig tayo ng Brgy. Love Stories. Na miss ko iyon. Lahat ng ala-ala natin noon tinago ko. Iningatan ko. Cath-Cath, I love you so damn much."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumayo ako sa upuan at umakyat sa mini stage kung saan siya naroroon.

Agad ko siyang niyakap ng sobrang higpit. Patuloy parin ang pag agos ng luha ko na hindi ko mapigilan.

Naghiyawan naman ang mga tao sa paligid. Pero hindi ko iyon pinansin.

"Ang daya mo. Bakit hindi mo sinabi saakin noon pa? Noong una pa tayong nagkita? Bakit hindi mo sinabi na hindi talaga ang paghahanap ng mapapangasawa ang pakay mo? Bakit hindi mo sinabi na ako pala ang kailangan mo? Bakit hindi mo sinabi ha Gab-Gab? Bakit nagsinungaling ka?"

Niyakap niya ako pabalik.

"Cath-Cath, kaya kong gawin ang lahat mabalik ka lang saakin. Kahit na ang magsinungaling pa ako sa'yo. Ganun ako ka desperado makuha ka honey. Because I don't wanna lose you anymore. I love you Cathy."

"I love you too Adrian."
Bahagya siyang lumayo saakin at may kinuha sa bulsa niya.

"My ghadd!"

"Owemjiiii!!! Ito na!!"

"Gosh!"

Hiyawan ng mga tao sa paligid.

Parang hindi ako makahinga noong kunin niya ang kamay ko.

"Cathy, will you marry me?"

"Yes Gab-Gab! Yes, I will marry you."

Sinuot na niya saakin ang sing-sing. At niyakap ako. Mas lalong umingay ang paligid pagkatapos non.

"I'm happy for you maknae!!"

"Bes congrats!!"

"Adrian make sure to take good care of our maknae!"

"I'm happy for you dude!!"

"I'm happy to be with you yeobo."

Way Back To His Love, AgainWhere stories live. Discover now