Cathy's POV
Nandito kami ngayon sa kwarto ni Adrian.
Tinutulungan ko siyang maghanap ng susuutin niya.Noong una ko palang siyang nakita, alam kong mabait siyang tao. Alam kong hindi niya ako iiwan at papabayaan. At tama nga ang hinala ko. Kahit hindi pa niya ako lubusang kilala ay, minahal niya parin ako. Kahit hindi niya alam ang nakaraan ko. Siguro nga nabulag lang ako sa pagmamahal ko noon kay Marlou. Kaya ngayon, titibayan ko na ang sarili ko. Haharapin ko lahat ng pagsubok na maaaring dumating sa buhay ko. Kasama siya. Kasama si Adrian.
"Ano ba kasing meron ngayon yeobo?"tanong ko habang inaaayos ang necktie niya. Sandali itong natigilan pagkatapos ay sumilay sa mga labi niya ang ngiti.
"What?" tanong ko sa kanya. Nakangiti na kasi ito ngayon ng napaka-tamis. Umiinit narin ang pisngi ko simbolo na nagbu-blush na ako.
"I just can't believe that you called me 'yeobo'. Do you know what it means?...my jagi?"
Nanindig lahat ng balahibo ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang, kinikilig ako na ewan.
"Honey." mahinang sagot ko. Totoo iyon. Honey talaga ang ibig sabihin no'n. Addicted ako ng Korean eh. Hihi.
"You're right. So that means, pumapayag ka na sa offer ko sa'yo? Be my wife Cathy. I will give you everything. Be my world, my queen, my everything." seryosong sabi niya habang nakatingin ng maigi sa mga mata ko. Ganon rin ako sa kanya.
You already owe me Adrian.
"Kung sasabihin ko bang hindi ako papayag, pwede?" sabi ko at nilapit ang mukha ko sa kanya. Mga one inch nalang ang layo ng mga mukha namin. Nakatingin ako sa mga mata niya pero nakatingin siya sa labi ko.
"You know you can't my jagi." then without a word, he kissed me.

YOU ARE READING
Way Back To His Love, Again
Romance"Noong mga musmos pa tayo, pasensya ka na at hindi na kita ulit natatandaan. Marami na kasi ang nagbago sayo noong muli tayong nagkita. Nag-iba ka. Pero nanatiling ganon parin ang nararamdaman ko sa'yo noon. At maswerte ako dahil sa lahat ng estado...