Abby,
Iniwan ko na muna saglit si James, sa kuya ko tama tama naman ang dating nila. Tinawag ako ni lola at pinapasok sa loob ng kwarto nya. Kinakabahan ako alam ko na papagalitan nya ako. Huminga muna ako bago pumasok sa loob ng kwarto nya. Naabutan ko sya nakaupo sa kama nya at tinitingnan ang mga picture ko nung baby pa ako. I admit favorite na apo ako ng Lola ko kaya ganun na lang sya sa akin kahigpit. Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi nya.
"Nayla galit ka ba sa akin. Sorry na hu..."sabi ko na sinamahan ko ng paglalambing.
"Hay, Abigail masuko man ko pero andyan na yan. Nakakahiya man sa atong bisita oi kung magalit pa ako..."sabi ni Lola sa akin.
"Nayla pagsure ba hindi na po kayo galit?..paniniguradong kung tanong.
"Gusto mo magalit ako sayo? Abigail ang sa akin lang sana wag kang gumaya sa kuya mo ayan nagdala ng bata at hindi natin alam kung saan ang nanay ni Potcholo..."sabi ni Lola sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Promise po Nayla hindi ko po yun gagawin yun.."pangako ko sa Lola ko at niyakap sya ng mahigpit.
"Ikwento mo nga kung paano mo ba sya nakilala.."sabi ni Lola at mukhang excited na sya malaman.
Huminga muna ako bago nag umpisa magkwento sa kanya. Sinabi ko lahat sa kanya kung saan kami nagkakilala pero hindi ko na sinabi ang tungkol sa nangyayari sa ming dalawa baka gilitan na talaga nya ako ng leeg pati yung tungkol sa may asawa at anak si James.
"Oh! mukha naman mabait si James at mukhang maayos ang pagpapalaki ng mga magulang nya sa kanya, eh bakit parang malungkot ka?...napansin siguro nya nabigla akong nalungkot, ng bigla ko maalala ang pinagtapat ni James.
"Nayla kasi magkaiba po ang mundo na ginagalawan namin ni James..."sagot ko na lang.
"Eh bakit sa planet mars ba sya nakatira ha? Saka infairness apo ang gwapo ng boyfriend mo para syang artista at para nakita ko sya sa tv.."sabi naman ni Lola kaya kinabahan ako.
"Ah eh hindi po sya artista Nayla.."sabi ko na lang.
"Ang macho ng boyfriend mo. Ganyang ganya ang katawan ng Lolo mo dati nung kabataan nya. Manang mana ka nga sa akin apo sa pagpili ng lalaki..."sabi naman nya sa akin na nakangiti parang kinikilig.
"Macho talaga Nayla! Di ba pweding healthy lang.."sagot ko sa kanya na nakatawa pa.
"Hindi katulad ng Mama mo tingnan mo si Papa mo patpatin..."hirit pa ni Lola ulit.
Maya maya pa lumabas na ako sa kwarto ni Lola kasi nagpapahinga na sya. Pagkalabas ko nakita ko si James at ang pamangkin kung si Potcholo na naglalaro, nakaupo pa si James sa lapag. Natutuwa ako na makita silang magkasundo, naisip ko tuloy bigla siguro namimiss nya ang anak nya at nalungkot ako sa naiisip ko. Lumapit ako sa kanila at naupo sa sopa at pinagmamasdan silang dalawa.
"Hi Tita ninang, okay na po kayo?.."tanong naman agad ni Potcholo pagkakita sa akin.
"Okay naman ako ah, bakit?..tanong ko din.
"Kasi nakita kita kagabi umiiyak ka..."diretsong sagot ni Potcholo.
Napatingin si James sa akin kaya nagbaba ako ng tingin dahil nahiya ako bigla.
"Potcholo, halika nga dito, kalukang bata ka.."sabi ko na lang.
Lumapit si Potcholo at James sa akin, umupo sa tabi ko si James at yumakap sa akin. Kaya bigla akong nailang kasi nasa harap namin ang pamangkin ko n nakatingin sa amin dalawa.
BINABASA MO ANG
The Punisher (kissed my soul) Edited
General FictionMatured content not suitable for very young age, SPG...Edited