Chapter 37

4.9K 110 0
                                    

      After a year....

        Abby,

          "Abby gising na, ano sasama ka ba sa amin ni Marion?...."tanong Andrea habang ni yuyog ako.

      "Oo na babangon na..."sagot ko na nakapikit pa at tumayo na rin.

     "Hoy! babae idilat mo kaya yang mata mo baka mauntog ka dyan. Bilisan mo ng maligo..."naiiritang sabi  ulit ni Andrea.

       Tuloy tuloy lumakad patungong banyo na nakapikit pa, ng matalisod ang paa ko sa may pinto ng banyo.

     "Fuckshit!! ang sakit ha...ayan tulog pa Abigail..."sabi ko sa sarili ko.

      Dali dali na akong pumasok ng banyo at naligo mga wala pang ten minutes kinatok naman ako ni Andrea at pinagmamadali. Nakakainis ang dalawang to hindi pa nga ako tapos pinagmamadali na nila ako. Maya maya lumabas na ako at nagmadaling nagbihis ng pang jogging at lumabas na ng kwarto.

    
      "Hay...salamat naman at lumabas ka din. O ano ready kana?...tanong ni Marion na nakapamaywang na nakatingin sa akin.

      "Yes, ready na ako, let's go..."yaya ko sa kanilang dalawa.

      Lumabas na kami ng apartment ni Marion at nag umpisa na maglakad lakad dahan dahan. Oo sa aparment na ni Marion  nakatira ni Andrea, nagsasama na kasi silang dalawa at hindi na rin kami nagtrabaho sa advertizing company ni Dylan. Pagkatapos ng nangyari sa akin a year ago, nag disisyon kami ni Andrea na lumayo layo na muna at mag iba ng trabaho para naman makalimot ako. Medyo magulo ang nangyari noon, nakulong si David at ang mga kasabwat nya sa pagpatay sa mag ina ni James. Si James naman wala na kaming balita sa kanya simula nung nahuli si David, bigla na lang syang naglaho na parang bula at ibang tao na rin ang nagpapatakbo ng mga business nya.
       Maya maya pa nasa park na kami at nag uumpisa ng mag jogging. Paikot ikot kami hanggang sa sobra na kaming pinagpapawisan at napagod na rin ako.

     "Guys pahinga muna ako saglit ha, pagod na ako..."sabi ko kanila dalawa.

     "Okay..."sagot ni Andrea.

      Naupo ako sa isang bench at uminom ng tubig, nakatingin ako sa mga taong nagjogging at natutuwa din ako sa mga may idad na nagzumba. Naisip ko sali kaya ako sa mga nagzuzumba na yan, tumayo ako at humakbang patawid sa kabilang side ng masagi ako ng isang lalaking nagjogging na nakablack hoodie.

    "Ms. alam mong may nagjogging dito. Bilisan mo ang pagtawid, stupid..."sabi nya at tumakbo na palayo.

   
      Natulala na lang ako, naalala ko bigla si James dahil ganun ganun ang nangyari sa amin. Napaupo ako ulit sa bench at naiiyak dahil naalala ko naman sya. Maya maya pa dumaan si Andrea at Marion pero hindi nila ako napansing umiiyak hanggang sa dumaan ulit yung lalaking nakahoodie. Tiningnan ko sya pero hindi ko makita ang mukha nya. Iwan ko ba anong naisip ko, bigla ko na lang syang hinabol at tinawag kaya napahinto sya.

    
       "Yes, Ms. may kailangan ka ba..."sabay lumingon sa akin at tinangal ang hoodie nya.

      "Ah sorry sir, akala ko kasi ikaw yung kakilala ko. Pasensia na po sorry sa abala..."paumanhin ko na lang.

    "Im sorry din kung nasigawan kita kanina Ms..."sabi naman nya.

    Pero napalingon ako ng may tumawag sa kanya ng honey at ang ganda ng babae. Sa isip ko, ang ganda naman ng girlfriend nya, dahan dahan akong humakbang papalayo sa kanila baka mamaya ano pa ang iisipin nya sa akin. Bumalik na ako sa bench na pinag upuan ko at tama tama namang dumating si Marion at Andrea. Nagyaya na sila na umuwi dahil may mga trabaho pa kami, sa company na ako ng Daddy ni Andrea ngayon nagtatrabaho at si Andrea naman na ang boss ko.

The Punisher (kissed my soul) EditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon